"CAN you help me out here," wika ni Brad kay Maya. Saktong pagkalingon niya ay palagos ito sa kusina. Mukhang may sadya ito sa kanya ngunit nahihiya lang na i-approach siya. Kasalukuyan siyang naggagayat ng mga rekado sa lulutuing special pancit guisado. Lumapit naman sa kanya ang dalaga. "Tulog pa ba si Isabella?" tanong niya pa rito. "Oho. Dalawang beses na siyang naidlip mula kanina," tugon ni Maya. "Nakakatuwa ho si Isabella. Ang bait niya hong bata. Hindi ko pa siya naririnig na umiyak." Nakangiting tumango si Brad. "It's a good thing that she's not giving you a hard time, right?" Tumango si Maya. "You know how to cook, Maya?" "Marunong po. Bata pa lang ho ako, marunong na akong magluto ng iba't ibang putahe. Dati hong may karenderya si Tiya Helen. Sa kanya ako natuto. Isa pa, Ho

