TRUE enough, hindi nga sila nag-usap sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sila ng University na pag-e-enroll-an ni Maya. Hindi nila kapwa alam kung paano nila nairaos ang halos kalahating oras na wala silang imikan. "Ako na lang po ang papasok sa loob, Sir. Pwede na po kayong umuwi. Magko-commute na lang po ako pabalik," wika ni Maya pagkalabas niya ng sasakyan. Lumabas din si Brad. "I'll just wait for you here. Hindi ka naman siguro magtatagal," tugon ni Brad. "Umuwi na lang po kayo, Sir, kasi hindi ko po alam kung magtatagal ako o hindi, eh." "Wala naman akong gagawn maghapon, kaya okay lang. Hihintayin na lang kita." Nagkibit ng balikat si Maya pagkatapos ay tumango. "Okay po. Pero kapag na-bore kayo sa paghihintay, umuwi na lang kayo. Okay lang sa akin." "I'll wait for you,

