The rest of the night after I received that message, the morning after, and our travel back home to Montreal ay wala ako sa aking sarili and my mind is drifting off somewhere thinking about Dad's next move.
Napansin ni Owen ang pagbabago ng mood ko kinagabihan palang pero sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko kaya hinayaan na niya ako and just kissed me goodbye pagkahatid niya sa akin sa apartment.
Nagkulong ako sa loob ng aking unit na nakatulala lang sa aking cellphone waiting for something to come whether it's a text or call, but it's so frustrating dahil buong araw hanggang sa dumilim na ay wala naman na dumating galing kay Dad.
It's like he is just playing with me and doesn't really know where I am yet. Parang naghihintay lang siya kung makakakuha siya ng reaksiyon galing sa akin para malaman niya kung nasaan talaga ako.
His strategy is sort of working and I am really tempted to call him. Hindi ko makuha ang gimik niya ngayon and somehow, it's making me nervous.
I'm starting to hate this. This waiting game na ako mismo ang nagsimula dahil kung hindi naman ako umalis ng bahay namin ay hindi naman mangyayari ito sa akin. But then, I wouldn't meet Erynn and Owen kaya hindi ko pagsisisihan ang pag-alis ko dahil nakilala ko ang dalawang taong totoo sa akin.
Napatayo ako sa sofa at napatitig sa may pintuan yakap ang aking sarili nang may marinig ako na katok sa aking pintuan galing sa labas.
I'm not expecting someone today at wala naman nasabi si Erynn na pupuntahan niya ako ngayong gabi. Di kaya ay natagpuan na talaga ako ni Dad?
Napaurong pa ako nang maulit ang katok at parang nanlalambot na ako pero nakahinga rin ako ng maluwang nang marinig ang magandang accent ni Erynn.
"Loo..." Tawag niya pa ulit.
Halos tumakbo na ako mabuksan lang ang pintuan at niyakap ko kaagad si Erynn pagbukas ko niyon at naiyak nalang bigla.
"Uh... Do you want me to kick his balls?" She asked, not really joking.
I unwrapped my arms from her and looked from side to side to see if there is someone lurking around but the halls are empty and it's very quiet out here. Mukhang kami lang naman ang tao rito sa labas.
Hinila ko si Erynn sa loob ng aking unit and locked the door immediately including the bolt chain and deadbolt.
Nang masigurado na nakasara iyon ng maayos ay saka lang ako muling nakahinga ng maayos at nasandal ko nalang ang aking ulo sa pintuan.
I flinched when I felt a hand on my shoulder and Erynn pulled her hand away from me immediately and eyed me curiously.
"It's just me. Loo, what's wrong? Did he find you? Is he already here?" Sunod-sunod niyang tanong.
Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito at nasaksihan na niya dati kung paano ako magpanic noon nang mapanaginipan ko na kinidnap ako ni Dad na akala ko ay totoo.
Naglakad ako papunta sa sala at umupo sa sofa ng nanginginig ang mga kamay. I don't know why I am so scared, it's just my Dad and I know he wouldn't hurt me. Not physically anyway. He is not like that and he wouldn't hurt me intentionally. I know that.
Erynn rubbed my back as she sat beside me on the sofa and continued to comfort me the whole night not saying any word. Inabutan pa niya ako ng tubig para makalma.
I told her about Dad's message to me last night na ipinakita ko pa sa kanya at ang mga iniisip ko tungkol sa lahat ng bagay.
It's stressing me and I think I am developing a panic attack or something. I don't know but this hiding is not doing me any good.
"I need to do something than hide."
"Loo....." Malungkot na sabi ni Erynn na para bang nakita na niya ang pagsuko ko.
She slept in my apartment looking out for me the entire night and cooked breakfast for us both comes morning pero tahimik lang kaming dalawa at hindi nag-uusap.
Wala na kami ulit nabanggit tungkol sa napag-usapan namin kagabi and I think it's for the better. Alam niya lahat tungkol sa.akin and It's more dangerous for her dahil baka gamitin siya ni Dad sa akin. I don't want to drag her down with me. That is not fair.
Nag-alangan pa si Erynn na iwan ako nung una pero sinabi ko sa kanya na kailangan kong mag-isip kaya niyakap nalang niya ako and went out of my apartment.
