MADDY POV. Gusto kong matawa sa itsura ni Tyler. Tignan mo nga naman. Sobrang excited siya sa isasagot ko. What if? Humindi ako. Ano kaya ang reaksyon niya? Sige, subukan ko nga, ngunit wala sa isip ko ang saktan siya at paasahin. Malungkot kong tinitigan si Tyler. Nagsalubong agad ang mga kilay niya. Bigla siyang napailing. Ayaw niya na kong tignan. "Tyler," tawag ko ngunit hindi siya tumingin sa akin. "Maddy, kung hindi ka rin lang sasang-ayon. Huwag mo na lang ituloy na sabihin 'yan. Ikakain ko na lang ito." Napakunot-noo na lang ako. Grabe naman 'to. Wala pa kong sinasabi. Napaka-negative niyang mag-isip. "Kumain na tayo. Hindi ako ulam para mabusog ka," sabi niya nang bahagya niya kong tiningnan. Hinihipan niya yung sabaw ng nilagang baka. Kita kong mainit pa yung sabaw. Natak

