NANG gabing iyon, pakiramdam ni Maya ay napabigat ng katawan niya. Tinatamad siya. Sa isang iglap parang bumaliktad ang mundo niya sa pagdating ni Sofia sa buhay ni Brad. Wala pa naman itong ginagawa, pero gusto na niya itong isumpa. Feeling close kaagad ito kay Brad. Sa bagay, baka nga magkalapit na Ang dalawa. Hindi naman nakapagtataka kung mapalapit kaagad ang loob ni Brad kay Sofia. Sobrang maganda ito at sopistikada. Ito ang tipo ng babaeng maipagmamalaki ng isang lalaki kahit na kanino. Enhenyera pa ito. Napakaastig. Ayaw niya mang aminin sa sarili ngunit may isang parte sa pagkatao niya na humahanga kay Sofia. Hindi talaga malabong magkagusto si Brad kay Sofia dahil parehas sila ng linya ng trabaho. Maaaring parehas din ng interes. Kung kasingganda at kasing astig naman ni Sofi

