“Anak, ihahatid na lang kita sa labas ng bahay ng mga Altamerano. Hindi naman ako uuwi at maghihintay na lang ako sayo sa labas hanggang sa matapos ang party ng Lola mo,” saad ni Bel sa napaka gwapong anak na si Luke na nakapormal na bihis sapagkat magpupunta sa birthday party ng lola niya sa tatay na si Jude. “Ha? Bakit naman maghihintay kayo sa labas, nay? Pwede naman kayong pumasok sa loob dahil imbitado rin naman po kayo hindi ba? Pati nga sina Lola at Lolo Ben ay pinapupunta tapos hindi kayo pupunta?” reklamo ni Luke sa nanay niya na inaayos ang kwelyo ng kanyang kulay asul na polo. “Tamang ikaw na lang ang magpunta, nak. Ikaw lang naman ang Altamerano kaya nararapat lang na ikaw na lang ang magpunta,” giit pa ni Bel sa anak. “Bakit po ba nay? Anong problema at ayaw niyo akong sama

