'Awang-awa ako habang tinitignan si Andrea na lumuluha at wala akong magawa kung hindi ang damayan s'ya at hindi umalis sa tabi nya," saad ni Troy sa kanyang isipan. Kaya nilapitan n'ya at hinaplos n'ya ng kanyang palad ang likod nito. "Tama na Andrea wala na tayong magagawa at huwag kang mag-alala. I will never leave you," wika ni Troy. Tinabihan nito ang dalaga at tinitigan ang mukha nito na nababakas ang kalungkutan at patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. "Pakiramdam ni Troy ay pinipiga ang kanyang puso sa kanyang nakikiya at doble ang nararamdam n'yang sakit. 'Ayaw ko na nakikita siyang nalulungkot at nahihirapan, kung kaya't hindi ko napigilan na yakapin siya muli," wika pa nito sa kanyang isipan. "Andrea tama na kung pwedi lang na saluhin ko ang lahat nar

