Chapter 33

1982 Words
Chapter 33 ETHAN Pag-uwi ko ng bahay ay si Pamela ang nadatnan ko sa living room na nakaupo. Hindi ko siya pinansin at inakyat ko sa taas ang anak ko na si Paris na nakatulog sa sasakyan ko. Tinawag ko ay yaya ng anak ko na ayusin niya ang higaan ni Paris. Ng ilapag ko ang anak ko sa kanyang higaan ay bumaba ako. "I'm so sorry Babe kung hindi ko kayo nasamahan sa family lunch. Si Papa kasi e, may pinaayos siya sakin sa opisina." "It's fine Pamela, dahil lang naman sa anak natin kung bakit tayo magkasama," I said. Bigla niya akong niyakap sa aking likod. Kinalas ko ang pagkayakap niya sa akin. "Ethan, bakit hindi na lang ako ang mahalin mo? Kaya ko naman ibigay ang lahat ng pangangailangan mo sa babae o higit pa. Please huwag ka ng muling magbulag-bulagan at magpakatanga sa babae na'yun." I shook my head sasagutin ko sana si Pamela ay sabay tumunog ang cellphone namin. Nauna niyang sinagot ang kanyang phone. Tiningnan niya ako ay tinalikuran niya ako at napansin kung tila naiinis siya sa kabilang linya. I'm curious but I have to answer who's calling me. "Hello," sagot ko sa kabilang linya ang mata ko ay kay Pamela na natataranta habang kausap niya ang taong nasa linya. "Dude, we are here at Chris' bar we will wait for you, almost one month hindi rin tayo nagkaroon ng barkada time lagi tayong nakababad sa trabaho." Boses pa lang ni Brian ay alam ko na may katabi naman ito na chix. Nilingon ko ulit si Pamela na tila galit na galit sa kausap sa kabilang linya. I'm sure tungkol naman ito sa kanyang ama at ina or else. "Nana, I'm going outside, sabihin mo nalang kay Pamela umalis na ko si Paris ay nasa sa kanyang kwarto at natutulog na siya." Paliwanag ko at nagpaalam din ako. Ilang minutes ay nasa bar na ako. Pumasok ako sa loob kung hindi mo isigaw ang pangalan ng tao dito sa loob ng bar ni Chris ay hindi magkakarinigan ang tao. Ang ibang babae ay sumasayaw sa dancefloor. Maingay sigawan. "Kumusta," salubong sa akin ni Chris at niyaya niya kung saan sila nakaupo l. Tinawag niya ang bartender na lalaki. Umorder kaagad ako ng mainom. Kanina ko pa tinatawagan ang number ng private investigator ko ay hindi niya ito nasasagot. Dahil hindi pa niya nasabi ang nakuha niyang information tungkol kay Nihan sa loob ng limang taon. "Sh*t!" mura ko until now ay hindi pa rin sinasagot ni Mr. Gomez ang tawag ko ng ilang beses. What happened to him? Hanggang sa nilapitan ako ng babae na halos labad na ang kaluluwa sa suot niyang red dress. Umupo siya sa kandungan ko, sinuway ko siya. Mabilis siyang tumayo at tinulak niya ako, I don't care kung magalit siya sa akin. Kahit maghubad pa siya sa harapan ko ay hindi ko siya papatulan. Umiling-iling si Chris sa ginawa sa babae. Tinabihan ko ni Chris na wala sa mood malayo ang aking iniisip ng makita ni Chris na namumula ang dalawang mata ko ay napabuntong-hininga siya. "Si Nihan na naman ba ang dahilan Ethan. Ilang beses muna ba siyang iniiyakan kalimutan muna siya Dudee dahil may pamilya ka na." Sabi sa akin ni Chris. Kinuha ko ang kopita ng alak parang tubig kung itong ininom. Paano ko bang sasabihin sa kanila na mahirap burahin sa puso ko ang babaeng mula ng bata pa siya siya na ang bumihag sa puso ko. "Chris, it's hard to forget her. Kahit na… hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng makita ko si Brian na naglalasing. "Brian," isang babae ang tumawag sa kan'ya. "What the heck, Brian akala ko ba ay may gusto ka kay Navi tapos ngayon ay may kahalikan kang ibang babae." "Kiss lang ito Dude," he said. "Binasted kasi siya ni Navi, sinabihan siya na gorang. Ewan ko sa inyong dalawa ka abogado n'yo pagdating sa magkapatid