Chapter 5
NIHAN
Pagpasok ko palang sa Jones University ay mga kaibigan ko na ang nabungaran ng mata ko. Mukhang kanina pa nila akong hinintay at mabilis na lumapit sa akin si Pamela.
"Girl, mamayang hapon at 3pm may laro si Dexter kung gusto mo manood tayo? feeling ang lawak ng ngiti ko sa sinabi ng kaibigan ko.
"Naks, of course ako pa alam mo naman my ultimate crush ko yan bruha ako kung tatanggihan ko yan." Mabilis na sagot ko.
"Hi, Nihan balita namin uuwi ang kuya mo na gwapo." Biglang sabi ni Shashie.
"Aba, oo excited na nga ako sa debut ni Nihan e," saad ni Pamela.
Umiling-iling lang ako sa mga pinagsasabi nila. Dahil alam ko na halos lahat sila dito sa campus ay wala silang bukang bibig kundi si Ethan. Mas sila pa nga excited sa darating na kaarawan ko.
"Bakit bigla kang natahimik Nihan? Aba should be happy." Singit ni Leila.
"Ang dami nyong pinagsasabi halina nga kayo baka mahuli na naman tayo sa class mapagalitan naman tayo ng professor natin." Sabi ko sabay hila sa kamay ni Pamela at Leila sumunod naman si Shashie.
Magkatabi kami ng upuan ni Pamela dahil siya lagi ang kasama ko. Ang dalawa kung kaibigan ay sa likod namin naman sila nakaupo. Maya-maya ay lahat ng kaklase namin ng lalaki ay natahimik sa biglang pagpasok ni Veronica. Ang mata nila ay tila mahulog na sa kakatitig nila kay Veronica akala mo naman ay ay sa party ang pupuntahan sa kanyang suot.
"Ang mga mata n'yo boys baka mabulag kayo. Kapag si Veronica ang nakikita n'yo nakakalimutan nyo kami." Walang preno ang bibig ni Pamela nag-ohh lang ang nakarinig ng mga lalaki sa kan'ya.
"Bibig mo Pamela," saway ko ngumuso lang ito sa akin.
"Good morning everyone, " bati ng professor namin na ubod ng moody.
"Good morning too professor," bati namin pabalik sa kan'ya.
Ilang segundo ay walang nag-iimikan dahil alam na namin kung sino ang gagawa ng ingay ay automatic na ma-kick out palabas ng room.
Bigla akong napamura ng tumunog ang cellphone ko. Lahat napalingon kung kaninong cellphone ang tumunog dahil ilang beses tumutunog ang cellphone ko ay kinurot ni Shashie ang tagiliran.
"Ouch!" malakas na sambit ko.
"Mss. Jones," taas kilay ng Mr. Cayetano.
"Yes, Sir." Mahinahon na sagot ko.
"Turn off your phone right now!" sigaw niya.
Agad kung sinunod ang utos ni Mr. Cayetano. Hindi ko rin tiningnan kung sino ang nagpadala ng mensahe sa akin. Nang masagip ko ng mata ko si Veronica ay tinaas niya ako ng kanyang kilay. Akala niya siguro ay hindi ko gagantihan, ano akala niya siya lang marunong magpataas ng kilay.
Pagkatapos mag-explained ni Mr. Cayetano ay may new project na nanaman siya ipapagawa sa amin. Pero okay lang dahil naging libangan ko rin ito at nagpaalam na rin siya sa amin.
Mabilis lumipas ang oras. Lahat ay nagsisipag-takbuhan papuntang gym court. Dahil oras na ng laro ni Dexter at sino-sino pang sikat ng team. Syempre ay hindi ako magpapahuli. Kanina ko pa kayang hinihintay ang oras ng laro na'to.
May dalawang bakanteng upuan akong nakita mabuti nalang nasa harapan kaming nakaupo. I have chance na marinig ni Dexter ang sigaw sa pangalan niya.
"Dexter, Randolf!" sigawan ng iba kung sino ang bet ng bawat isa.
Sumigaw din ako at kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag. Ngayon ko lang naalala na buksan ito. Pag-turn on ko ay sunod-sunod na message at may miscalls si Mommy.
Binasa ko rin ang ibang messages na dumating sa akin as usual unknown number. Kay Mommy lang ako nag-reply ng mensahe. Nang ma-send ko ay binuksan ko ang video ng phone ko at kinukuhanan ko ng video ang laro.
"Dexter, I love you! " malakas na sigaw ni Veronica.
Lumingon si Dexter hinahanap niya ang upuan ni Veronica ng hindi niya itong makita ay sinigaw ko ang kanyang pangalan. OMG! He winked at me and smiled at me. Isang kindat lang sa akin ni Dexter feel ko ako lang ang kanyang babae walang kahati.
Nang matapos ang laro ay lalapitan ko sana siya ay naunahan ako ni Veronica kasama niya ang kanyang mga kaibigan. I don't have a choice kundi lumabas na sa court mabilis kung hinatak ang kamay ng kaibigan ko. Napalingon ako bigla ng marinig ko ang tawanan nila napahawak din ako sa aking dibdib ng makita ko pinunasan ni Veronica ang butil-butil na pawis sa noo ni Dexter.
"Nihan calm lang ang kilay mo baka hindi na'yan baba ah, sige ka baka tatanda ka niyan." Pilyong sabi sa akin ni Pamela.
Ang dami mong halika na nga hinila ko ulit ang kamay ni Pamela. Wala na rin akong pakialam kung sino ang mabangga ko hanggang sa nasa labas na kami ng gate ng university.