Pag-alis niya para sa kanyang trabaho ay nag-stay lang ako sa sala na nakatulala sa nakapatay na telebisyon at nag-isip ako ng maari kong gawin sa aking problema.
Before anything else, I believe it's time to have a talk with my boyfriend. Hindi ko na kailangan pang ilihim ito sa kanya dahil lalabas at lalabas din ang tinatago ko at habang tumatagal kami ay mas lalo lang humihirap ang sitwasyon.
Sunod kong inisip ang gagawin ko about Dad. I have a lot of options lalo na kung hindi aalis si Owen sa aking tabi pagkatapos kong makipag-usap sa kanya. Pero kung pipiliin niya ang lumayo, then that only leaves me with one choice.
Kung uuwi ako ng Pilipinas, I can still plan something to convince Dad to not sell me, or I can show him that his decision is wrong. Gagawa ako ng paraan para ma-realize niya iyon. Hindi pa naman huli ang lahat at wala naman kasulatan na kailangan niyang sundin.
Mas maganda kung ako mismo ang uuwi sa Pilipinas kaysa ang i-drag ako ni Dad pauwi. If I want him on my side, then I need to get on his good side. And in order to do that, kailangan kong magpakita ng kabaitan sa kanya and secretly plan my move.
Mas malalaman ko pa ang plano kung mas malapit ako sa kanya. I can counter his moves and maybe sabotage it from within without anyone knowing.
By leaving our house, I thought I'll finally get the freedom that I want. But, it only gives me worries and not a real freedom. Hindi ko makukuha iyon kung hindi ko haharapin ang problema.
When I finally decided on my next move, I texted Owen and asked when can we go out again after his work but unfortunately, I forgot that he'll move to another city for a seminar and we'll not see each other for straight 5 days.
I hate that I didn't pay attention when he told me about his schedule last weekend dahil wala ako sa sarili ko. The least I can do is to listen pero hindi ko pa nagawa.
Hindi naman ako clingy or paranoid na kailangan magkita kami araw-araw, pero I really need to see him ASAP. Every day counts at habang tumatagal, mas lalong lumalaki ang tiyansa na maunahan ako ni Dad. He can't find me before I go back on my own will.
Ayaw ko naman magdemand kay Owen and appear like a needy girlfriend. Mas lalo naman na hindi maganda kung mag-uusap lang kami over phone. That's going to be a mess and this talk is very important na kailangan ay sa personal mangyari.
Si Erynn ang tanging tao na may alam tungkol sa pinagdadaanan ko pero gusto ko muna siyang magpahinga galing trabaho ngayong gabi at gusto ko muna rin na pagbigyan ang sarili ko dahil baka bukas ay mas klaro ang aking utak.
Sa ganitong sitwasyon, hindi kailangan ang magpadalos-dalos ng desisyon. Kailangan na pinag-iisipan ng mabuti ang bawat sasabihin at bawat galaw. Lahat polido para maatim ang nais makamtam. Dahil kung hindi, ngayon palang ay kailangan ko ng isuko ang kalayaan na ninanais ko.
Oras na at halos magtatanghalian na nang ako ay magising. I don't really have an alarm set every day unless I have a need for it at wala naman na akong trabaho para magising ng umaga kaya ayos lang na gumising ng ganitong oras.
Alam na rin ni Erynn ang mga usual na late kong gising dahil hindi ako makatulog ng maayos sa gabi. Parang anytime ay may bigla nalang lilitaw sa dilim.
Kailangan ko ang tulog na iyon pagkatapos mapuyat kagabi or rather, kaninang umaga dahil halos may araw na nang tuluyan akong makatulog. Hindi ko na nga halos maalala kung kailan ako huling nakatulog ng mahimbing.
I received a simple good morning message from my bestfriend and I am sure that this is her asking me if I am okay kaya I replied with a more enthusiastic morning message for her to know that I am okay and alive.
Kagaya kahapon, hindi nagbago ang isip ko buong maghapon sa aking desisyon na harapin na si Dad. Mas lalo pa akong naging determinado na gawin iyon sa lalong madaling panahon.
Bumaba ako ng isang floor sa building at hinintay si Erynn sa labas ng kanyang unit. Anytime now ay dadating na siya galing trabaho at gusto ko rin siya na makausap. Alam ko na nag-alala siya dahil buong araw ako na hindi nagpakita sa kanya kahapon.
Nakuha ko ng mainip at mag-iisang oras na ako sa labas ng kanyang pintuan pero ni anino niya ay hindi ko pa nakikita kaya tinawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot ang kanyang cellphone.
She never go home late at alam ko ang oras ng uwi niya kaya nagsimula na akong kabahan na baka may hindi na magandang nangyari sa kanya sa trabaho o habang pauwi siya. Wala naman siyang nasabi sa akin na kahit ano. My inbox is empty.
Two hours after, I'm getting so nervous and I am ready to call the police when she showed up walking lazily and looking tired at agad naman ako na tumayo galing sa pagkakaupo sa sahig para salubungin siya.
"Loo, why are you late?" Nag-aalala kong tanong.
"There is this thing called overtime." Asar niyang ngiti sa akin so I bumped her in return.
She opened her door at sumunod naman ako, closing her door when I got inside. Sabay pa kami na pabalag na naupo sa kanyang sofa with a tired sigh leaning our head back.
"What's up?" She asked after a while. Sitting relaxingly on the sofa with her feet on the small table in front of us.
"I'm going back to the Philippines." Sabi ko ng diretso ang tingin sa harapan.
From my peripheral vision, I saw her head turned to me in an instant.
"You're kidding."
I looked at her calmly kahit na siya ay mabilog ang mga mata na nakatingin sa akin marahil sa gulat na marinig ang aking sinabi kaya napabuntong-hininga nalang ako sabay iling ng aking ulo.
"No way. You're giving up?"
"No." Iling ko ulit.
I'm still far from giving up. It's just going to be different this time and I am going to face the problem head on rather than run away. I think I'll have a higher chance to win my freedom if I go back home.
I still want that freedom and I realized that I won't get it no matter how far I go or how hard I hide. Mas lalo ko lang nilalayo ang sarili ko sa kalayaan. Kailangan ko na ipaglaban ang gusto ko at huwag matakot na hingin iyon. I have to fight for what I want.
"How about Owen?" Tanong niya pa.
I told her that I already asked him to meet me but unfortunately, he is out of the city at tatlong araw pa bago siya makabalik dito sa Montreal.
Naisip ko rin na puntahan nalang siya pero ayaw ko naman na makaistorbo sa seminar niya. I can't be selfish and do things for only my benefit. Nagmamadali ako na makausap siya pero priority niya rin ang trabaho niya.
I guess 3 days is not that long. Makakahintay pa naman ako ng ilang araw para sa kanya para makapag-usap kami ng maayos. Isa pa, Dad hasn't sent me anything this day which is weird kaya baka mali lang ang iniisip ko na alam na niya kung nasaan ako.
"You'll tell him everything? I mean, EVERYTHING?" She cleared.
Tumango ako. "He deserves to know. Hindi ko naman siya pipilitin na manatili. Isa pa, you told me that if he loves me, he'll understand."
Umaasa rin ako kahit hindi ko man aminin sa sarili ko na sana ay hintayin niya ako dahil kahit ano naman ang mangyari ay babalik ako sa kanya. Hindi ko man maipangako kung kailan pero gagawin ko. Sana lang ay hindi niya ako sukuan.
Erynn still tried to convince me to just run away pero bandang huli ay sinuportahan nalang din niya ang desisyon ko na bumalik ng Pilipinas pagkatapos ko ipaliwanag ang aking plano. Ayos din siya na kausapin ko si Owen at sabihan tungkol sa lahat.
"Keep in touch with me, okay?"
I nodded my head and hugged her tightly like this is my final goodbye to her. Naiyak pa ako ng kaunti when I let go of her because I'll definitely miss her. I don't think that I'll ever going to have a friend like her ever again. She is the best girl friend at hindi ko rin siya pagpapalit sa iba.
Memorya ko na rin ang numero niya at ang sa kanyang trabaho kaya hinding hindi ko siya makakalimutan na tawagan pag-uwi ko ng Pilipinas. I'll still contact her from time to time as much as I can. Alam ko na malulungkot din siya na mag-isa rito kapag umalis na ako.
