"TIYA Helen!" tawag ni Maya. Kinatok niya ang saradong pinto ng kanilang bahay. Ilang saglit lang ay bumukas naman iyon. "Maya!" nakangiting wika ni Helen na halata sa mukha ang pagkasurpresa. Napatingin ito sa bitbit na paperbags ni Brad. "May dala ho kaming pagkain para sa inyo. Kumain na po ba kayo?" wika ni Maya. "Naku. Sakto lang ang dating ninyo. Kakasandok ko lang ng kanin, at wala kaming ulam." Marahan itong tumawa. "Pasok kayo." Sumunod naman sina Maya at Brad. "Salamat, Brad. Nakakahiya naman. Baka naabala ka pa namin," wika ni Helen. "Huwag kayong mahiya sa akin. Maliit na bagay lang ito. At huwag kayo sa akin magpasalamat kundi kay Maya. Siya ang nakaisip nito," tugon ni Brad at saka tumingin kay Maya at nginitian ito. Kaagad namang nag-blush si Maya sa ngiting iyon ni

