“Anak, okay ka lang ba?” tanong ni Bel sa anak na si Luke ng makauwi na ang mag-asawang Altamerano na halos inabot na ng gabi sa payak na tahanan ng mga Lozano. Nasa teresa sa harap bahay si Luke at tahimik lang na nagmamasid sa marikit na gabi habang ang mga magulang ni Bel ay kanina pa nagpahinga para matulog sa silid ng mga ito. “Oo naman po, nay,” nakangiting tugon ng binata sa kanyang ina na may dala-dalang dalawang tasa ng mainit na kape. Lumapit na si Bel at saka nga inilapag ang mga tasa sa lamesa na gawa rin sa kawayan. “Luke, pasensya ka na anak kung pinaparamdam sayo ng tatay mo ang ganitong pakiramdam. Kaya kung ako lang talaga ang masusunod ay ayoko ng malaman mo ang tungkol pa sa tatay mo. Ayoko na makikita kang malungkot lalo na ang makakaramdam ka ng hindi ka niya tangg