"Nihan, Nihan wait!" malakas na tawag ni Dexter sa pangalan ko boses palang niya ay kilalang-kilala ko na.
Napahinto ako sa paglalakad at nakangiting nilingon ko siya na tumatakbong lumalapit sa kinatatayuan ko. Feeling mas lalong humahaba ang buhok grabi as in parang gusto kung sumigaw hindi ko kasi akalain hahabulin ako ni Dexter.
"Dexter," mahinang sambit ko sa pangalan niya.
"Nihan, sorry kung hindi kita napansin kanina," he said.
Oh gosh, nagtatanong ang isip ko na isang Dexter humihingi ng sorry ng walang dahilan. I looked at him nginitian niya ako ng nakakamatay na ngiti ang maputi at pantay-pantay na ngipin ay nakaka-in love. Napaawang ang labi ko ng bigla niyang kinuha ang kanan kamay ko at may maliit na box siyang binigay sa akin.
"For you advance present ko, hopefully you gonna like it," I can't control myself tila lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Next week pa naman yun Dexter," medyo nauutal na sabi ko.
"Iyan lang ba ang sasabihin mo?" medyong nagtatampo ang tono ng boses niya na tanong sa akin.
Bakit siya na nga ang lumapit sa akin, ngayon pa ako hindi makapagsalita. Tumikhim ako at nginitian ko siya ang mata niya sa akin.
"Anong brand ang gamit mo na toothpaste?" tanong ko at tumawa siya ng malakas. Hindi tuloy ako mapakali sa tinig ng kanyang tawa.
"Oh, God! Nihan, of course happy ang gamit ko. So many things you can ask bakit iyan pa." Natatawa na sabi ni Dexter sa akin.
Sasagot sana ako pero biglang may sasakyan na pumarada paglingon ko ay ang driver namin at kapatid ko na si Navi at bigla niyang hinila ang isang kamay ko.
"Get off your hands Navi!" madiin na utos ko sa kapatid ko.
"Kanina ka pa namin tinatawagan dahil si Lola hinihintay niya tayo sa mansion. Tapos sinasayang mo lang kay Dexter ang oras mo. Mas pogi si Kuya Ethan kaysa sa isa na'yun." Walang preno ang bibig ni Navi at mabilis ko na pinalo ang kamay niya. Nilingon ko si Dexter pero tinalikuran na niya kami.
"See you tomorrow Nihan!" sigaw ni Dexter.
"Thank you again," I said he smiled at me.
Pati si manong ay parang si Navi narin ito. Alam ko na kasabwat niya ito ang kapatid ko dahil walang tigil ang busina ng sasakyan. Pumasok kami sa loob ng sasakyan tiningnan ko ang oras sa suot ko na swatch pasado alas sais na pala ng hapon.
Umupo ako ng maayos at habang si Navi naman ay busy sa kanyang hawak na mobile. Ilang sandali ay dumating na kami sa harap ng mansyon. Mabilis na binuksan ng security guard ang gate na bakal na kulay itim.
Mabilis akong lumabas sa sasakyan at sinundan din ako ni Navi sa likod ko. Pagpasok namin sa loob ng mansyon ay as usual mas lalong gumaganda ang mansyon dahil si Mommy ang nag-aalaga kay Mommy rin pamana ng aking Lola ang mansyon na ito. Pero hindi kami dito nakatira mas gusto kasi ni Mommy tumira sa isa rin na regalo ni Daddy sa kan'ya na mansyon.
Inikot ko ang mga mata ko hanggang vsa nakarinig ako ng ingay at nagtatawanan sa dining table. Lumapit agad ako.
"Oh, hija kanina pa namin kayo ni hinihintay ni Navi," sabi ni Mommy sa akin.
"Si ate, kasi mom ang tagal lumabas." Mabilis na sagot ni Navi.
Masaya kami na kumakain ng hapunan. Minsan seryoso ang usapan nila Daddy at Lolo tungkol sa mga bagong building na ipinatayo ni Daddy. Hindi ko rin namalayan na tapos na kaming kumain. Sinandal ko ang likod sa at uminom ng warm water.
"Apo, pwede bang dito ka munang matulog," pakiusap ni Lola sa akin, sumang-ayon agad ako sa kan'ya alam ko hindi rin ako makaangal.
Nakangiting tiningnan ako ni Mommy at Daddy. Maya-maya ay nagpaalam ako na umakyat sa sarili kung kwarto. Pagbukas ko ng kwarto ko ay I miss those years na nakalipas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naluluma ang hello kitty na kabinet ko. Isa ito sa regalo sa akin ni Ethan, na kurimaw na lagi akong pinagsasabihan na pangit. He knows hello kitty is not my taste. Gusto lang kasi akong asarin, wala rin ako magawa dahil halos lahat sila ay nagagandahan sa pink na cabinet.
Kinuha ko ang notebook ko at laptop ko at sinimulan kung gawin ang homework ko. Nakakaramdam din ako ng antok. Pagkatapos kung gawin ang homework ko ay hindi ko namalayan na nakahiga na ako sa ibabaw ng kama ko. Para bang may bumuhat sa akin na hindi ko namamalayan siguro ay sa pagod ko kanina. Nararamdaman ko rin na may tumanggal sa suot ko na sandal. Hanggang sa may humahaplos sa pisngi ko. Naramdaman ko rin na may malambot na labi na humalik sa noo ko. Gusto ko man ibuka ang bibig ko ay hindi ko magawa dahil para akong nasa ulap na nasasarapan sa haplos at halik sa aking noo.