Hindi ko pa rin makalimutan ang kuwentong ito tungkol sa nakakatakot na high school compound sa baryo namin. Grade 4 pa lamang ako noon ng marinig ko ang kuwentong ito mula mismo sa SK chairman namin. Ito ay kuwentong nagpabago sa pananaw ng mga tao sa aming baryo. Kuwentong nagpatunay na nakakatakot talaga ang high school compound sa amin. Magkahiwalay ang building namin sa high school. Nasa sentro ng baryo ang sa elementarya samantalang nakadikit naman sa bungad ng makapal na gubat ang high school. Masukal na kagubatan ang nasa likod ng high school compound sa baryo namin. Literal na nasa bungad ito ng malawak na gubat. Gubat na pumupuno sa kabuuan ng bundok Mariit. Bantog ang bundok na ito bilang misteryoso. Mayroong mga pumapasok sa nasabing bundok subalit hindi na nakakalabas. Sa

