CHAPTER 43

1358 Words

NAGISING si Brad sa isang pamilyar na kwarto. Napapitlag siya nang mapagtantong nasa condo unit siya ni Lorraine. What just happened? Napapailing siyang umupo at sinapo ang ulo na nanakit pa rin. Napapikit siya nang mariin at huminga nang malalim. Nakita niya ang kaniyang cellphone sa mesang nasa tabi ng kama at binuksan iyon. Messages ni Maya ang bumungad sa kanya. "Sinabi ko na sa sarili kong huwag akong umasa sa iyo, eh. Pero naniwala kasi ako sa iyo. Naniwala ako na mahal mo ako. Nalinlang lang pala ako ng nararamdaman ko. Sabi mo, babalik ka sa akin. Pero isang araw pa lang na wala ka, magkasama na kayo ulit ni Lorraine. Para mo na akong pinatay! Bakit pinaasa mo pa ako, Brad? Gano'n lang ba ako kadaling itapon kasi madali mo akong nakuha? Hindi ko sa iyo isinusumbat ito, pero wal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD