Chapter 4
NIHAN
Hindi mapakali si Pamela sa kakatitig sa mga photoshoot ni Ethan sa magazine. Nag-uumpisa naman siyang mag day dreaming.
"Pamela, baka sampalin ka ng litrato na'yan sa kakahalik mo," saway ko sa kaibigan ko.
"Ikaw talaga Nihan panira ka talaga." Mas lalo niyang hinalikan ang picture ni Ethan.
Napalingon ako sa kabilang table kung saan nakaupo si Dexter kasama niya si Veronica. Nang makita kung sinubuan ni Veronica si Dexter ng cake kumunot ang aking noo ko. Pero ng marinig ko ang boses ni Dexter na tumatawa ay biglang nawala ang kunot ng noo. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang nararamdaman ko kay Dexter. All I know is that he's my ultimate crush.
Nang masagip ako ng mata ni Dexter na nakatitig ako sa kinaroroonan nila ay nginitian niya ako. I don't know if he knows I have a crush on him.
Isang tipid na ngiti ang ginanti ko kay Dexter. Nang mapansin ako ni Pamela na para akong nakalutang ay siniko niya ako pinalo niya ulit ang braso ko. Nang paluin niya ako ay napanguso ako.
Nakaramdam naman ako ng insecurity kay Veronica. How I wish na one day na ma-solo ko si Dexter whole day. Paano kasi kung nakikita kami ni Veronica na kasama namin si Dexter ay para bang may magic siya na pabigla-biglang sumusulpot sa amin. Minsan napagkamalan ko na siyang kambal tuko na siya ni Dexter.
Nakikinig lang ako sa tawanan nilang dalawa kahit naiinis na ako. I sighed ng makita ko na tumayo si Veronica. Sino ba naman tatanggi sa isang katulad ni Veronica. Kung may tatanggi na e-date siya ay siguro ay mapag-sabihan na tanga kung tanggihan nila si Veronica. Halos lahat ng habol ng mga lalaki ay nasa sa kan'ya na.
Nagulat ako ng bahagyang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang nasa screen ng cellphone ko. Nang makita ko agad ay paborito kung Tita Anne ko nasa linya mabilis kung sinagot ang kanyang tawag.
"Hello, Tita Anne," sagot ko sa kabilang linya ang mata ko ay sa magazine na binuklat ni Pamela.
"Nihan, nandito kami ngayon ng Tito Carlos mo sa mansyon n'yo. Tita missing you, where are you?" Tanong ni Tita Anne sa akin.
Hindi ko siya agad nasagot dahil nakapako bigla ang mata ko sa litrato ni Ethan na may katabing dalawang babae sa magazine. Halos lalabas na ang kaluluwa sa suot nilang damit. Kung daring manamit si Veronica ay mas daring ang dalawang babae na katabi ni Ethan sa litrato.
"Anong ang araw na ito," sabi ng isip ko.
"Nihan!" malakas na sabi ni Tita Anne sa kabilang linya tila sasabog na eardrum ko.
"Yes, Tita? Ano nga ba ang sabi mo sa akin?" tanong ko.
"Nasa ere naman siguro ang isip mo, sino ba ang iniisip girl? When you done there, umuwi kaagad. " Sasagot sana ako ay naka-off na ang linya. Hindi rin ako hinihintay ni Tita na sumagot pa.
Napailing ako dahil ganyan lagi si Tita pero I love her so much mula ng bata pa ako super duper lambing niya sa akin kahit na iniinis niya ako. I took a deep breath.
Nagpaalam sa akin si Pamela na pupunta sa ladies room. Tanging tango lang ang ginawa ko sa kan'ya dahil pakiramdam ko nahati ng ng dalawa ang isip ko. Nahilot ko bigla ang sintido ko dahil ang isip ko ay sa litrato na feeling gwapo na Kuya Ethan ko. Teka hindi ko siya Kuya ang kurimaw na Ethan. Then, ang sa kabilang isip ko ay kay Dexter. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng makita ko na may katabing babae si Ethan.
"Nihan, gumising ka. Kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isip mo," nag-uusap ang diwa ko at isip.
Habang hinihintay ko ay kaibigan ko ay tinawag ko ang lalaking waiter at sinabihan ko siya na ibigay niya sa akin ang billing namin inabot din kami ni Pamela ng mahigit isang oras sa cafe na'to. Nakita ko na tumayo sina Dexter at Veronica. Namilog ang dalawang mata ko ng makita kung inalayanan ni Dexter si Veronica at hinawakan pa niya ito sa baywang. Veronica had a perfect body. She is totally sexy and men distract her.