Maigi kong pinag-isipan sa loob ng tatlong araw sa aking apartment unit ang mga sasabihin ko kay Owen na hindi siya mabibigla at maiintindihan niya ng mabuti ang aking kalagayan.
Kinumbinsi ko rin ang sarili ko na magiging ayos lang ako kahit na piliin niya ang maghiwalay kami. Hindi ko man gusto iyon pero hindi ko naman siya mapipilit sa ayaw niya. I won't force myself to him or to anyone else that don't like me. I'm not that desperate pero didibdibin ko kung sakali man.
Gabi na ng magtext sa akin si Owen na nakauwi na siya sa kanyang tinutuluyan. I was tempted to go to his condo right then pero inintindi ko na pagod siya at ayaw kong sabayan iyon kaya minabuti ko na muna na pagpahingahin siya bago kami mag-usap.
I woke up in the morning feeling so determined and a little hopeful that everything will be okay this day kaya pagkatapos maligo at magbihis ay sinabihan ko na kaagad si Owen na papunta na ako sa kanya.
Saktong paglabas ko ng aking kuwarto ay napahinto ako dahil nakaramdam kaagad ako ng kaba na hindi ko maintindihan.
Pinakiramdaman ko pa ang aking paligid pero wala naman na kakaibang pagbabago o ingay sa loob. Tanging ang mabilis lang na pagtibok ng aking puso ang aking nararamdaman na hindi maganda.
Bumuga ako ng hininga and shrugged off the bad vibes that I am feeling. I am just thinking too much that's making me paranoid.
I dialed Erynn's number on my way out to tell her I am going when my hair on my nape suddenly stood up pag-lock ko ng aking pintuan.
"Sophia Ryss."
Nanginig ang laman ko nang marinig ang boses na tumawag sa aking pangalan. That voice belongs to only one person that I know very much kahit matagal ko ng hindi naririnig iyon.
Hindi agad ako hunarap at nagdasal na sana ay sagutin kaagad ni Erynn ang kanyang cellphone.
"Come on, come on." Bulong ko na nakaharap pa rin sa nakasara ko ng pintuan.
"Hey, Loo. Sor-"
"Erynn, He's here." I whispered, cutting her off.
"What?? Who? Sophie.................."
Hindi ko na tinapos ang sinasabi ng aking kaibigan at unti-unti ko na iyon na binaba pero hindi ko pinatay ang tawag para marinig niya pa rin ako at mas makuha ang aking sitwasyon saka na ako dahan-dahan na humarap sa taong tumawag ng aking pangalan.
"Dad." I called bitterly through my gritted teeth.
Ngumiti siya sa akin na parang ayos ang lahat sa amin. "My daughter. How have you been?"
He knows I am hiding and escaping him for the last 2 years at kahit hindi niya sabihin, alam ko na nakakakuha pa rin siya ng balita kung paano ako namumuhay mag-isa kaya hindi na niya kailangan tanungin kung kamusta ako. Alam niya ang sitwasyon ko.
"Are you not going to give your father a hug?" He asked, opening his arms to me pero tinitigan ko lang siya at hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan.
He sighed and walked closer to me, then tried to reach the knob of the door to my unit but I quickly moved my body to block it from him.
Hindi nagmintis sa mga mata ko kung paano lumapit ang mga malalaking tao na kasama ni Dad papalapit sa amin pero mabilis naman niyang pinalayo ang mga iyon.
"Let's talk inside, Sophia." Sabi niya na may bahid na pag-uutos na hindi nagmintis sa aking tainga. Matalim din ang titig niya sa akin pero pinilit ko na hindi magpaapekto roon.
"There is nothing to talk about anymore." Pirmi kong sagot.
He leaned down closer to me and squinted his eye na parang pinipigilan niya ang kanyang galit pero halata naman na malapit na siya sa linyang iyon.
I don't want to get him mad because that won't get me any favors pero ang makita siya biglaan dito ngayong araw kung kailan kailangan kong makausap si Owen ay lalo akong naging bitter sa kanya na hindi ko mapigilan na sumagot ng pabalang.
"I won't let you escape again. I know what you've been up to here and I don't think you'll appreciate if I pay your little friends a visit." Matigas niyang sabi na may pagbabanta bandang huli.
I can't let him ruin my bestfriend and my boyfriend. They didn't do anything to deserve his hell and I have to protect them from him no matter what.
Naunahan niya lang ako pero balak ko na rin naman na magpakita sa kanya kaya hindi ko na isusugal pa ang mga taong mahalaga sa akin. Sasama ako sa kanya willingly para lang mailayo siya sa kanila.
"They don't mean anything to me." I lied and gave him a straight face as much as I can, though my heart is ripping from saying that out loud. "I'm planning on going back home, naunahan mo lang ako Dad." Pag-amin ko which is half true.
Napagilid siya ng kanyang ulo na parang hindi makapaniwala sa aking sinabi at mariin akong tinitigan pero blanko ko lang siyang tinitigan. I won't give anything away.
"Then...." Tingin niya sa aking suot na ankle boots, fitted pants, and sweater. "...where are you going?"
Gusto kong lumunok at kumurap-kurap pero hindi ako puwede magpakita sa kanya ng kahit anong kaba o pagsisinungaling dahil baka balikan niya si Erynn o si Owen.
"To find money to buy ticket."
"Hmm...." He says thoughtful.
Alam niya na hindi ko ginagalaw ang account ko sa banko at lahat ng ginagastos ko ay galing sa sarili kong pawis sa pagtatrabaho. He wouldn't find a loophole on me. I've already thought about this way ahead of time even though he caught me off guard.
"You don't need to work anymore. Come home with me, Sophia." Malumanay niyang sabi na nagpaluha sa akin.
For a moment, I saw a glint of sadness and longingness in his eyes na mabilis din na nawala. Hindi niya man aminin, alam ko na gusto niya pa rin na makasama ako at mabalik ang dati.
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit pa namin kailangan na sirain ang aming relasyon bilang mag-ama dahil lang sa isang pangako na puwede naman niyang tanggihan? He doesn't owe anyone.
We could go back to what it was like before. Masaya naman kami kahit kami nalang dalawa simula ng mamatay si Mommy. Pero bakit ganito? Why is he doing this to me?
Nawala ang tingin ko kay Dad nang pilitin ko na hindi na maluha at feeling ko ay nawalan ako ng dugo nang makita ko Erynn sa dulo ng hall. Her phone is still against her ear at sumisilip-silip siya rito mula roon.
Binalik ko ang tingin ko kay Dad at pekeng ngumiti. "I'm going home."
I saw Erynn clasped her mouth with her other hand at pinigilan ko na umiyak sa harap ni Dad.
"Let me just get my things so we can go." Dagdag ko habang binubuksan ko uli ang aking pintuan sa aking nanginginig na mga kamay.
Kinuha ko lang aking passport at visa saka na hinayaan ang ibang gamit dahil hindi ko na iyon kakailanganin pa sa Pilipinas.
I also quickly scribbled something on a piece of paper and went back out to meet Dad who is observing the whole place with his unpleasant face. Halata naman na he doesn't approve of this unit and neighborhood pero wala naman na siyang magagawa.
"I'm ready." Tawag ko saka niya ako tinanguan at saka na nagmadaling lumabas na ng aking unit.
Dire-diretso kami na lumabas habang nakasunod ang mga guards sa amin at nakahinga naman ako ng maluwang nang hindi ko na naaninag si Erynn sa hallway hanggang sa makababa kami.
"Dad, do you have extra cash? I'll give it to our landlady."
Without questions, he pulled out an envelope full of cash and hand it to me. Ni hindi na niya binilang pa iyon but I don't care.
Iniwan ko siya saglit para puntahan ang aming landlady with a man on my heels na ikinairita ko dahil hindi ko makakausap ng maayos ang aming landlady.
"Give this to my Loo, please." I gave her the envelope full of cash together with the key of my unit and the paper with writing on it na ginawa ko kanina and gave her enough cash separately. "Thank you."
Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos and looked inside for the last time when I got out of the building.
I saw Erynn peeking out at the dark corner evidently crying but I willed myself to not cry and after staring at her for long, tumalikod na ako at sumakay sa kotse kung saan nakasakay si Dad na magdadala sa amin diretso sa airport pauwi ng Pilipinas.
This is my fight and I am ready to face my fate.