MADDY POV. "Nabingi ka na ba Maddy?" Kunot-noong tanong niya. Hindi ko nasagot yung mga katanungan niya dahil sa nabigla ako sa mga nasabi niya. "H-Hindi Tyler... W-Wala lang iyon," palusot ko sabay kamot sa aking ulo. Baka ito yung gabing nalasing ako dahil mahilig akong magsalita at si James talaga ang binabanggit ko sa tuwing matutulog ako. "Iyon yung nabasa ko sa pocketbook. Oo, iyon ang totoo. Nadala ako sa emosyon ko dahil ang sakit lang sa heart yung eksenang dinanas ng babae doon sa kwento. Feel ko, ako yung babaeng bida sa The Broken Sweetheart. Nalulungkot ako sa binasa ko at dapat pala hindi ko na binasa 'yon. Nagsisisi tuloy ako. Hindi ako makamove on hanggang ngayon" napangiwi na lang ako sa sinabi ko sabay iwas ko sa mga titig niya. Dinig ko ang pagbuga ng hangin sa bib