"Hi, Nihan." Bati sa akin ni Dexter.
"Hello," I said. Nahuli kung tumaas ang kilay ni Veronica.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Dexter sa akin. Feeling ko namula ang magkabilang pisngi ko sa simpleng tanong sa akin ni Dexter.
Nakaramdam ako ng concerned mula sa kan'ya. Kung kami lang dalawa sa tanong niya sa akin baka niyakap ko na siya. Tumikhim at kumunot ang noo ni Veronica hindi niya yata matanggap na concerned sa akin si Dexter.
"Dex, we have to go. Hinihintay na tayo ni Papa," pa-cute na sabi ni Veronica kay Dexter ang ganda talaga niyang sapakin sa kaartihan niya.
Nagpaalam sa akin si Dexter. I nodded to him. Akala mo naman ay hihilain ko si Dexter sa kamay niya. Kitang-kita ko kung paano higpitan na hawakan niya ang isang braso ni Dexter. I shook my head.
Ilang sandali ay umuwi rin kami Pamela. Nang nasa mansyon na ako ay masaya akong pumasok sa loob ng mansyon. I'm so excited na makita ko ang Tita Anne ko almost five months din kami hindi nagkita.
Malaking hakbang kung nilapitan si Tita nakausap niya si Mama sa living room at si Tito Carlos naman ay kasama niya si Daddy nag-uusap sa kabilang upuan.
"Tita!" malakas na sabi ko lahat sila ay nilingon ako sa gulat. I smiled at them at tinakpan ko ang bibig ko ng dalawang kamay ko.
Hinalikan ko si Tita Anne. As usual kumustahan kaming dalawa ng hindi makita ang dalawang cuties niece ko ay tinanong ko kung nasaan ang magagandang anak niya. Nasa lahi lang talaga nila Mommy na magaganda at mababait. Umupo ako sa kanyang tabi sinabi niya nasa backyard ang dalawa niyang anak na babae kasama niya kakambal ni Either na kapatid ko na si Navi at makulit na isa kapatid ko na si Natalie.
Hanggang ngayon ay natatawa pa rin kay Tita dahil hindi ko inakala na si Tito Carlos ang magkatuluyan niya. Napapangiti ako ng sekreto hindi kasi ako maka-get over na si Tita rin ang nahulog sa patibong niya kay Tito Carlos na akitin niya ito. Tiningnan ako ni Tita Anne.
"Humanda ka sa akin mamaya Nihan," mahinang sambit ni Tita sa akin. I'm sure na nabasa niya ang nasa isip ko sa past niya.
"Para kayong mga bata," saway ni Mommy sa amin. Sabay kaming ngumiti ni Tita sa harapan ni Mommy.
Habang nag-uusap kaming tatlo nila Mommy ay tumunog ang cellphone ko. Hindi ko pinansin dahil mensahe lang naman ang laman. Tumunog ulit ito. Sinabihan ako ni Tita na tingnan ko ang cellphone ko na ilang beses ng tumutunog.
Kinuha ko ang cellphone ko sa brown leather bag ko. Tiningnan ko unknown number ang nakalagay.
Unknown: Hello, sweety.
Me: angry emoji ang reply ko.
Unknown number: Are you okay?
Me: Loko ka ba?
Unknown: Nope.
Hindi na ako nag-reply pa sa kan'ya. Binalik ko sa loob ng bag ko ang cellphone ko. Tinanong ako ni Mommy kung sino ang nagpapadala sa akin ng message. Dahil napansin nila na nagsalubong ang kilay ko.
"Hindi ko alam po e, baka wrong number nanggugulo lang siguro. Baka ako ang napagtripan niyang inisin alam nama n'yo ang tao. Mahilig sa prank at scam." Diretso kung sabi sa kanila?
"Hang-out tayo mamaya, " sabi ni Tita Anne sa akin.
"Talaga, Tita! Deal ako anytime." Masayang sabi ko.
Nagpaalam ako kina Mommy at Tita Anne. Hinayaan ko silang dalawang mag-usap. I think namiss nila ang bawat isa sa kanila. Bunsong kapatid ni Mommy si Tita Anne.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Pagtayo ko ay nakita kung tumatakbong papalapit sa akin ang mga bata. Nang makita ako ng dalawang pinsanko na sina Apple and Camyl mabilis nila akong nilapitan
Isang mahigpit na yakap ang binigay nila sa akin. Big hug din ang ginanti ko sa dalawa.
