Chapter 8
NIHAN
Parang naiilang ako sa kakaibang titig sa akin ni Ethan, yung titig na hindi mo mabasa. Dahan-dahan kung ipinikit ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko na hinalikan niya ang aking noo. Ang halik na'yun ay tila familiar na dumikit ang kanyang labi, sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay dinilat ko agad ang mga mata ko. Pagdilat ko ay kanyang mukha na nakangiti sa akin. Ang kanyang maputing ngipin ay kumikislap sa puti ito.
"Happy birthday," mahina niyang sabi sa akin.
"Thank you," I said.
Napansin kung may gusto siyang sabihin pero hindi niya maibuka ang kanyang bibig. Hanggang ngayon ay ang isa niyang kamay ay sa aking baywang. Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko. Aba hindi ako nagpatalo sa kanyang tahimik at walang imik niyang mata. Sunod-sunod akong napalunok ng punasan niya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila.
Napamura ako ng lihim sa aking isip. Ang bawat galaw ng kanyang dila ay pakiramdam ko hinahaluan ng masayang ngiti sa mapupulang labi niya. Sinubukan kung ilayo ang katawan ko sa kan'ya pero mahigpit niyang hinawakan ang baywang ko. Nakahinga ako ng maluwag ng pinalitan nila ng rock and roll ang music ay doon pa nabuhay ang aking diwa.
Hanggang sa nakita ko ang mga kaibigan ko na sumasayaw. This is my special night. Napatingin ako sa kaliwang banda ko, I saw Dexter na lumalapit sa amin ni Ethan. Buhay na buhay ang mata ko na nakangiti si Dexter sa akin. Nang makita ako ni Ethan na nakangiti ako kay Dexter ay parang ayaw niyang kalasin ang kanyang kamay sa baywang ko.
"Pare, baka turn ko naman na isayaw ang birthday girl," hindi sinagot ni Ethan si Dexter.
Nakita kung umigting ang panga ni Ethan ng hawakan ni Dexter ang braso ko. Pakiramdam ko ayaw akong pakalawan ni Ethan. Inapakan kung ulit ang kanyang paa, pero sa kanan banda ko na ito inapakan dahil sa kaliwang banda ko siya inapakan kanina kawawa naman kung mamaga hindi makalakad pa. Ako mismo ang kusang kinalas ang kanyang kamay sa baywang ko. Alam ko na nasaktan ko siya ulit sa pag-apak ko sa paa. pero kasalanan na naman niya.
"Matigas kasi ang ulo mo e, sorry kung masakit ang pointed heels ko," bulong ko sa kan'ya at tinalikuran namin siya ni Dexter. Isa-isa akong niyakap at binati ng mga kaibigan ko pagkatapos namin sumayaw ni Dexter.
"Wow, as in ang galante ng birthday mo girl. Isa pa parang gusto until bukas ang party na'to. I can't believe it na napapalibutan tayo ng mga the hunks," kinikilig na sabi ni Shashie.
"E, wala naman problema e, 'di kung gusto bukas ka na lang umuwi," saad ni Gerald.
Lahat kami ay tumawa at mas ene-enjoy namin ang party ko. Hindi ko namalayan na wala na pala si Pamela sa tabi namin ng masagap ng mata ko na kasayaw na pala niya si Ethan ay kumunot ang noo ko na masyadong masaya na nakangiti si Ethan sa kan'ya, samantala sa akin ay tipid kung ngumiti at seryoso pa.
"Nihan for you," sabay abot sa akin ni Dexter ang imported na champagne.
Masaya akong kinuha sa kamay ni Dexter ang one glass of champagne. Hindi ko pa ito nainom nasa labi ko palang ito at bigla akong nagulat na may isang malaking kamay na kinuha ang hawak ko na glass of champagne.
"What are you doing?" matigas na tanong ni Dexter kay Ethan. Lahat kami ay na tahimik ng makita namin si Ethan na serious na dumikit sa akin.
"Ang possessive naman ng kuya mo Nihan," sabi ni Shashie.
"Not this time Nihan, take this one," he said.
Isang basong tubig ang ibinigay ni Ethan sa akin kapalit ng hawak ko kanina champagne. Tumawa ako ng kunin ko sa kamay niya ang basong tubig.
"Tubig?" tanong ko sa kan'ya.
"Yes, much better for you no cholesterol," mas kumunot ang aking noo may nalalaman pang cholesterol.
"Seriously?" I asked him isang ngiti ang ginawad niya sa akin.
Birthday ko, pero ano ang nasa isip ng kurimaw na'to. Akala mo kung sino siya na bawalan niya ako. Hinatak ko ang kanyang kamay para hindi marinig ng mga kaibigan ko kung ano ang sasabihin ko sa kan'ya.
"For you and your information Ethan, hindi na ako bata. Isa pa dalagang-dalaga na ako. Naku, pwede ba…" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Daddy.
Iniwan ko si Ethan kahit paalam ay hindi ko ginawa sa kan'ya, malaking hakbang kung nilapitan ang kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Tumayo ako malapit kay Dexter kahit sulyap ay hindi tiningnan si Ethan. Ayokong masira ang mood ko. Sino ba siyang pakialam ang gusto ko?
Lahat ng mga bisita namin sa birthday ko ay may mga ngiti sa kanilang mga labi na nakikinig sa mga speech ni Daddy at grandpa. Hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko sa matatamis na salita mula sa parents ko.
Ilang sandali ay inilabas ng apat ng waiters ang malaking cake ko na may isang kandila sa gitna nito. Puro sigawan ang naririnig ko.
"Make a wish birthday girl!" malakas na sigaw ng lahat.
Hinawakan ni Mommy ang baywang ko. Hinalikan niya ako pati ang mga kapatid ko. Alam ko na mag-uumpisa naman akong asarin ni Navi pero tinaasan ko na siya ng kilay.
"Don't worry, this is your special night, ate. I'm not going to annoy you." Hindi na niya hinintay ang sagot at niyakap niya ako.
"Thank you sister na pasaway," pasasalamat ko sa kan'ya.
"Sir, baka pwede ng mag-jowa na si Nihan!" Sigaw ng isa sa mga kaibigan ko sa university.
Tumawa at umiling-iling lang si Daddy. Muling sumigaw ang lahat ng make a wish. I closed my eyes at nag-wish ako sa aking buhay, after I make a wish I blow the candle at nagpapasalamat ako sa mga taong dumalo sa akin.
"Baka pwede kung isayaw ang magandang dilag na ito," natawa ako sa style ni Kenny. Siya ang pasaway sa kaklase ko.
I don't have a choice kundi isayaw ang mokong na'to. Habang sumasayaw kami ni Kenny ay nasagip ng mata ko si Ethan na seryoso ang kanyang mukha na nakatingin sa akin. Mas lalong naging seryoso ang aura ng kanyang itsura. Napansin kung walang tigil siya pag-inom ng wine. May kasama siyang tatlo na lalaki, I think mga kaibigan niya ito sa New York.
Napansin kung medyo nalalasing na si Ethan. Hindi ko akalain na malakas siyabi uminom ng alak. Binaling ko ulit ang ulo ko sa kaibigan ko. Tiningnan ko siya ulit pero wala na siya roon sa kanyang kinatatayuan kasama ang kanyang mga kaibigan.
Pagkalipas ng dalawang linggo ng aking kaarawan ay isang beses ko lang nakita si Ethan. Balita ko ay kinabukasan ay lumipad din siyang patungong New York. I know he's a busy man lalo na isa siyang magaling na abogado. Maaga akong papasok ngayon dahil may isang team project kaming dapat tapusin bago mag-closing.
Nagpaalam ako kina Daddy at Mommy. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko dahil pumayag na si Daddy na I can drive alone. Pagbukas ko ng pinto ng bahay ay muntik ko ng mahulog ang puso ko sa gulat kung sino ang nabungaran ng mata ko na nakasandal ang likod sa sasakyan ko.
Nakasuot siya ng blue jeans at black t-shirt at blue loafer sa kanyang paa. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa sasakyan ko pero hinarangan niya ako.
"Hindi ka makakaalis kung ganyan ang suot mo," he said.
"What?" madiin na tanong ko.
"Narinig mo naman ang sabi ko. I am your big brother, my dear Nihan. Iyan ba ang damit na allowed sa university n'yo?" he said at pinag-ekis niya ang matipuno niyang braso.
"What's wrong with you kuya Ethan? There's nothing wrong sa suot ko." Sagot ko.
Sa tototo wala naman masama sa suot ko off shoulder lang naman ito at medyo lumalabas lang tiyan ko. Hindi ako nakinig sa kan'ya mas namula ang kanyang pisngi na ilang beses ko siyang tinawag na kuya.
Feeling ko bumalik kami sa dati ng bata pa ako. Nagbabangayan kaming dalawa dahil I don't have a extra time na magbihis pa at isa pa hindi rin ako susunod sa kanyang utos. How many times niya akong sinabihan pero nagbibingi-bingihan ako sa kan'ya.
"I'll drive you," he said.
Tiningnan ko ang oras sa mobile ko. Bumuntong-hininga ako, I look at him na tila hinihintay ang sagot ko. Kinuha niya sa kamay ko ang susi ng sasakyan ko. Nakaramdam ako ng mainit na mabilis na dumadaloy sa buong katawan ko ng magsalubong ang kamay namin na dalawa.
Mabilis niyang nahuli ang mata ko. He look at me nagkatinginan kaming dalawa pero hindi ako nagpadala sa nakakamatay niyang titig sa akin. Kuya ko siya pero iba ang naglalaro sa isip ko. Hindi pa umabot ng dalawang minuto na sinabihan niya ako na, he's my big brother.
Binuksan ko agad ang pintuan ng sasakyan ko. Umupo ako sa front seat. Tahimik lang ako na nakaupo hindi rin ako lumingon sa kan'ya. Narinig kung dahan-dahan niyang pinaandar ang manibela ng sasakyan.
"Nihan," tawag niya sa pangalan ko.
Hindi ko siya nilingon. Nagulat ako ng makita ko ang isa niyang kamay na kinuha ang seatbelt at nilagay sa akin. Muntik na akong mapasubsub sa mabango niyang leeg at buhok. Napansin kong ngumiti siya ng lihim.
"Sh*t!" mura ng isip ko.
"Hmm," tila ungol niya sumingkit ang mata ko.
"Mabango ba ang perfume ko?" bigla niyang tanong sa akin.
"Nope, nakakasakit ng ilong ," sagot ko na pagsisinungaling ko sa kan'ya kahit sa totoo ang sarap amoyin ang kanyang amoy.
Alam ko na iniinis lang niya lang ako, dahil alam ko rin na napapansin din niya ako nagsisinungaling sa sagot ko. Habang nagmamaneho siya nararamdaman ko na palihim niya akong tiningnan. Hindi ko rin namalayan na nasa ibang direksyon kami dumaan. Nilingon ko siya at tatanungin bakit iba ang daanan namin at hindi ito patungong university.
"We have arrived," he said.
"Sa university tayo Kuya!" madiin na sabi ko.
Lalaking-lalaki kung umigting ang kanyang panga. Everytime if I call him na kuya ay bigla siyang na tahimik. Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"What are you thinking, baby girl hahayaan kita na papasok ng university na ganyan ang isuot mo. Kung nakinig ka sana sa akin ay directly na kita hinatid sa university." Sabi niya sa akin at siya rin tumanggal sa seatbelt ko.
"Hoy! Ethan…" hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya sinarado ng kanyang hintuturo ang labi ko sabay na hinagod niya ito.
Pinitik ko ng isa kung kamay ang kanyang kamay at malakas ko siyang tinulak. Walang lingon-lingon akong lumabas ng sasakyan. Pumasok ako sa loob ng boutique hindi na siya hinintay pa, ako rin ang namili ng damit ko mahalaga ay mapalitan ko ang suot ko na off shoulder na top ko.
Namilog ang mata ko ng makita si Ethan na nakatayo sa harap ng casher gusto talaga niya e-make sure niya na hindi maiksi ang binili ko. Nang mabayaran na niya ay nagpaalam ako na magpalit muna sa fitting room.
Nang makita ko siyang busy sa kausap sa kabilang linya ay mabilis akong nagpalit. Pagkatapos kung magbihis a uy lumabas ako sa fitting room, hindi ko siya nakita sa kinatatayuan niya. Nang hindi ko siya makita ay lumabas ako sa boutique. Wala rin siya sa loob ng sasakyan, mabuti nalang nadala ko ang extra key ko. Pinaandar ko ang manibela bahala siya kung saan siya pumunta. I don't have a enough time na hanapin ko siya. Ilang beses din na walang tigil ang cellphone ko sa kaka-ringing. Dahil ako nalang ang wala kung hindi namin mapasa sa on time ang project namin na ginagawa. Baka maging double naman ang ipagawa ng professor namin kapag mahuli kami ulit.
"Ay anak ng gorilla!" gulat na saad ko dahil si Ethan ang nasa harapan ng sasakyan na sadyang iniinis niya ako sa aura ng kanyang itsura. Saan siya sa galing? Parang may bumulong sa kan'ya ng hangin dahil ang bilis niyang sumulpot. Dahil sa isang segundo ay nasa harapan na siya ng sasakyan.