Kabanata8:Villa_Lustre

1568 Words
Everlie's Pov Dalawang araw na simula ng mag propose sakin si Garri. Sobrang bilis kumalat sa social media ang tungkol saming dalawa. Hindi ko na nga magawang lumabas ng bahay dahil ayukong may makakita sakin. *Tok*tok* Napabangon ako sa pag kakahiga sa sofa para pag buksan ito. "G-Garri" Nauutal na tawag ko dito. Dirediretso itong pumasok sa loob ng bahay. Mukang nag iisa lang ito. Napansin ko din ang suot nya, mukang wala itong trabaho. "Biglaan ata ang pag punta mo? May kailangan ka ba?" Tanong ko dito at naupo ako sa kabilang sofa. "We're going to Batangas, my parent wants to meet your parents." "A-ano!" Pasigaw na sagot ko dito at napatayo pa ako sa kinauupuan ko. "Pero Garri, alam mo naman na wala akong magulang, lalo ng wala kaming pag mamay-aring resort." Nang lalambot na sagot ko dito at muling naupo. "About dyan, nagawan ko na yan ng paraan. So kailangan na nating mauna sa Batangas para makilala muna ang mag papangap na parents mo." Wika nito kaya napabuntong hininga nalang ako. Talagang ibang klase tong si Garri, lahat ng problema nagagawa nyang solusyonan. "Sige, mag iimpake lang ako ng mga gamit ko." Wika ko dito. Tatayo na sana ako ng pigilan ako nito sa kamay. "Hindi na kailangan, na ready na ni Mariel and Paula ang gamit mo." Sagot nito kaya napakunot ang noo ko. Kaya pala kahit sarado ang flower shop ay maagang umalis si Paula. "Tara na at kanina pa silang nag hihintay." Wika nito sabay hila sakin palabas. "Teka lang Garri, mag papalit muna ako ng damit ko!" Inis na wika ko dito. Tumigil naman ito sa pag hila sakin at tiningnan ako nito mula paa, hangang ulo. "Dun kana mag bihis, wala na tayong Oras." Wika nito kaya napasimangot nalang ako. Wala naman akong magagawa, kapag sinabi nya yun ang masusunod. Alalahin mo girl, 1.5M ang nakapatong sa ulo mo. - Pag dating namin sa meeting place. Nakita ko si Paula, Mariel, Yvette at ang gwapong driver na si Cleo. "Ang tagal nyo ah, baka naman kung ano pa ginawa nyo sa bahay." Nakangising wika ni Paula. Tiningnan ko naman ito ng masama. Napakadumi talaga ng isip ng isang to. "Nabili nyo ba lahat ng pinabibili ko?" Tanong ni Garri. Binuksan naman ni Mariel ang Van. Napalunok ako dahil punong puno ang likuran nito. Tanging mga upuan nalang nila ang bakante. "Good." Wika ni Garri. Napaka seryoso naman ata nya ngayon. Kinakabahan ba sya sa mangyayare? Sabagay, meeting the parents na kami. Malayo layo na rin ang pag papangap naming dalawa. "Tara na Ms.Castro, mag bihis kana para makaalis na tayo." Wika ni Mariel habang dala-dala ang isang paper bag. Kaya sumunod nalang ako dito. Habang nag papalit ako ng damit, biglang nag salita si Mariel. "Alam mo Everlie, napaka swerte mo." Wika nito na ikinagulat ko. "Paano mo naman nasabi yun?" Sagot ko at lumabas na ako ng Cr. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Naka white floral dress ako. "Dahil ikaw ang napili ni Sir Garri sa dinamidaming babaeng nakapaligod sa kanya." Nakangiting wika nito at inayos ang tali ng damit ko. "Sabagay, sobrang thankful ko talaga ng makilala ko sya. Kung di dahil kay Garri, baka nasa simbahan na ako ngayon at nag nonobena." Nakangiting sagot ko dito. "Sa tingin mo Everlie, mauuwi kaya sa totohanan itong pag papangap nyo?" Wika nito habang inaayos ang buhok ko. "Malabong mangyare yun Mariel. Hindi ako nararapat kay Garri. Ginto sya samantalang ako tanso lang. Kahit saan tingnan, bayaran lang ako. Lalabas at lalabas ang katotohanang binayaran nya ako para gawin to." Nakayukong sagot ko. "Paano kung si Sir Garri na yung mag kagusto sayo, aayaw ka pa rin ba?" Napatingin ako kay Mariel, si Garri mag kakagusto sakin? "Malabo yun, si Garri ay si Garri, kilala mo ang boss mo Mariel. Hindi sya madaling ma-inlove. Baka nga hindi pa pinapanganak ang babaeng mag papainlove sa kanya." Biro ko dito kaya napangiti ito. "Well, malalaman natin kapag natapos na ang kontrata." Wika nito at lumabas na kami. Pag dating namin ng parking, lahat sila nakatingin samin. "Bongga! Galing ko talaga pumili ng damit na babagay sayo. Nagustuhan mo ba Sir Garri?" Nakangising wika ni Paula dito. Hindi naman nakaimik itong si Garri dahil nakatitig ito sakin. "Hey Garri, okey na ba to sayo?" Tanong ko dito kaya tila bumalik na ito sa sarili nya. "O-oo, tara na." Wika nito at tumalikod na sakin. Nauna na itong sumakay sa kotse kaya sumunod na din ako. "Okey ka lang ba Garri? Bakit parang namumula ka ata. May sakit ka ba?" Tanong ko dito at agad na nilapat sa noo nya ang palad ko. "Oo, medyo mainit lang. Hindi talaga ako pwedeng mag stay ng matagal sa initan." Wika nito kaya nilakasan nya yung aircon. Tiningnan ko lang si Garri, ang swerte siguro ng babaeng mamahalin nya. Sobrang perfect naman kasi nito, hindi na ako mag tataka kung isang araw maiinlove ako sa kanya. Wait, ano yung sinabi ko? Hindi pwede Everlie, masasaktan ka lang kapag hinayaan mo ang puso mo na mainlove sa kanya. "May problema ba?" Nakakunot noo na tanong nito. Tumalikod ako dito at tumingin nalang sa labas. **Batangas** "Everlie, wake up! Nandito na tayo." Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Pero agad din itong nang laki dahil sobrang lapit ng muka ni Garri sakin. "S-Sorry nakatulog pala ako." Wika ko dito at umayos na ng upo. Bumaba na ito ng sasakyan kaya ganun din ang ginawa ko. "Grabe ang ngalay sa pwet!" Dinig kong reklamo nila Paula ng makababa na ang mga ito sa van. Hindi ko agad napansin ang nasa harap naming villa. Hindi ko namalayan ang paa ko na unti-unti ng nag lalakad. "Wow, ang ganda naman dito." Wika ko sa sarili ko. "Mabuti naman at nagustuhan mo. Isa ito sa pag aari ko, ang Villa Lustre." Wika ni Garri na ngayon ay nasa tabi ko na rin. Tinitingnan din nito ang kagandahan ng entrada ng resort. "I-ibig sabihin sayo to? Hindi ba alam ng parents mo ang tungkol dito?" "Nope, isa ito sa secret place na pag aari ko." Nakangiting sagot nito at hinila na ako nito sa kamay papasok. Napalunok naman ako dahil sa ginawa nito. Nakatingin lang ako sa mga kamay namin hangang sa tumigil ito. "Maligayang pag babalik iho." Agad akong napatingin sa dalawang may edad na nag salita. "Sya ba ang mapapangasawa mo?" Agad na tanong ng matandang babae. "Opo Manang Lucy, Everlie this is Nanay Lucy and her husband Tatay Daryo." Pakilala ni Garry kaya agad akong nag Mano sa dalawa. "Sila ang mag papangap na magulang mo habang nandito tayo." Pahabol ni Garri kaya napatingin ako sa mag asawa. Pati ang inosenteng mag Asawa na to, madadamay pa sa pag sisinungaling namin. "Magandang tanghali po!" Agad akong napalingon kela Paula. Dala dala na ng mga ito ang mga gamit namin. "Sumama na muna kayo samin para mailagay nyo na sa kwarto nyo ang mga gamit nyo. Isa pa, naka handa na rin ang lunch nyo sa kubo." Wika ni nanay Lucy. Sumama na sila Paula dito, naiwan kami ni Garri sa lobby ng Villa. Muli nanaman nitong hinila ang kamay ko at muli kaming nag lakad lakad. Pag labas namin ng lobby, dun ko na natanaw ang napaka gandang dagat. Ngayon nalang ulit ako nakalanghap ng sariwang hangin kahit medyo maalat. "Ito ang unang beses na nag bakasyon ako dito na may kasama." Wika ni Garri at nag simula na kaming mag lakad sa buhanginan. Binitawan na nito ang kamay ko, this time kaming dalawa nalang ang nandito. Hindi nya na kailangan pang mag pangap. "Siguro ang lungkot ng buhay mo Garri." Wika ko dito kaya natigilan ito sa pag lalakad. "Paano mo naman nasabi yun?" Seryosong sagot nito. "Kasi mag isa ka lang, wala kang karamay sa bawat ginagawa mo. Sa bawat nangyayare sa buhay mo. Buti nakakaya mo yun." Wika ko at Naupo sa buhanginan kaya ganun din ang ginawa nito. "Nasanay na din kasi ako, pakiramdam ko mas nakakapag relax ako pag mag isa lang." Sagot nito habang nakatingin sa dagat. "So ibig sabihin hindi ka makakapag relax ngayon kasi kasama mo ako, kami." Nakakunot noo na tanong ko dito. "Hindi naman sa ganun, sanay naman na ako sa presensya mo. Kaya nga kapag wala ka naninibago ako." Wika nito kaya biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Sir Garri! Everlie, kakain na tayo!" Sigaw ni Paula mula sa lobby kaya tumayo na ako. "Mas masaya pala kapag may kasama." Wika ni Garri, ngumiti ako dito at inabot sa kanya ang kamay ko. "Tara na, lalamig na ang pag kain." Wika ko dito at kinuha nya din ang kamay ko. Ramdam ko ang pag higpit ng hawak nya sa kamay ko habang nag lalakad kami. "Ahem, wala pa naman ang parents ni Sir Garri. Baka hindi na pag papangap yan ah." Wika ni Paula kaya agad akong napabitaw sa kamay ni Garri. Panira talaga tong bakla na to. "Dami mong napapansin, halika na nga dito!" Inis na wika ni Mariel at niyakap nito sa braso si Paula. "Hey, sakin lang si Paula!" Inis naman na wika ni Yvette at yumakap din ito sa kabilang braso ni Paula. Mukang mag kakaroon ng problema si Bakla dahil sa dalawang babaeng kasama nya. "R@pe!" Sigaw no bakla pero wala syang magawa dahil nakalingkis na sa kanya yung dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD