MADDY POV. "Hoy!" Panggugulat sa akin ni Leigh na siyang bumasag sa katahimikan ko rito. Narito ako sa mesa habang nakapalumbaba. Katatapos ko lang magluto ng pang-umagahan namin ni Tyler ngunit nagulat ako nang bulabugin ni Leigh ang katahimakan ko rito. Yung inis ko kagabi pa ay napalitan ng saya dahil dinalaw din ako ni Leigh rito. Nanginginang ang mga mata ko nang makita si Leigh. "Leigh!" Napatayo agad ako at agad na niyakap siya. "Hoy Maddy... Ano ba ang nangyayari sayo at tulala ka kanina diyan?" Automatikong naghiwalay ang aming mga katawan sabay nguso ko. "Eh pa'no ba naman kasi na hindi ka matutulala, yung kapatid mo parang binagsakan ng malamig na yelo. Kaninang umaga hindi niya na ko iniimikan. Kagabi ko pa siya tinatanong kung ano ang problema niya pero ayaw naman niyang

