PAGKATAPOS ng tagpo nila sa tabing dagat ay hawak kamay silang naglakad at pumasok na sa loob ng bahay ng dalaga. "Upo ka muna," saaď ng dalaga nang nakapasok na sila sa loob. Umupo naman si Troy sa silya at nakita ni Andrea na panay ang sulyap ng binata sa kanya. Para bang may kung anong meron sa mukha n'ya, at parang may ibig siyang sabihin. Kung kaya lumapit si Andrea ng bahagyan sa binata. "May dumi ba sa mukha ko?" tanong ng dalaga. "Wala, Andrea. Namiss ko lamang titigan ang maganda mong mukha," saad ni Troy habang nakangiti ng abot tainga at tinawid nito ang kanilang pagitan. At bigla itong yumakap sa dalaga. "I really miss you, Andrea," wika ni Troy. Niyakap rin ng mahigpit ni Andrea ang binata. "Namiss din kita sobra," wika rin nito sa binata na kita sa mukha ang saya.

