CHAPTER TWENTY Siam Alonzo HINDI nawala ang ngiti sa labi ko nang bumalik ako sa open court ng eskwelahan. Dala-dala ko na rin ang cellphone ko na hinihiram ni Yesza. Iyon lang naman ang pinuntahan ko sa faculty, pero hindi ko inaasahan ‘yong pabulaklak ni Neu. Nag-uumpisa na rin ang mga co-teachers ko sa pa-games na ginawa ng isang head teacher. Nagtatawanan naman ang mga estudyante sa ginagawa ng mga guro sa taas ng stage, habang ‘yong teachers ay nakaupo lang na nanonood at nakikitawa. Nang makaupo ako sa tabi ni Yesza, nanunukso ang tingin na pinukol niya sa’kin — which is hindi ko na lang binigyan ng pansin. Baka ano na naman ang sabihin niya at baka mabuking niya pa ako. Masyado pa naman akong defensive kapag nakakaramdam ng ganitong klaseng kilig. Slight lang naman. “O, heto na