na Jones mga lumpo kayo. Kung mafi Lord ang kaharap nyo nalulumpo sa inyo sa korte." Natawa ako sa sinabi sa akin ni Chris. "Darating din dude ang babae na iyakan mo,"I said. "Hihintayin ko rin si Nathalie," tinaasan ko ng kilay si Chris. "Kung ayaw mong malumpo sa akin Chris huwag si Nathalie. Ang unang lulumpo tuhod mo ay si Daddy Nathan," hindi nakaimik si Chris itinaas ang dalawang kamay bilang pag-surrender. Tumunog ang cellphone ko ng makita ko kung sino ang nasa screen ay sinagot ko kaagad ang phone ko. Hopefully na may good news si Mr. Gomez sa akin. "Mr. Santos, where are you now? I'm sorry hindi ko nasagot ang mga tawag mo dahil I have family problem," I nodded even he didn't see me. "Nandito ako ngayon sa bar ni Chris." "Good a few minutes I will be there," he said. Lumabas ako sa bar pinigilan ako ni Chris pero hindi niya ako napigilan. Paglabas ko ng bar tumayo ako sa malapit sa poste para makita agad ng private investigator ko. Just in a five minutes ay dumating na rin ang private investigator ko. Mukhang may maganda siyang balita sa akin. Pinark niya ang kanyang sasakyan hindi pa siya nakalabas ay excited na ako marinig sa kan'ya ang information na nakuha niya. "Good evening Mr. Santos," tumango ako sa kan'ya. Sinabi niya sa akin ang dahilan ng pag-alis ni Nihan. Hindi ako makapaniwala na sa mga information na nakuha ni Mr. Gomez. Ilang beses akong napamura ng malaman ko ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Nihan. Nagsinungaling siya sa akin. I can't control myself dumilim ang mga mata ko. Kaya naman pala familiar ang nakita ko na pendant ng kanyang kwintas na ring diamond earing walang pagkakaiba sa tinago ko na hikaw na isa, dahil ang partner niya ay suot ni Nihan, na napansin ko kaninang tanghali. That means siya ang babae na nakatalik ko 5 years ago. Bakit hindi niya sinabi na ako ang lalaki na'yun. Bakit niya niya nilihim sa akin na may anak ako sa kan'ya. "Sure ka ba Mr. Gomez sa mga nakuha mong information?" "Yes, Sir at may hawak ako na CCTV ng elevator room ng hotel kung saan pinasok ng tauhan ni Mr. Carlos si Nihan the same sa room na pinasukan din sa'yo." Kumunot ang noo ko. "Thank you, Mr. Gomez." "Ginawa ko lang ang trabaho ko Mr. Santos. Kakausapin ko pa ang tao na nagdala kay Mss. Jones sa room mo," I nodded to him at nagpasalamat ulit. Hanggang kailan ba akong lolokohin ni Nihan? Kahit anak ko ay inilayo niya sa akin. Lahat sila ay alam na ako ang ama ng bata. I hate them all. Why do they lie to me, what are the reasons para hindi ko makilala ang anak ko? That's why, magaan ang loob ko sa bata. Don't dare me Nihan, tama na winasak mo ang puso ko pero pagdating sa anak ko ay hindi ko hahayaan na hindi niya ako makilala na ako ang totoong ama. "Mr. Santos what else?" seryoso na tanong ko. "Mr. Vargas isa sa mga tumulong kay Nihan." "Is there anything between the two of them?" I asked him. "I'm not sure sir," I nodded to him. Ginawa ko ay binalikan ko si Nihan sa mansion. Binantayan ko kung wala ng tao sa loob ng mansyon. Nang makita ko si Nihan na bumaba mula sa taas at tinungo niya ang kusina. Nagtago ako hinintay ko siyang papalapit sa pinto at mabilis kung hinatak ang kanyang kamay hindi ko siya pinagawa ng kahit anong ingay. Hanggang sa nilayo ko siya. I can't wait till tomorrow ko pa siya na hihintayin magpaliwanag. I'm drunk but I don't care, I looked at her, I saw that she was afraid of me driving fast. Hininto ko ang sasakyan kahit anong galit ko sa kan'ya bakit hindi ko magawa sa kan'ya. Siya pa rin ang babaeng laman ng puso ko. "Please, Ethan buksan mo ang pinto I can't breathe." She pleaded to me. Tiningnan ko lang siya