Chapter 32

1585 Words
Chapter 32 NIHAN "Mommy, where's Baba? I want to play with him." Tanong ng anak ko na sinusubuan ko ng escalope na niluto ni Mommy. "Busy pa ang Baba honey, 'di ba he promised to you next weekend maglalaro kayo," saad ko sa anak ko. Tumikhim si Ethan para akong kinikilabutan ng tiningnan ko siya para akong lalamunin ng kanyang mata kung paano niya akong titigan. I roll my eyes lahat ay seryoso na kumakain sa hapagkainan. Ako lang yata ang hindi pa kumakain, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagalaw ang pagkain ko sa plato ko. "Mommy si Tito Ethan pwede ba akong makipaglaro sa kanya mamaya after lunch? Tito Evan and Tito E hindi sila magaling mag-goal." Mahinang sabi sa akin ng anak ko. "Yeah sure," sagot ni Ethan kahit hindi naman siya ang tinatanong ng anak ko siya ang sumagot. Pumalakpak ang anak ko ng marinig niya ang sinabi ni Ethan. Kumunot ang aking noo, paano narinig ni Ethan ang mahinang pagkasabi sa akin ng anak ko? Hindi ko rin nasagot ang anak ko dahil si Ethan na ang kusang nag-prisinta sa sarili na makipaglaro sa anak ko ng football. "Thank you," nakangiting pasalamat ng anak ko sa kan'ya. He nodded. Hanggang sa sinita ako ni Navi, bakit hindi pa raw ako kumakain? Bumuntong hininga ako at nginitian ko si Navi ng tipid na ngiti sa tanong niya sa'kin. Muli kung inilipat ang mata ko sa anak ko na takam na takam sa kinakain niyang french fries. Pakiramdam ko ang mata ni Ethan ay sa'kin. Ginawa ko ay dahan-dahan kung sinubo ko ang kanin tapos sinunod ko rin ang beefsteaks. Kahit hindi ako nagugutom ay inubos kung kainin ang pagkain ko sa plato. Gusto ko na kasing tumayo sa kinauupuan ko. Inangat ko ang mukha ko para punasan ng tissue ang bibig ko. Pag-angat ko nagtama ang mata namin ni Ethan, titig na titig siya sa akin. Naiinitan ako sa mata niyang mapang-apoy. Para akong na estatwa sa kinauupuan ko kung hindi pa ako tinawag ng anak ko ay hindi bumalik ang aking ulirat na nakapako ang mata ko kay Ethan. Nang makita ko na kumalat sa bibig ng anak ko ang ketchup ay mabilis kung pinunasan ng napkins na tela. Tinulungan ko siyang tumayo at dinala ko ang anak ko sa guest bathroom para hugasan ang kanyang bibig na namula dahil sa ketchup. Pagkatapos kung hugasan ang mukha at bibig ng anak ko ay lumabas kami sa guest bathroom. Nagulat ako na si Ethan ang nasa labas ng pintuan na nakasandal ang likod sa dingding ang isa niyang kamay ay sa bulsa ng suot niya na jeans. Hindi ako mapalagay sa mga titig niya sa akin, mula ng dumating siya ay may kakaiba akong nararamdaman sa kan'ya. Ano ba kasi ang ginagawa niya rito sa harap ng pintuan? Hinatak ng anak ko ang kamay ko, nakahinga ako ng maluwag ng nakalayo na kami ng anak ko kay Ethan. Kanina ko pa siyang napapansin na lagi niyang kinikilatis ang anak ko. Pakiramdam ko ay may mangyayari na hindi ko magugustuhan sa araw na ito. Ilang sandali ay naglalaro na ng football ang mga kapatid kasama nila si Ethan at ang anak ko. Nakatayo ako sa malayo at pinagmamasdan ko silang naglalaro. Ka-team ni Ethan ang anak ko este anak namin na dalawa. Masaya akong nakikita ko ang mag-ama ko na magkasundo maglaro. Pero napalitan ng lungkot ang mata kung nakatingin sa kanila ng pumasok sa isip ko na may pamilya na si Ethan. "Nihan," tawag ni Mommy sa akin. Muntik ng mahulog ang puso ko sa gulat ng tumikhim si Mommy sa aking likod ko kasama niya si Navi. Nilingon ko silang dalawa. Limang taon ngayon lang kami nagsama ng ganito. Niyakap ako ni Navi sa aking likod. Napapangiti ako at napapikit ang dalawang mata ko, sa yakap ng kapatid ko kahit na may kakulitan si Navi ay alam ko na concerned siya sa akin. "Namiss kita ate," malambing na pagkasabi ni Navi sa akin. "Ako rin sobrang miss ko kayong lahat." "Coffee," my Mom said, I smiled at her kinuha ko ang tasa sa tray na hawak ni Mommy. "Thanks Mom," pasasalamat ko. Bumuntong hininga ulit ako. Seryoso akong nakamasid sa labas. Malalim din ang aking iniisip. "Nihan, anak bakit hindi mo pa sabihin ang totoo kay Ethan?" "Ano ang ibig mong sabihin Ma?" "We know everything anak, from last year kinausap kami ng Tita Anne mo. Bakit sinolo mo ang responsibilidad?" tanong ni Mommy. "Alam mo ba ate lahat kami ay nag-alala ng umalis ka ng walang paalam." Saad ni Navi. "I'm sorry, I was young at that time. Hindi ko alam ano ang gagawin ko dahil sa takot ko. Akala ko ay magagalit kayo sa'kin Mom, dahil hindi ko na kayang ingatan ang sarili ko. Natatakot ako kay Daddy kay Ethan. Ilang