Chapter 6

1827 Words
Chapter 6 NIHAN Nakakaramdam din ako na may pumipisil-pisil sa isa kung kamay. Dahil sa ang himbing ng tulog ko ay wala akong namamalayan kundi ang isang tao na pakiramdam ko ay nasa tabi ko ito na pinagmamasdan niya akong natutulog. Habang nakapikit ang mata ko ay napapangiti ako na natutulog. Sa kakaibang sensation na nararamdaman ko ay parang gusto ko na hindi muna magising. "Nihan anak, bakit d'yan ka natutulog sa sahig? Baka nakakalimutan muna may allergy sa carpet." Nagulat ako at bigla akong napabangon sa ibabaw ng carpet. "Mommy, anong nangyayari?" pagtataka na tanong ko. Bumangon ako agad at inikot ko ang dalawang mata ko sa loob ng kwarto ko at hinawakan ko ang labi ko. Dahil wala akong nakitang ni-isa na tao na maliban kay Mommy, it means ang nangyari sa akin kanina ay isang panaginip lamang. "Kanina pa kita ginigising anak pero tila nasisiyahan ka sa kabilang mundo at mukhang malayo ang narating mong managinip." Mahabang sabi ni Mommy at inutusan din niya akong mag-half a bath. "Baka sa pagod lang ito mom, kaya kay aga-aga nanaginip na ako. But mom, ikaw ba ang nagtanggal ng sandal na suot ng paa ko?" Umiling si Mommy sa tanong ko at tumango ako. Maya-maya ay nagpaalam din si Mommy sa akin at uuwi na sila. Sinabihan ko rin si Mommy na huwag na niya akong padalhan ng new uniform para bukas dahil may extra naman ako dito sa mansyon. Paglabas ni Mommy ay diretso akong pumasok sa banyo para maligo baka mamula naman ang buong katawan ko. Almost half an hour din ako sa banyo, kinuha ko ang white robe ko at sinuot ko ito. Lumabas ako sa banyo at kumuha rin ako ng pajama sa loob ng cabinet. Nang masagip ng mata ko ang puting kurtina na nilalaro ng hangin sa bintana ay nilapitan ko ito. Nagtataka ako dahil hindi naman ito nakabukas kanina at bago ako pumasok sa banyo ay nakasarado ang window glass ng veranda. Lumabas muna ako sa veranda, I close my eyes slowly gustong-gusto ko ang hangin sa labas na tila minamasahe ang mukha ko hanggang sa may nakita akong imahe sa may likod ng patio. Mas nilakihan ko ang dilat ng aking mata at dinungaw ko ito sa labas. Hanggang sa may anino akong nakikita. I whistle. "Hey, is anybody there?" I said. Walang sumasagot sa tanong ko sa baba, nagulat ako ng biglang lumabas ang anak ng driver namin na si Basir. Si Basir parang kapatid na rin namin matanda lang siya sa akin ng isang taon. "Basir, ikaw ba iyan?" tanong ko. "Oo, ako nga," sagot niya sa akin. I took a deep breath, akala ko kung sino na kasi ang anino na nakikita ko si Basir lang pala. Nginitian ko siya at nagpaalam ako sa kanya. Pumasok ako ulit sa kwarto ko at humiga ako sa malambot kung kama. After a couple of minutes, ay bumangon ako pinuntahan ko sa kwarto ang aking loving grandparents. "Yassi, si Lolo at Lola gising pa ba sila?" tanong ko sa private nurse ni Lolo at Lola. "Hindi pa po ma'am, actually pinatawag ka nga po nila e," sagot ni Yassi nagpapasalamat ako kay Yassi at mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto ni Lola. Nang makita ako ni Lola ay nginitian niya ako. I know my grandparents ay mahina na ang kanilang katawan. Lumapit ako sa kinauupuan nilang dalawa. I love them so much. Lagi nila kaming pinagsasabihan na laging magpakumbaba. She learned a lot from my mom. Nai-kuwento rin kasi ni Lola dati ang unang encounter pa lang niya kay Mommy at pinagsisihan niya ang dati na ginawa niya kay Mommy. How many times, I told them na past na'yun at huwag na niyang e-topic pa. "Lola," malambing na sabi ko at umupo ako sa kanyang tabi. "Nihan apo," tawag ni Lola sa akin. Nagulat ako na may na hawak na kumikislap at kumikinang na diamond. I think ito ang pinaka-paborito ni Lola na kwintas. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko at binigay niya niya sa akin ang mamahalin na kwintas. Hindi ito pwede na suotin sa public area dahil tigok ang mangyari sa leeg ko pag-snatcher ang nakasalubong ko sa labas. "Lola, 'di po ba isa ito sa bigay ni Daddy sa'yo bakit niyo po ito binibigay sa akin? This is a very special necklace from my dad." Sabi ko ang mga mata ko ay sa mata niya. Base sa ngiti ni Lola ay makikita mo ang pagod at saya rin sa kanyang mga mata. "Kanino ko pa ito iiwan ang mga ari-arian kundi sa inyong lahat na mga apo ko. Promise me apo to take care of this." Nakangiting sabi ni Lola at sunod-sunod akong tumango at hinalikan ko siya sa kanyang kamay at pisngi. "Sure, po Lola tulad ng pag-iingat n'yo po. Thank you so much po la." Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. "Kumusta kayo ni Ethan apo? Nag-uusap ba kayo ng abogado na'yun? Gusto ko siya ang ama ng maging anak n'yo." Biglang lumaki ang mata at parang sumipa ang puso ko sa lakas ng kabog at kumunot ang aking noo. "Lolo, ano naman iyan pinagsasabi n'yo po bata pa ako anak na agad. Wala pa nga akong boyfriend." Painosente na sabi ko. "Si Ethan naman talaga ang soon as possible na maging boyfriend mo." Mas lalo akong kinakabahan sa mga pinagsasabi ni Lolo. Tumayo ako at hindi na ako sumagot sa sinasabi ni Lolo. Nagpaalam ako sa kanila at isa-isa ko silang hinalikan at sinabihan na matulog na sila. Tinakot ko silang dalawa kung hindi silang matulog ng maaga ay e-cancel ko ang big party na kagustuhan nilang dalawa. Umiling ako bago ako lumabas sa kwarto ni Lola at Lolo. Napamura ako ng lihim dahil sa lumabas sa bibig ni Lolo, I can't believe it na sasabihin ni Lolo Jones iyun. Sinarado ko ng dahan-dahan ang pintuan at padabog akong pumasok sa kwarto ko. Sana hindi dumating sa kaarawan ko ang kurimaw na'yun. Humiga ako sa kama ko at tinakpan ko ng unan ang mukha ko. I smell something new sa unan ko. This is not my perfume smell. Manly masculine scent ito. Hindi naman pumasok si Daddy at Either sa kwarto ko. Inamoy ko ulit ito at kumunot ang noo ko ng makita ko ang isang malaking box na nabalutan ng red ribbon. Bumangon ako, kinuha ko ang box at binuksan ko ito. After kung buksan ay biglang sumalubong ang kilay ko. Isang malaking barbie ito. This is my favorite barbie when I was young. I smiled at niyakap ko ito tiningnan ko kung may card pero walang card na nakalagay. Hinayaan ko na lang ito baka bukas ay malaman ko rin kanino galing ito. Biglang tumunog ang cellphone ko hinanap ng mata ko ang cellphone ko. Nang makita ko ay kinuha ko agad ito at binuksan ko ang mensahe. Unknown number: Advance happy birthday pangit. Matalim kung tiningnan ang mensahe. "I hate you Ethan na kurimaw but thank you sa barbie." Sabi ng isip ko. Me: Thanks Unknown number: Sorry wala pa ako sahod kaya iyan muna ang regalo ko. I'm sure na no need na magpakilala pa ako. Unknown number: Can I call you. Hindi ko alam ano isasagot ko kinakabahan ako sa kinatatayuan ko. Bumuntong-hininga ako. Me: Sandali. OMG! Bakit iyon ang reply ko? Baka isipin niyang naghahanda ako sa tawag niya. Me: Ethan na maktol kurimaw low battery na ako bye. I turned off directly my phone para hindi niya ako matawagan. Kasi I'm pretty sure na iinisin niya lang ako tulad ng dati, kahit kumusta nga sa akin ay wala e. Pangiti-ngiti kung niyakap ang barbie na regalo niya baka hanggang ngayon ay bata pa rin ang tingin sa'kin. Dalagang-dalaga na ako Ethan tingnan natin kung matatawag mo pa ako na pangit. Humiga ako na katabi ko ang barbie, doesn't mean dahil kay Ethan ko niyayakap ito kundi dahil sa barbie matagal na panahon din ako hindi nabilhan ni Mommy. Tinapik ko ang aking noo para tuloy ako bata. Feeling ko parang special ang gift na'to. Biglang pumasok sa isip ko na wala raw siyang sahod. Himala na walang sahod iyon isang sikat na abogado at CEO rin ng Jones company sa New York. Don't tell me Ethan after a long years ay naging kuripot ka na. Iyan ba ang kinalabasan ng pagiging abogado mo na nagtitipid, kahit kailan talaga hindi tumatanda ang isip mo, playboy ka nga sa ibang bansa pa kung sinu-sino na ang ka-date. Ipinikit ko ang mga mata ko. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa university. The same morning routine ang ginagawa ko nagre-retouch ulit ng mukha para always fresh kahit fresh naman ako. Napamura ako dahil nakalimutan kung buksan ang niregalo ni Dexter sa akin kahapon. Mabilis kung nilabas sa bag ko at umupo ako sa bench. Binuksan ko ang maliit na box isang cute na bracelet na my letter N ito. Masaya kung sinuot sa kamay ko. Hinawakan ko ito at hinalikan-halikan pa, I rolled my eyes kung may nakakita ba sa akin. Dahan-dahan ko na pinikit ang mga mata ko. Umagang kay ganda ang araw ko na'to. Nagulat ako na may biglang tumabi sa akin at pinitik ang dulo ng ilong ko. "Aray, panira ng daydreaming," inis na sabi ko ng lingunin ko ay ang dalawa kung kaibigan ang nasa tabi ko. "Kanina ka pa namin tinitigan ng mapansin namin na para kang timang na nakatulala ay hindi namin natiis na guluhin ang umagang imagination mo." Sabi ni Shashie sa akin. "Wow! Congrats sissy kaninong galing ang cute na bracelet na'to kanina mo pang hinahalikan. Don't tell me this is from Dexter," I nodded to them. Tumili sa kilig ang dalawang maarte kung kaibigan. Kinuha ko ang cellphone ko para kunan ko ng litrato ang suot ko na bracelet. Pag-on ko ng phone ko ay may sampung miscalls from pangit number iyan kasi ang nilagay ko na name niya sa contact ko. Nang mag-ring ulit hindi ko sana sasagutin ay inagaw ni Pamela sa kamay ko ang phone ko. "Nihan, sino si pangit number? Si Ethan ba ito kasi siya lang naman ang tumatawag sa'yo na ganyan." tumango ako. "Please answer the call Nihan, please para marinig naman namin ang boses ni Ethan. Selfish mo girl, why you didn't tell us na nag-uusap pala kayo ni Ethan." Nagtatampo na acting ni Pamela akala niya 'di ko memorise ang kanyang gagawan. Biglang sinagot ni Shashie ang call nag-sign siya sa akin na mag-hello. Pag-hello ni Ethan sa kabilang linya ay ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Napaawang ang labi ko sa baritono na boses ni Ethan sa kabilang linya. Parang na estatwa naman ang dalawang kaibigan ko. Hindi napigilan ni Pamela na mag-hi at kumustahin si Ethan sa kabilang linya. Natahimik ako bigla dahil parang kakaibang tinig ng boses ang pagkarinig ko sa kanyang boses. Tumayo ako sa kinauupuan ko pinapakinggan ko ang boses ni Ethan na tumatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD