“Ate Bel, hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na kamba ang mga anak mo at ang mas nakakatuwa ay isang lalaki at babae pa,” namamanghang saad ni Berry dahil nga walang nakakaalam na may kakambal pala ang pamangkin na si Luke at isang babae pa. Ngumiti lang si Bel dahil ang lahat nga ay nabigla sa biglang lag sulpot ni Barbie. “Sorry po, Lola, Lola, mga Auntie. Nauna kasing natapos ang klase ni Kuya Luke kaya hindi po kami nagsabay pauwi. Noong isang araw lang po natapos ang klase ko kaya naman ngayon lang po ako nakauwi. Nagkataon pa nga po na birthday po ng isa naming Lola. Iyon nga lang ay hindi na pala kami dapat nagtungo dahil mukhang sarili talaga naming ama ay ayaw sa amin at ayaw kaming kilalanin,” ang nakangiti ngunit malungkot na paliwanag ni Barbie. “Huwag ka ng malungkot

