Tyler POV. Patungo kami sa Probinsiya kung saan nakatira ang pamilya ni Maddy. I don't know what happen to me. Gusto ko na sana siyang kalimutan na kaya ako umuwe agad ng Maynila kasama ang Doktor. Handa na ko sa lahat bumalik lang ang aking lakas. Pero hindi pala ganun kadali ang lahat dahil hindi pa maayos ang aking paglalakad. Medyo kumikirot pa ang mga binti ko kaya tanging isang saklay ang aking gabay para makalakad. Hindi din umaabot ng kalahating oras ay nararamdaman ko na naman ang pagkirot nito pero naigagalaw ko na ang dalawa kong mga binti iyon nga lang ay kasing bagal ko gaya ng lakad ng pagong. "We're here," sabi ni Uncle Drake ngunit tila yata may shooting na nagaganap dito sa kanilang lugar. Bumaba kaming tatlo at isa si dad ang kasama namin na siya ang umaalalay sa akin.

