CHAPTER 6

1642 Words
"PWEDE mo nang bitawan ang kamay ko," seryosong wika ni Maya pagkarating nila sa tapat ng gate ng lumang bahay. Kailangan ba talagang hawakan ang kamay ko? pabulong na wika niya kasabay ng pag-ikot ng mga mata. "Sorry," nangingiting wika ni Tyron na halatang kinikilig. Iyon ang unang beses na nahawakan niya ang kamay ng dalaga. Pinindot niya ang gate bell at maya-maya lamang ay lumabas mula roon ang kanyang uncle Brad. Kaagad namang nanakit ang sikmura ni Maya nang muling masilayan si Brad. Pakiramdam niya ay nagkakandabuhol-buhol ang kanyang mga bituka. Iyon na ba ang tinatawag nilang butterflies in the stomach? "Hi!" nakangiting wika ni Brad pagkalabas nito ng gate. Nakagat ni Maya ang ibabang labi habang nakatingin sa magandang ngiti ni Brad. Maagap niyang tinakpan ang bibig ng kanyang palad upang itago iyon. "Swerte ninyo, kakaidlip lang ni Isabella kaya napagbuksan ko kayo agad," wika pa ni Brad. "May sadya sa iyo si Maya, Uncle," nakangiting wika ni Tyron. "Ha?" nanlalaki ang matang bulalas ni Maya. "Anong ako?" "'Di ba may sadya ka naman talaga kay Uncle?" Ngumiti si Tyron. Labis ang excitement nito sa isiping kapag tinanggap ni Brad si Maya bilang yaya ni Isabella ay mas madalas niya na itong makikita. Natameme na roon si Maya. "Pasok kayo," anyaya ni Brad sa dalawa. "Sa loob na natin pag-usapan ang sadya mo sa akin, Maya." Nagsalubong ang mga mata ni Brad at Maya. Pakiramdam ni Maya ay sasabog ang puso niya sa sobrang kaba. "Okay lang ba?" dugtong pa ni Brad. "Baka kasi biglang magising si Isabella. Mukha kasing mahaba-haba ang pag-uusapan natin." "O-okay lang po," nauutal na tugon ng dalaga. Napalunok pa siya. Nauna nang pumasok ng bahay si Brad. Sumunod siya at si Tyron. Iyon ang unang beses na nakita ni Maya ang loob ng bahay. Malaki na itong tingnan sa labas, mas lalo pa sa loob. Nakakalula ang laki ng bahay. "I'll just check on Isabella first bago ko kayo harapin, okay?" ani Brad. Sabay na tumango sina Maya at Tyron. "Wala bang multo rito?" tanong ni Maya kay Tyron nang makaalis na si Brad. "Hmm... Kung ako ang tatanungin, wala," tugon ni Tyron. "Pero iyong mga dating nagtatrabaho rito noong dito pa nakatira sina Mamita, may mga nagpaparamdam daw rito. Baka iyong mga yumaong magulang nina Mamita. Dati rin kasing malawak na taniman ng mga malalaking mangga rito. Ang sabi-sabi, may mga nakatira daw na masasamang elemento sa mga punong iyon. Baka nagsilipatan din dito iyong mga nakatira sa puno noong pinagpuputol ang mga iyon." Unti-unting umusog si Maya palapit kay Tyron. Nakaramdam siya ng panlalamig lalo na sa bandang batok. "Huwag ka nang mahiya, Maya. Kung natatakot ka, yumakap ka na sa akin, Hindi ako magrereklamo," ani Tyron. Abot sa magkabilang tainga ang ngiti nito. Sa inis ay hinampas ni Maya ang braso ng binata. Malakas na halakhak ang pumailanlang sa buong salas. Galing iyon kay Brad. "Huwag kang magpapaniwala riyan kay Tyron. Maloko talaga iyan," anito. "Walang multo rito sa bahay, at lalong hindi dating taniman ng mangga ang lupang kinatitirikan nito." "Uncle naman!" nakasimangot na protesta ni Tyron. "Panira ka naman ng diskarte." Nang lingunin nito si Maya, matalim ang mga tingin nito sa kanya. "Hay naku, Tyron, Tigilan mo na ang kakaasar kay Maya. Masyado ka kasing mainipin. Ang sabi ko naman sa iyo, tuturuan kita ng mga diskarte para mapasagot mo na siya." Patingin ng diskarte, wika ng pilyang isip ni Maya. Yumuko siya sapagkat hindi niya na naman napigilang kagatin ang ibabang labi. "May oras ba tayo para doon, Uncle?" ani Tyron. Brad just chuckled. "We'll find time for that." Umupo siya sa sofa na nasa harapan ng dalawa. "Ano nga pala ang sadya mo sa akin, Maya?" "Ah... Eh... Ano po kasi..." anang dalaga. Bakit ba umuurong ang dila niya sa harap ni Brad? Labis na intimidating ang presensya nito. Nangangatog ang tuhod niya sa tuwing magsasalubong ang kanilang mga mata. "Mag-a-apply ho si Maya bilang yaya ni Isabella. Papasa naman siya, 'di ba, Uncle?" Si Tyron ang nagwika. "Hmmm..." Bumuntong hininga si Brad. "May karanasan ka na ba?" tanong niya sa dalaga. "Ho?" namimilog ang matang wika ni Maya. "Sa pag-aalaga ng bata, may karanasan ka na ba?" "M-meron ho," tugon niya. At ano? Bigla na lang naging berde ang utak niya sa isang araw na pagkakakilala niya kay Brad? Gusto niyang batukan ang sarili. Ano naman ang iniisip niyang karanasan? "May pamangkin ho ako. Inalagaan ko po ito magmula ng baby pa. Kayang kaya ko hong alagaan si Isabella, Sir." "Sir?" natatawang wika ni Brad. "Just call me uncle, please." "Bakit ko naman ho kayo tatawaging uncle?" anang dalaga. "Kasi uncle ako ni Tyron. Hindi naman magtatagal at sasagutin mo na siya. 'Di ba?" biro nito. Nang makitang hindi iyon nagustuhan ni Maya ay tumawa siya. "Biro lang. Pero huwag mo na akong tawaging sir." Pasalamat talaga ito at isang ngiti lang nito ay nawawala lahat ng negatibong pakiramdam ni Maya. Manang mana lang talaga si Tyron dito; hindi nakakatuwa ang mga biro. "Paano po kita tatawagin?" "Ayaw mo naman ng uncle. Ayaw ko ring i-suggest na tawagin mo akong Brad dahil napakabata mo pa para tawagin ako sa pangalan ko. So, okay, yes. Kung komportable ka na tawagin akong sir, sir na lang." "Ok, po, Sir, nakangiting wika ng dalaga. "Sandali. Ibig sabihin ho ba, tanggap na ako sa trabaho?" Ngumiti si Brad. "Basta ipangako mong aalagaan mo si Isabella at mamahalin." "Wala hong problema. Magaan ho ang loob ko sa mga bata." "Gusto mo ba siyang makita?" Excited na tumango si Maya. Tumayo silang tatlo at nagtungo sa kwarto ni Isabella. She was there in her crib, sleeping like an angel. "Grabe, ang cute!" nanggigigil na wika ni Maya. Ang puti puti ni Isabella at mamula-mula ang mabibilog na pisngi. Ang tangos ng ilong nito at pulang pula ang mga labi. Tuwang-tuwa rin siya sa mahahabang pilik-mata nito. "Can I trust her with you?" tanong sa kanya ni Brad. Doon lang napagtanto ni Maya na nasa likuran niya pala Brad. Naramdaman din niya ang saglit na pagdantal ng tela ng damit nito sa kanyang balat nang bahagyang sumilip ito sa natutulog na bata. Naghatid iyon ng kakaibang sensasyon sa buo niyang katawan. Tela lamang iyon ng damit na suot ni Brad pero para na siyang mababaliw. "O-oo naman," delayed na tugon niya. "Aalagaan ko siya nang maigi. Pangako." "Kailan ka magsisimula?" "Ikaw, Sir. Kailan mo po ba gusto? Bukas na bukas din pwede na ho akong magsimula kung okay lang sa inyo." "Perfect!" bulalas ni Brad. "By the way, hindi pa pala natin napag-uusapan