"MAYA, pakibuksan ang gate. Okay lang ba?" masuyong wika ni Brad sa dalaga. Abala kasi siya sa pag-si-set up ng kanilang pagkakainan. Mabilis namang lumabas ng bahay si Maya at pinagbuksan ang pamilya ni Tyron. Wagas na ngiti ng binata ang sumalubong sa kanya. "Hi, Maya!" bati nito sa kanya. "Hi, Tyron," napipilitang tugon niya rito. She has to be nice to him dahil kasama nito ang mga magulang. Nginitian siya Nina Dok Harold at Ynez. May kasamang kasambahay ang mga ito na katulong sa pagbibitbit ng mga pagkaing dala ng pamilya. Tumulong na rin si Maya. Sinabayan siya ni Tyron sa paglalakad. "Alam mo, Maya, sobrang excited ako. Ito ang first dinner natin nang magkasama." "Tyron, kasama natin ang buong pamilya mo," tugon niya. "Exactly! Pakiramdam ko para kaming mamamanhikan." Gusto

