ABALA sa paglilinis sa kusina si Maya nang lumagos doon si Brad. May kausap ito sa cellphone at abot sa magkabilang tainga ang ngiti. Naibaba na lang nito ang tawag, hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi. Ang ikanaiinis pa niya ay hindi siya nito binati ng good morning gayong araw-araw naman siyang binabati nito sa mga normal na araw. Ngayon lang ito nangyari. Tuloy-tuloy na pumasok si Brad sa shower room. May shower room naman ito sa kwarto ngunit sa lahat ng parte ng bahay, iyon ang nakaligtaan sa renovation. Paglabas ni Brad sa shower room, nakangiti pa rin itong parang timing habang nakatitig sa cellphone screen. Hindi siya ulit nito pinansin hanggang sa makabalik na ito sa kwarto. Talaga namang ang sama ng simula ng araw niya. Kung sino man ang bunayi sa kanya ng good morning ngay

