Chapter 24

2302 Words

MADDY POV. Malalim na ang gabi nang matapos namin ni Danica ang trabaho rito sa kusina. Lantang gulay na kami. Hindi namin alam kung bakit ganito na lang kami pahirapin ni Tyler. "Saan ka na pupunta Maddy? Saan mo idadala 'yang yelo ha?" Puna ni Danica. May hawak akong basket na may lamang dalawang yelo. "Ah eto? Idadala ko ito sa kuwarto ni Tyler. Mainit ang ulo niyon kaya niya tayo pinapahirapan ng ganito eh. Danica, halos pass 12 na oh. Baka kulang na lang na ipagawa sa atin ni Tyler ay ubusin natin itong niluto nating dalawa," singhal ko. Sobrang amoy na amoy ko na rin ang sarili ko. Amoy karne ako at amoy sibuyas pa. Nang amuyin ko ang kili-kili ko parang amoy putok na. Shemay! Halos dalawang kilong sibuyas yung binalatan namin ni Danica. "Sige, maligo ka muna. Ang baho mo na,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD