Chapter 9
NIHAN
Nang nasa harapan na kami ng university ay pinarada ni Ethan ang sasakyan ko. Nilingon ko siya, nginitian niya ako pero hindi ko siya nginitian dahil naiinis ako sa kan'ya. Humanda siya sa akin kapag hindi kami makahabol na ipasa ang project namin today is the last day.
"Hindi ka ba baba? May taxi naman dito at ibigay muna sa akin ang susi ng sasakyan." Inis na sabi ko sa kan'ya.
"Hindi dahil ito gagamitin ko ang sasakyan mo going work at ako rin ang susundo sa'yo mamaya." Ma-awtoridad niyang sabi sa akin.
"What!?" matapang na tanong ko, I sighed.
"Yes, see you later." He said, binuksan ko ang pintuan ng sasakyan.
Padabog akong lumabas ng sasakyan at walang lingon-lingon kay Ethan. Pero ng makita ko si Dexter kasama niya ang kanyang mga kaibigan ay inyos ko agad ang sarili ko. Dahil pagdating kay Dexter dapat lang ng fresh and blooming ang peg ko. Bumuntong-hininga ako at inihanda ko rin syempre ang matamis na ngiti ko.
"Hey Nihan," tawag sa akin ni Dexter. Isang sambit lang niya sa pangalan ko ay kinikilig na. Sino ba naman ang hindi kiligin kung ultimate na crush mo ang kusang nagpapakitang gilas sa'yo.
Nahihirapan pa akong e-hello siya. Tanging at dalawang kaibigan ko lang dito sa university ang nakakaalam na crush ko si Dexter. Nagtataka rin ako mula ng pagkatapos ng kaarawan ko ay tila nag-iba si Dexter sa akin. Napapansin ko rin na umiiwas din siya kay Veronica. Baka nagkatampuhan silang dalawa. Nevermind kung ano man ang meron na hindi pagkakaunawaan labas na ako sa problema nila.
"After ng klase mo, are you free?" he asked me.
"Hmm, actually nope." Diretso na sagot ko sa kan'ya.
Nagulat na biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng pants na suot ko. Kinuha ko ito tiningnan ko ang messages na sunod-sunod na dumating. Tiningnan ko ng maigi baka si Pamela or Sashie, but I was wrong si Ethan ang may sunod-sunod na mensahe. Binasa ko ito at lumingon kung saan naka-park ang sasakyan. Namilog ang dalawang mata ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umalis si Ethan.
Ethan: Late ka na. Akala ko ba hinahabol mo ang oras.
Seen ko lang mensahe niya hindi ko pinansin. Kahit nasa malayo siya ay kitang-kita ko kung paano umigting ang kanyang panga. Feeling ko kakaiba ang titig niya sa mga kaibigan ko, este kaibigan ni Dexter.
Tumunog ulit ang phone ko. Hindi ko sana sasagutin ay wala akong choice dahil kung hindi sagutin pakiramdam ko ay nagkakasala ako kay Ethan. He's still my big brother. Baka ganito siya dahil kapatid at kadugo ang turing niya sa akin at sa mga kapatid ko.
"Hello, pangit. What time to fetch you? he asked me pagkarinig ko sa boses niya ay biglang lumamig ang kanyang boses.
"No need, dahil may pupuntahan kami ng mga kaibigan ko. Don't waste your time on me." Nakita kung matigas niyang inangat ang kanyang mukha.
"That bastard man was with you later?" parang may maliit na kutsilyo na pumipintig sa puso ko sa tanong ni Ethan sa akin.
"Yes," sagot ko at walang paalam na binaba ko ang tawag niya sa linya pero mabilis siyang nagsalita sa linya kaya hindi ko agad nababa ang phone ko.
"Nihan," tawag niya sa akin sa kabilang linya.
"I have to go, late na ako."
"Alam ba ni Daddy at Tita Emma na may lakad ka mamaya?"
"Don't worry, tatawagan ko si Mommy mamaya, sige na Ethan mahuhuli na ako isa pa naiinitan ako sa suot ko." Paalam ko sa kan'ya ulit. Narinig ko siya bumuntong hininga sa kabilang linya. Mabilis kung binaba ang linya.
"Okay ka lang Nihan?" tanong ni Dexter sa akin, I nodded to him.
"Yeah," I said and I smiled at him.
Sinabihan ko rin si Dexter na papasok na ako sa loob ng university. Tumango lang sa akin si Detex. Ilang sandali ay tumikhim siya at nagsalita at hindi rin niya na ituloy ang sasabihin niya.
"Galit ba ang kuya mo? 'Di ba he's not your real brother? Kung tumingin kasi siya samin kanina ay parang mata ng tiger." Mahabang sabi ni Kenny.
Hindi ko na sinagot ang tanong ni Kenny. Tahimik na nginitian ko sila nakita ko nagkibit balikat si Dexter, nakalunok ako tinalikuran ko sila. Nilingon ko sasakyan ko na gamit niya kung umalis na ba si Ethan. Pero paglingon ko ay wala na siya roon. Malaking hakbang ginawa ko hanggang sa naabutan ko sa bakanteng cottage ang ka- team ko sa project na ginagawa namin.
"Bakit ang tagal mo at bakit ang mukha mo ay umagang-umaga ay nakakunot na ang noo mo? tanong Pamela sa akin.
"Baka darating na ang red flag," nakangiting sagot ko. Wala ng umangal pa sa sagot ko dahil alam ko na naiintindihan na nila iyon ang sinabi ko.
"Nagkita ba kayo ni Dexter sa labas ng gate. Kanina ka pa yata niyang hinihintay. They invited us to a bar." Masayang tanong ni Pamela.
Bar pala iyon. Hindi naman sinabi ni Dexter at Kenny kung saan kami pupunta mamaya after ng class. Sinabihan ko rin ang ka-team ko na nagkita na kami ni Dexter.
"Kumusta si Ethan?" biglang tanong ni Pamela sa akin. Tiningnan niya ako na nakangiti hinihintay niya ang sagot ko.
"He's doing fine," malumay na sagot ko.
"How about weekend? Free kaya siya na isama natin siya sa unwind natin sa spring vacation sa Tagaytay," singit ni Sashie.
Tahimik lang ako sa pag-uusap ng mga kaibigan ko. Everytime na naririnig kong paano nila banggitin ang pangalan ni Ethan ay kumakabog ang puso ko. Ewan ko ba bakit siya ang pumasok sa isip ko. Pakiramdam ko na offend ko siya na no need na sunduin ako after ng klase ko.
"Hoy, Nihan!" nagulat ako sa tawag bsa akin ni Pamela at siniko pa ako ng bruha na ito.
"Para sa kabilang mundo ka yata Nihan." Biro sa akin ni Carmina. I smirk.
Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin namin ang project na ginawa namin paspasan kasi dahil ang arte at kahit isang minute lang na mahuli kami sa pag-submit ng project ay hindi na tinatanggap ng professor namin. Mainitin din kasi ulo isa biyuda na kasi siya.
Mabilis lumipas ang mga oras. Sinulat ko lahat ng mga importanteng e-review sa notes ko dahil sa susunod na araw ay mayroon kaming long quiz. Tinawagan ko rin si Mommy na medyo ma-late ako ng uwi at baka sa labas na rin akong mag-dinner kasama ang mga kaibigan ko.
Masaya akong naglalakad palabas ng gate ng university kasama ko rin ang mga kaibigan ko. Tinanong ako ni Pamela kung nadala ko ba ang own car ko. Napa-wow silang lahat ng sabihin kung ginamit ni Ethan ang sasakyan ko at siya rin ang naghatid sa akin.
"Ang daya mo talaga Nihan. Bakit 'di mo sinabi na siya ang maghahatid sa'yo, e 'di sana hinintay na kita sa labas ng gate." Nakanguso si Pamela sa akin.
"Ewan ko sa'yo Pamela, halika saan ba ang sasakyan mo?" tanong ko.
"Nihan, sa akin ka na sumakay," nilingon ko ang nagsalita sa likod ko. Malawak at matamis na ngiti ang ginawad ko kay Dexter at mabilis akong pumayag.
Habang nagmamaneho si Dexter ay hindi ako mapakali na katabi ko siya ngayon sa front seat ng sasakyan niya. Ang bango ng loob ng kanyang sasakyan. I didn't expected na darating ang ganito sa akin. Alam ko na maraming nagkakandarapa sa kan'ya sa campus. Hindi ko rin nakita si Veronica kanina. Usually lagi silang magkasama ni Dexter. Ginawa ko umiling-iling ako bakit ko ba kasi iisipin si Veronica kasama ko ngayon ang crush ko.
Ilang sandali ay nasa harap na kami ng isang eleganteng restaurant. Binuksan ng isang lalaki ang pintuan ng sasakyan ni Dexter. Akala ko ay sa bar ang pakay namin pero maling information pala ang si Pamela sa sinabi niya sa akin kanina.
Anak rin isang sikat at professional si Dexter. I think isa ito sa pagmamay-ari nila ang restaurant na ito. Pumasok kami at sinalubong kami ng waiter. Nasa likuran ko naman ang ibang kasamahan namin. Hinatid kami ng isang babaeng receptionist sa table namin. Nang nasa upuan na kami ay masaya akong umupo at nginitian ko si Dexter.
"Anong meron?" tanong ko kay Dexter at umupo siya sa tabi ko.
Biglang nasagap ng mata ko si Veronica na ang mata niya ay sa kinaroroonan namin. Tinaasan niya ako ng kilay. Tiningnan ko si Dexter na ang mata rin niya ay kay Veronica. Nakaramdam ako ng kakaiba dati-rati ay hindi ganito ang kanilang kilos nilang dalawa. Hanggang sa may nakita akong isang rebulto sa hindi rin kalayuan sa amin. Pakiramdam ko ay mata niya sa akin hindi ko kasi makita ang mukha dahil natabunan ng hawak nitong menu. I sighed, instead na gusto ko e-enjoy ang dinner na'to ay puro pagmamasid ang ginawa ko sa mga tao sa loob ng restaurant.