beses kung sinubukan ang ipagtapat sa inyo pero hindi ko kaya," naiiyak na sabi ko. "Magulang mo kami Nihan. Kahit na nalaman namin ang nangyari sa'yo hindi ka namin kayang basta-basta nalang pabayaan. How many times I told you at ng mga kapatid mo problema ng isa ay problema ng lahat. Iyan lagi ang habilin ko sa inyong magkakapatid." Niyakap ko si Mommy at walang tigil bumuhos ang aking luha. Pinunasan ni Navi ang luha ko sa aking pisngi. Humingi ulit ako ng tawad sa kanila. Mamaya ay kakausapin ko si Daddy alam ko kahit na may anak na ako ay baby pa rin ang turing sa'kin ni Daddy. "Alam mo ate, ngayon lang unti-unting bumabalik sa sigla si Kuya Ethan. Mula ng iniwan mo siya ay wala siyang kinakausap maliban sa litrato mo. Naglalasing siya buong araw at gabi sa condo mo, doon namin nalaman na may relasyon kayong dalawa. Naawa kami kay Kuya noon. Halos hindi namin siyang nakakausap. Naging workaholic din siya." Naninikip ang dibdib ko sa mga sinasabi sa akin ni Navi. I took a deep breath, hindi ko alam kung mapatawad ba ako ni Ethan pero buo na desisyon ko. I'm going to talk to him. Kung hindi man niya ako mapatawad ay ang mahalaga ay masasabi ko sa kanya ang tungkol sa anak namin. "Talk to him anak. Matagal na sana namin gustong sabihin kay Ethan ang lahat ay hinintay ka namin na ikaw mismo ang magsabi sa kanya anak." "Pero Mom, kung sasabihin ko sa kanya may magbabago ba sa kanya? May sarili na siyang pamilya at ayokong makihati. Ayokong makasira ng relasyon lalo na may anak na siya sa ibang babae." Hindi nakasagot si Mommy sa tanong ko. "Mahal ka ni Kuya, ate. Mahal mo rin ba siya?" tumango ako. "E, alis mo ang takot sa sarili mo." "Mommy, nanalo kami ni Tito Ethan," sabi ng anak ko na pawis na pawis ang buong katawan. Lahat kami ay napalingon sa anak ko. Pagkalipas ng ilang oras ay umakyat kami ng anak ko sa taas. Binilisan ko siyang paliguan dahil inaantok na ang kanyang mga mata. Pagkatapos ko siyang paliguan ay bihisan ko siya ng pajama at hinalikan ko siya at pinahiga ko siya sa kama. "Mommy, I like Tito Ethan. Sana siya na lang ang Daddy ko. Both sila ni Baba mabait at magaling sa football." "Closed your eyes honey, bawal ma-late matulog dahil hindi tatangkad ang bata kapag ito ay kulang sa tulog," nakangiting biro ko sa anak ko at hindi ko rin nasagot ang tanong niya sa'kin tungkol kay Ethan. Tiningnan ko ang anak ko hanggang sa mahimbing na natutulog dahil sa pagod ay nakatulog siya agad. Nasasanay na ako sa ganitong routine. I kiss him at lumabas ako saming kwarto. Bumaba ako ng kusina para kumuha ng malamig na tubig. Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako ng may humatak sa kamay ko. Napahawak ako sa matipong dibdib ng humatak sa akin. Halos tumalon ang puso ko ng makita ko kung sino ang taong mahigpit na hinahawakan ang kamay ko. "Ethan," sambit ko sa kanyang pangalan. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ay umuwi na siya kanina, bakit nandito pa siya? Napaawang ang labi ko ng amoy na amoy ko ang kanyang mainit na hininga na tumatama sa mukha at ilong ko. Amoy siyang alak. "Nakainom ba siya?" tanong ng isip ko dahil pumasok sa ilong ko ang amoy alak na hininga niya.Hinila niya ako palabas ng mansion. "Saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa kan'ya. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Mabuti nalang hindi pa ako naka pajama sa suot ko. Hanggang sa binuksan niya ang kanyang sasakyan at pinasok niya ako sa front seat. Siya rin ang naglagay ng seatbelt sa'kin. Umikot siya at siya at pumasok sa driver seat. Malakas niyang sinarado ang pintuan ng sasakyan. Sa pagsara niya ng pintuan ay nakaramdam ako ng takot. Hanggang sa pinaandar niya ang manibela ng kanyang sasakyan at hindi ko rin alam kung saan niya akong dadalhin. Natatakot ako dahil pabilis ng pabilis ang pagpapatakbo niya ng kanyang sasakyan. Pinigilan ko siya pero hindi siya nakinig sa akin. Niliko niya sa bandang kanan ang sasakyan. "Ethan natatakot ako!" sigaw ko. Hindi siya nakinig sa akin. Patuloy pa rin siya pagda-drive. Mabuti na lang ay walang gaanong sasakyan ngayon sa daan. Nang makita niya akong naiiyak sa takot at hinigpitan ko ang paghawak sa seatbelt ko ay tinigil niya ang pagmamaneho. He sighed. Pareho kaming nakaginhawa ng maluwag. Walang nagsasalita sa aming dalawa sa loob ng sasakyan. Bagkas sa kanyang mukha ang galit. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan ay ni-lock niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD