Mahigit isang oras din ang nakalipas bago sila makaisip ng bagong plano habang umiilag ilag sa malaking demonyong pusa. “Hindi pa ba magigising si Keptler?” tanong ni Chief Lee pagkalapag sa lupa galing sa pagka ilag. “Hindi pa ata.” Tingin ni Miss Kate at umilag siya dahil siya naman ang tatamaan nito. “Si Lua, hindi pa rin ba kayang tumayo?” Hingal na hingal na tanong ni Chief Lee sa kakailag sa mga pagwawala ng demonyong pusa. “Lily?!” Tawag ni Chief Lee. “Silipin mo nga sila kung okay lang sila sa loob ng eco box ko, kahit ‘wag ka nang pumasok dahil wala akong oras para hawakan ka uli!!!” pasigaw na sabi ni Chief Lee habang nasa ere si Lily na nakatingin sa kanya. “Opo!” Tumango si Lily habang nakatanaw kay Chief Lee pagkatapos ay umilag siya dahil kukuhanin sana siya ng demonyo

