"Ahh... Huwag niyong sabihin na panonoorin niyo lang ako?" Sabi ko rito. "Take your time Maddy. Pang isang truck na ang bilhin mo para hindi ka maubusan ng stock sa bahay." Pangungutya sa akin ni Tyler. Hindi ko masabi kung matatawa ba ko o nang-aasar lang siya. Anong tingin niya sa akin? Ginawa ba naman niyang gripo ang regla ko na kayang-kaya kong ubusin ang isang truck na sinasabi niya. Pekeng ngumiti ako kay Tyler pero naiinis talaga ako sa kan'ya. Pero may part naman sa akin na masaya ako dahil ko na tila may pagbabago sa ugali ni Tyler. Marunong na siyang malisalumaha sa ibang tao. "Sige na Maddy, may bibilhin din kami." Sabi naman ni Samuel. "Sige," tipid kong tugon. Umalis na ang mga ito. Nang ako na lang ang narito. Abala naman ako ngayon sa pagdampot ng mga palaman ng tinap

