MADDY POV. "Tulog na tayo Tyler. Bukas na tayo mag-usap. Sumunod ka na lang sa akin at ako ay hindi kita maaalalayan. Pasensiya ka na sa ginawa ko," malungkot na sabi ko saka ako bumahing sa kan'yang harapan habang magkadikit pa ang aming mga katawan. Hindi lang isang beses na bumahing ako kundi tatlong beses. Nagsitalansik ang laway ko sa mukha niya ngunit tila nagustuhan naman nito dahil hindi naman siya nagreklamo. Parang may parte sa akin na gusto kong halikan ang mga labi niya. Napakagat labi na lang ako nang bahagyang gumalaw ang adams apple niya. Inilipat ko pa ang mukha ko sa kan'ya at bigla akong natawa sa inakto niya. "Takot ka bang mahalikan? Ha Tyler?" Malanding boses na sabi ko sabay haplos ko sa kan'yang pisngi. Ngunit bigla akong nakaramdam na parang may isang kamay ang

