LUMIPAS ang mga araw. Brad tried to reach Maya sa pamamagitan ng cellphone nito, ngunit isang araw ay hindi niya na lamang ito nakontak. Mukhang wala na talaga itong balak na magpakita pa sa kanya. Ayaw na nitong makinig sa mga paliwanag niya. Tuluyan na nga itong nawalan ng tiwala sa kanya. He lost her.. Mababaliw na siya. Isang araw, habang nagmamaneho ay natanaw niya si Helen. Ipinarada niya ang kanyang kotse at sinundan ito. Tama ang kaniyang hinala, bumalik si Helen sa bahay nito. May kinuhang naiwang gamit lamang si Helen. Nang aalis na itong muli ay hinarang ito ni Brad. "Helen, nasaan si Maya?" dispiradong tanong ni Brad. "Please, tell me where she is. Huwag ninyo siyang itago sa akin." Kumunot ang noo ni Helen. "Hindi namin itinatago si Maya sa iyo. Siya ang kusang nagtatago