Nilingon ko si Natalie isa ito sa mga kapatid ko na selosa. Kapag may niyayakap ako namumula ang kanyang pisngi.
"Come to ate Natie," nakangiting tawag ko kay Natalie. Dahil pabe-baby minsan ang kapatid ko ay kaliwa't kanan kung hinalikan ang kanyang malambot na pisngi.
Tinawag ni Tita Anne ang dalawang bata. Nang makita niya itong pawisan ay dinala niya ang dalawang bata sa guest rooms. Tinawag din ni Mommy si Natalie sinabihan niyang tawagin ang kanyang Kuya Evan. Dahil oras ng lunchtime namin.
Umakyat ako sa kwarto ko at gusto mo mag-half a bath. Paakyat palang ako sa taas ay tinawag ako ni Tita.
"At 5pm ang labas natin. Dahil next month na debut mo, gusto ko ma-solo ko muna ang baby Nihan ng lahat." Ngumuso ako sa sinabi ni Tita na baby ako.
How I wish na bukas na ang debut party ko. Para hindi na ako matawag na baby pa. Alam ko na inaasar lang nila ako. Umiling ako at mabilis akong umakyat sa taas ng kwarto ko.
Pagsapit ng alas singko ng hapon ay dinala ako ni Tita Anne sa isang maliit na park dito sa Manila. Kahit maliit ay malinis ang paligid. May nakita kami na maliit na carenderia. Umupo kami sa puti na upuan na plastic.
"How's Ethan? Did you talk to each other?" Tita's Asked me.
"Sometimes Tita," I said. Sa tanong ni Tita ay parang may biglang sumipa sa puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Ethan. Napalitan ang expression ni Tita Anne ng nag-iba ang aura ng mukha ko
"I saw him two months ago, ibang-iba na siya. He asked me something pero hindi niya tinuloy."
"Hi and hello lang kami ni Ethan," I said.
"Balita ko uuwi na siya, darating siguro sa kaarawan mo. Excited ka ba na makita siya ulit?" napaawang ang labi ko sa tanong ni Tita. I shook my head and I smirked. No words came out of my mouth.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nilagay ng waiter ang order ni Tita. Nakatakip ito at lumapit ulit sa amin ang waiter na may dalang bote ng suka na may sili. Napansin ko rin na maraming mga tao na labas pasok. Makikita mo sa mukha at mata nila ang saya ang iba take-out ang kanilang mga order. Karamihan sa luto nila dito ay street foods. Masarap kasi ang street food may mga pagkain na hindi ko rin kayang kainin.
Halos mahulog na ang mata ko ng makita kung buksan ni Tita ang nakatakip na plato na laman na apat na balut. Mukhang takam na takam si Tita, she look at me and smile. Siya lang yata ang na tatatakam at ako naman ay napangiwi ako. Binalatan niya ito sa harap ko, sarap na sarap at naglalaway pa siya sa pagbabalat ng balut.
Nakakagutom Nihan hayaan mo tatapusin ko muna ito iyung balut mo naman ang isusunod ko." Sunod-sunod akong umiling kay Tita dahil hindi ko talagang kayang kumain ng balut.
"Eww," weird kung sabi.
Tinakpan ko ang mata habang kinakain ni Tita Anne ang balut na may ulo ba ng bibi tapos may balahibo pa ito.
"Open your mouth Nihan, huwag ka ngang maarte," sabi ni Tita at nilayo ko ang kamay ni Tita sa akin dahil tila nauubusan ako ng hininga ng hindi ko maipaliwanag.
"Please, hindi ko kaya," naiiyak na sabi ko.
Ang ng mga mata tao ay sa akin na namumula na at pakiramdam ko ay naninigas ang buong katawan ko. Parang nasusuka na rin ako. Kaya pala gustong-gusto ni Tita na yayain ako dahil alam niya ang balut ang hindi ko kayang kainin.
"Baka balut ng tao ang gusto mo, joke lang Nihan. Sige masarap hahanapin mo ito kung matikman mo lalo na ito." Mas lalo akong nandiri ng ilabas ni Tita ang may balahibong ewan bibi ba, pato o manok whatever.