ang sahod mo. Fifteen thousand pesos a month, okay na ba sa iyo?" Nalaglag ang panga ni Maya sa narinig. "Fifteen thousand?" nanlalaki ang mga matang wika niya. "Oo. Fifteen thousand. Maliit pa ba iyon? Dadagdagan ko na lang kapag tumagal ka rito ng isang buwan." "H-hindi, Sir! Sobrang laki nga po ng fifteen thousand. Parang nagtratrabaho na ako sa kompanya na may minimum wage. Parang nagbibiro lang yata kayo." Brad chuckled. "Hindi ako nagbibiro, Maya. Fifteen thousand ang sasahurin mo, pero i-re-require kong mag-fulltime ka. "A-ano ho ang ibig sabihin ng full-time?" ani Maya. "Ahm. Alam ko naman ho ang ibig sabihin ng full-time, pero batay ho sa kondisyon ninyo, ano ho ang ibig sabihin ng full-time?" "I need you to stay here, day and night. Stay in, Maya. Kaya mo ba?" "S-stay in?" Pati si Tyron ay nagtaka. "You see, I am an architect, Maya. Gabi ang pinakamagandang oras para sa akin sa pagtatrabaho. Ewan ko ba pero mas nakakapag-concentrate ako kapag tahimik na ang buong paligid. Well, that's only my personal preference. Gusto ko sanang may kasama si Isabella sa gabi. You will sleep in her room. Sa umaga, may oras ka para sa mga bagay na gusto mong gawin maliban sa pag-aalaga sa anak ko. If you have other responsibilities, you are free to do them in the morning. Sasabihin mo lang sa akin para makapag-adjust ako sa oras ko." Tumango si Maya. "Does that nod mean yes?" usisa ni Brad. "Oho, Sir," tugon ni Maya. Tumikhim siya. "Sa totoo niyan, Sir, may trabaho ho talaga ako. May binabantayan ho akong tindahan. Pero sa laki ng offer na sahod ninyo sa akin, willing po akong iwan iyon para maging full-time sa inyo. Kailangan ko lang pong magpaalam sa amo ko." Besides, sinasabi ng pilya niyang utak na kunin niya ang pagkakataon para laging makita at makasama si Brad. "Walang problema, Maya," tugon ni Brad. "So, is it a deal?" "Yes," nakangiting tugon ni Maya. Inilahad ni Brad sa kanya ang kamay nito. It was to seal the deal. Nagdadalawang isip siyang tanggapin iyon dahil siguradong manghihina siya kapag naglapat ang kanilang mga balat. But she took his hand anyway. "Deal," aniya. "Okay." Bumuntong hininga si Brad. "When you leave, I'll make your bed ready." Nagbaling ito sa pamangkin. "Tyron, will you help me?" "Of course, Uncle. Wala kang dapat itanong basta para kay Maya," tugon ng binata. "Tyron, ha, hindi pa rin ako pinupuntahan ng dad mo rito," matampu-tampong wika ni Brad. "Bukas, Uncle, promise! Busy na busy lang kasi si Dad. Alam mo naman ang trabaho niya. Basta promise, bukas, pupunta sila ni Mommy rito. Ipinatatanong nga pala ni Mommy kung ano ang gusto mong dalhin nila," ani Tyron. "Pagkain," nakangiting tugon ni Brad. "Lutong-bahay, please." "Sure, Uncle." They smiled at each other. Tumikhim si Maya. Napatingin sa kanya ang dalawa. "Uuwi na ako, Sir. Kailangan kong magsabi sa tiya ko. Magpapaalam din ho ako sa amo ko sa tindahan. Mabait naman ho iyon; siguradong papayagan ako." "Okay, sige, Maya. See you tomorrow, then." Pakiramdam ni Maya ay may bumara sa kanyang lalamunan. Simula bukas ay palagi na niyang makikita si Brad. Magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman. "See you tomorrow po," tugon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD