“Ayos ka na ba?” tanong ni Master Lua pagkamulat at pagkamulat pa lang ng mata ni Lily. Sinubukang umupo ni Lily kaya inilalayan siya ni Miss Kate na umupo sa tabi niya. “Nahihilo pa ako ng kaunti,” sagot ni Lily habang upo’t hawak ang ulo. “Pwede pa naman tayo maghintay ng kaunti hanggang sa umayos ang kondisyon mo,” sabi ni Master Lua habang nakatingin at nag aalala kay Lily. “Keptler, pwede pa ba tayong mag hintay ng kaunti?” mahinhing paki usap ni Master Lua kay Keptler at pagalit na tumango ito tsaka binalik muli ni Master Lua ang paningin kay Lily. “Sabihin mo kaagad Lily kung maayos na uli ang kondisyon mo at pwede na tayong maglakbay uli para hanapin ang dapat nating hanapin sa lugar na ito.” Utos ni Master Lua habang nakahawak sa ulo si Lily. “Opo,” sagot ni Lily kay Master Lua

