Kabanata7:MRS.Ocampo

1443 Words
Everlie's Pov "Totoo pala aking narinig balita tungkol sayo Erverlie." Wika ni Mr Tan sabay tingin kay Garri. "Mr Tan, how are you!" Bati ni Garri at agad itong tumayo para makipag kamay dito. "I'm good Mr.Clinton, Ikaw gusto ko warning tungkol Erverlie. Ikaw ingat baka perahan ka lang nya." Wika nito kaya Napakuyom ako ng kamay. "Diba kakahiwalay nyo lang iyo boyfriend, bakit Ikaw boyfriend agad Mr.Clinton?" Wika nito kaya napayuko nalang ako. "Mr Tan, hindi naman importante sakin kung kakahiwalay lang nila. Matagal ko ng kilala si Everlie, actually hinihintay ko lang din talaga sila mag hiwalay ng boyfriend nya noon." Nakangiting sagot ni Garri. "Basta ikaw warning ko Mr. Clinton, huwag Ikaw sobra tiwala babaeng yan." Wika nito. Feeling ko tutulo na ang luha ko. Pakiramdam ko lubog na lubog na ako sa kinauupuan ko ngayon. "Don't worry Mr.Tan, nasa mabuting kamay ako. Alam ko ang pinapasok ko, kung ako ang winawarningan nyo, I warning you too. Hindi po ata maganda kung mag papatong ka ng malaking interest sa taong may utang sayo." Agad akong napatingin kay Garri. Paano nya nalaman? Paano nya nalaman na si Mr Tan ang pinag kakautangan ko? Napansin kong nakakunot na ang noo ni Mr Tan, marahil hindi nya nagustuhan ang sinabi ni Garri. "Hindi pa tayo tapos Erverlie, Ikaw puntahan ko sayo bahay. Ikaw kailangan bayad utang!" Wika nito at nag walk out na. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa pag alis nito. Para syang isang malaking bara sa aking lalamunan. "Paano mo nalaman na kay Mr Tan ako may utang?" Tanong ko kay Garri. "Simply lang, hindi naman yun lalapit sayo ng walang dahilan diba? Kilala ko ang matandang inshek na yun. Marami na syang binaon sa utang dahil sa malaking interest na binibigay nya. Paano ka ba nag kautang sa matandang yun?" Nakakunot noo na tanong nito. "Papa ko ang nangutang sa kanya. We have a small bar before. Until nag kasakit si papa, lumapit sya kay Mr Tan para makipag business partner pero di nag tagal ay humina ang bar. Hangang sa nangutang ulit si papa at tuluyan na nga itong nalugi. Para makapag bayad ng utang, binenta na ni dad kay Mr Tan yung maliit na negosyo namin pero kulang pa din. Hangang sa namatay si papa na may naiwang utang. Kaya ako ngayon ang nag babayad Dito." Sagot ko dito kaya napasandal ito sa upuan nya. "Kaya pala tinangap mo agad ang offer ko sayo kahit mahirap. Mag kano nalang ba ang utang mo sa kanya?" Seryosong tanong nito. "500k nalang." Sagot ko. Patango-tango naman ito. "Pag kinasal na tayo, ibibigay ko na yung kalahati ng bayad ko sayo para mabayaran mo na si Mr Tan." Wika nito kaya napangiti ako. "Thank you Garri, mas gugustuhin ko pang maging fake wife mo kesa ikasal sa anak ni Mr Tan." Sagot ko dito kaya natawa ito. "Yun ba ang gustong mangyare ni Mr Tan? Talagang napaka utak ng matandang yun. Pero bakit ayaw mong maikasal dun? Safe na ang future mo dun." Nakangiting wika nito kaya tiningnan ko ito ng masama. "It's not about the money Garri, it's about love. Palibhasa kasi hindi mo pa naranasan ang mainlove kaya okey lang sayo na maikasal sa taong hindi mo mahal." Sagot ko dito kaya bigla itong natahimik. "Ano ba ang pakiramdam ng ma Inlove" Seryosong tanong nito habang nakatitig sakin. Napalunok naman ako dahil sa inasta nito. "Kapag Inlove ka, palagi kang masaya. May saysay kung bakit ka nabubuhay. Gusto mo palaging nakikita or nakakasama yung taong mahal mo. Yung kahit may problema ka, masaya ka pa rin kapag nandyan sya sa tabi mo." Nakangiting wika ko dito. "Masasabi mo bang Inlove ako, kung Masaya ako dahil sayo?" Wika nito kaya natigilan ako. "Here's your order mam and sir, enjoy the food." Wika ng waiter kaya parang wala na kay Garri yung sinabi nya. "Let's eat." Nakangiting wika nito kaya isinantabi ko nalang yung sinabi nya. Siguro nasasabi nya lang yun dahil natutulungan ko sya sa problema nya. **Paula's Pov** "Galing ka nanaman sa kabit mo!" Inis na wika sakin ni Yvette, ang ka business partner ko sa flowershop. "Tumigil ka nga dyan, sinong kabit ba ang tinutukoy mo?" Tanong ko dito habang nag didisplay ng mga flowers. "Yung bestfriend mong si Everlie. Akala ko ba ako lang yung Bestfriend mo bakla?" Inis na tanong nito. "Tumigil ka nga Yvette, sisirain mo nanaman ang araw ko dahil sa pag dadrama mo. By the way, kamusta na ange kuya mo?" Nakangiting tanong ko dito. Minsan na kasinh bumisita yung kuya nya dito at alam nyo ba na super gwapo nito. "Tigilan mo na ang pag papantasya mo kay kuya Carl. Hindi ka nun magugustuhan, sinabi ko naman kasi sayo, mag pakalalaki kana. Malay mo tayo pala ang para sa isat-isa." Wika nito kaya tiningnan ko sya ng masama. "Bakla, kilabutan ka naman sa pinag sasabi mo!" Inis na wika ko dito. *Cling* Agad akong napatingin sa pumasok sa shop namin. Nang laki ang mata ko ng makita si Fafa Cleo. Oh my gosh nandito ba sya para bisitahin ako. "Kuya!!!!" Masiglang sigaw ni Yvette dito. "Kuya? Mag kapatid kayo ni Fafa Cleo?" Di makapaniwalang tanong ko kay Yvette. "Oo, pano mo naman nakilala ang kuya ko?" Nakakunot noo na tanong nito. My gosh, mag papakabait na talaga ako kay Yvette. Kung hindi para sakin si Carl, itong si Fafa Cleo nalang. Jusme mas marami tong pandesal na nakatago. "Hi Paula, dito ka pala nag wowork." Bati nito sakin kaya kilig na kilig naman ako. "Sya yung business partner na sinasabi ko sayo kuya. Nakabalik na sya galing bakasyon." Wika ni Yvette. "Maupo ka muna Cleo, ipag hahanda muna kita ng maiinom." Wika ko dito kaya dumiretso na ako ng kusina. Habang pa kanta-kanta ako sa kusina, pumasok itong si Yvette. "Huwag ka ng mag abala, umalis na si kuya." Wika nito kaya napasimangot ako. "Bakit di mo agad sinabi!" Inis na wika ko at patakbong lumabas. Tulad ng sinabi ni Yvette umalis na nga ito. "Alam mo bakla, masasaktan ka lang sa ginagawa mo. Hindi ka magugustuhan ng mga kuya ko. Ako nalang kasi ang mahalin mo. Tatangapin kita kahit ganyan ka." Wika nito habang naka evil smile sakin. Alam na alam nya talaga kung paano ako asarin. Nakakagigil tong babaeng to. "Kadiri ka talaga Yvette, dyan ka na nga!" Inis na wika ko dito at nag simula na ulit ako sa pag aayos ng mga flowers. *Cling* "Welcome Ma'am." Masiglang bati ni Yvette sa customer namin. Lumapit ko dito at Masaya din itong binati. Napakunot ang noo ko ng makita ang muka nito. She looks familiar, parang may kamuka sya. "Madam, dati ka po bang model or artista?" Nakangiting tanong ko dito. Napahawak naman ito sa muka nya na tila nahihiya. "Marami na ang nag tanong nyan sakin pero ang totoo ay hindi." Nakangiting wika nito. "You know what madam, may kamuka kang friend ko. Kamukang kamuka nyo po talaga." Wika ko dito habang pinag aaralan ang bawat angle ng muka nya. "Talaga ba? Ibig sabihin maganda din itong kaibigan mo?" Pabirong tanong nito. "Oo naman po, hindi lang sya mahilig mag ayos. Pero talagang maganda po ito, pwede ko nga po kayong pag kamalan na mag Ina kung ipag tatabi kayo sa isat isa." Wika ko dito. "Parang gusto kong makilala itong sinasabi mong kaibigan na yan." Nakangiting wika nito. "Kung kilala nyo po si Mr Garrison Austine Clinton, yung girlfriend nya po ang tinutukoy ko." Wika ko dito at patango tango naman ito. "May girlfriend na pala ang batang yun." Dinig kong wika nito. So ibig sabihin personal nya sigurong kilala si Garri. Nag order na ito ng bulaklak kaya inasikaso na ito ni Yvette. "Thank you madam." Sabay na wika namin ni Yvette ng maibigay na namin ang order nito. Nakatangap pa kami ng malaking tip mula dito. "Oo nga bakla, old version sya ni Everlie. Hindi kaya kamag anak nya ito?" Di makapaniwalang wika ni Yvette. "Wala naman nababangit si Everlie sakin tungkol sa mga kamag anak nya. Wala naman ata itong kilalang kamag anak." Sagot ko dito at bumalik na ulit sa pag aayos ng bulaklak. "Baka kamuka nya lang talaga, may mga ganun naman na cases eh. Yung tipong parang twinnie kayo, pero hindi mo naman kadugo." Wika ulit nito. "Sabagay, may point ka dun." Sagot ko dito. Posible din naman na mother yun ni Everlie, pero pwede din kaya? Wala naman itong nabangit sakin about sa mama nya. Tanging papa lang nya ang palagi nyang na kukwento sakin. Ay naku, nag hanap lang ako ng sakit sa ulo. Bakit ko ba to pinoproblema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD