Nangyari ang kuwentong ito noong taong 2015 sa isang condominium sa Ortigas. Ito na siguro ang pinakanakakatakot na karanasan ko sa buong buhay ko. Hindi mataas ang building ng condo dahil anim na palapag lamang ang bawat building nito. May code lang na letra ang bawat building para hindi malito ang mga nakatira rito. Halos sampung building lang din ang bumubuo sa nasabing condo. Tinutulungan ako ni mama sa pagrenta ng unit sa condong iyon. Kahit pa kaya ko namang tustusan ang aking sarili, gusto pa rin ni mama na tumulong sa akin. Ito rin ang pumili ng condo at ito nga ang kanyang nagustuhan dahil may seguridad ang lugar. Ibig sabihin malayo sa mga gulo lalo na sa mga tambay sa mga eskinita. Malayo rin ito sa baha at higit sa lahat malapit sa trabahong pinapasukan ko noong mga panahong