hindi ako nakikinig sa mga ibang pinagsasabi niya sa akin. My eyes on her. Gusto ko muling haplusin ang kanyang malambot na pisngi. Pero galit ang nangingibabaw sa akin. Hindi ko matanggap ang ginawa niya sa akin. "Umuwi na tayo Ethan, baka magising ang anak ko." Hinampas ko ang steering wheel ng sasakyan ko. "Anak ko rin Nihan!" sigaw ko. Nagulat siya sa sinabi ko. I saw her two hands shaking. Muli kung pinaandar ang sasakyan hindi kami nag-uusap while I'm driving. What's shes doing? Mas pinili niya sa akin ang Dexter na bastard na iyon para ipaako na siya ang ama ng anak ko, then iniwan din niya. Kumuyum ang kamao ko na isa. Habang nagmamaneho ako ay ilang sandali na katahimikan ang nanaig saming dalawa sa loob ng sasakyan. Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya na unti-unti tumutulo ang kanyang luha. "Stop crying," utos ko sa kan'ya na walang tigil sa kakaiyak. "Stop the car!" sigaw niya sa akin. Hindi ako nakinig at pinagpatuloy ko ang pagmamaneho hanggang sa hininto ko ang sasakyan sa harapan ng dati naming apartment. "We have to talk,Nihan, follow me!" ma-awtoridad na sabi ko pinalabas ko siya sa sasakyan at mahigpit ko na hinawakan ang kanyang kamay papasok sa loob ng apartment. Wala akong pakialam sa mga tao na nakakasalubong naming dalawa papasok sa building. Pagbukas ng elevator ay pumasok kami agad ni Nihan, ng nasa loob kami ng elevator hindi pa rin siya tumitingin sa akin. "Ano ba Nihan, stop crying." Kahit kailan matigas pa rin ang kanyang ulo. In a while ay bumukas ang elevator. Hinatak ko ang isa niya na kamay papunta sa sarili niyang condo. Napaatras siya ang mata niya sa akin. Binuksan ko ang pinto at pinapasok ko siya sa loob. "Ethan," tawag niya sa pangalan ko. "Now, Nihan ipaliwanag mo ang lahat sa akin kung ayaw mong malayo sa anak ko. Kayang-kaya kung gawin ang ginawa mo sa akin." "I'm sorry," she said "Nihan! Hindi ang sorry na iyan ang gusto kung marinig mula sayo!" sigaw ko. "Dahil na takot ako Ethan, dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. I don't have a choice na lumayo. Patawarin mo ako alam ko na mahirap patawarin ang maling nagawa ko sayo." Tinitigan ko siya na hindi pa rin siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. "F*ck! Lahat kayo inilihim nyo sa akin ang totoo na may anak ako sa'yo. Kailan nyong balak itago sa akin ang anak ko Nihan. Alam mo kung gaano ako nababaliw sa'yo Nihan. I'm totally mad about you. Kung alam mo lang paano mo winasak ang puso ko ng iwan mo ako. Nakaya kung tanggapin lahat na mga masasakit na salita ang lumabas sa bibig mo dahil mahal na mahal kita. Akala ko ay magbabago ang isip mo na babawiin mo ang pinagsasabi mo sa akin. Akala ko isang malagim na panaginip na iniwan mo ako. Para mo akong pinatay na buhay na hindi na kita nadatnan dito sa condo mo. But don't ever dare keep my son away from me. Kukunin ko siya sa'yo," umiling-iling siya sa sinabi ko. "No, no, no Ethan. Let me explain bago mong gawin ang nasa isip mo. Huwag mong ilayo sa akin ang anak ko" "Anak na'tin Nihan!" sigaw ko. "Oo anak natin, pwede ba makinig ka muna sa akin," nanginginig ang kanyang boses na harapin niya ako. "Bago ko lang nalaman na ikaw ang naka-one night stand ko. Nang malaman ko na ikaw ang ama ay naglakas loob ako na sasabihin sa'yo ang totoo. Pero naging mahina ako ulit ng makita ko at nalaman ko na may anak sa bestfriend ko na si Pamela. Ayokong sirain kung ano man ang meron sa inyong dalawa dahil iniisip ko na may pamilya ka na. Tawagin muna akong selfish or whatever. Now that you know the truth, what will change between us, nothing, nothing!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD