HINDI natuloy ang paglipat ng unibersidad ni Maya. Nagpakasal sila ni Brad, at ipinagpatuloy pa rin ni Maya ang pag-aaral sa Zambales. Ginawa ni Maya ang lahat upang makuha ang loob ng ina ni Brad na si Amanda. Hindi naman umabot sa puntong nawala siya sa kanyang sarili. Nagpakatotoo lamang siya, at hindi siya nabigo. Isang araw ay minahal din siya ni Amanda na parang tunay na anak. Natanggap na rin siya nina Ynez at Harold. Napatawad na siya ng mga ito alang-alang na rin kay Tyron na unti-unti na ring nakakausad. Naging maganda ang takbo ng career ni Tyron sa Canada. Nanatili itong single at wala pang balak na ma-inlove, unless makulitan ang puso na niya kay Cielo na parang walang balak na sukuan siya sa kabila ng milya-milya nilang distansya. Kaunting kulit pa nito at talagang bibigay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


