Idinilat na ni Lily ang dalawa niyang kakaibang mata pero sa pag mulat at pag pwersa niya ng kaniyang kapangyarihan walang bumukas o lumabas na ibang lagusan. "Tama na muna ‘yan Lily," madaling pinatigil ni Master Lua si Lily dahil baka matagalan sila sa pag hintay sa kanya na bumalik uli sa kanyang condition. Ibinaba ni Lily ang kanyang kapangyarihan at tumayo sa kanyang dalawang paa pero hindi nagtagal ito kaya siya bumagsak, kung saan sinalo naman siya ni Master Lua sa pagbagsak/ Pero sa ngayon ay hindi siya nahimatay dahil hindi naman matagal ang paggamit niya ng ganung kapangyarihan. Isinandal niya si Lily sa malaking bato, hingal na hingal pa ito dahil sa natamong pagbaba ng enerhiya sa katawan. "Mabuti na lang ay hindi ka nahimatay uli," ani Miss Kate habang nag-aalala parin kay

