Maisie Joy POV
NAALIMPUNGATAN ako nang may may marinig akong sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. “Tomboy, gumising ka na diyan! Kailangan mong ipagluto ang master mo!” si Aldrich iyon, kilalang-kilala ko na ang boses—ang boses ng walang–modong pinsan kong iyon.
Bumangon ako sa higaan. Sabog ang buhok at may laway pa akong naramdaman sa gilid ng labi ko. Fak! Napaganda nga yata ang tulog ko kagabi. Napagod kasi ako sa paggawa ng sketch ko para sa project na ipapasa ko next week kaya late na akong natulog at ito nga, late na rin akong nagising.
“Anong ginagawa mo dito, tukmol?” tanong ko kay Aldrich pagbukas ko pa lang ng pintuan.
Wala akong pakialam kung makita man niya ang sabog kong buhok. Sanay na naman siya at sanay na rin ako sa pagiging tukmol niya.
“Yak! Ang pangit mo talagang tomboy ka! Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin, para kang aswang na lilipad!”
Inikotan ko siya ng mga mata. “Iyan ba ang pinunta mo dito? Ang laitin ako?”
Tinulak ko siya. Naglakad ako palabas, pababa. Wala si Tatay, siguro nasa trabaho o kaya naman ay nasa kapatid nito.
“Ipagluto mo ako ng breakfast, wala pa akong kain.”
Tinaasan ko ng kilay si Aldrich. Tang/na! Pumunta lang ba siya dito para utusan akong ipagluto s'ya ng agahan? At bakit ako ang inuutusan nito? E, may mga helpers naman sila sa bahay nila.
Kumuha ako ng baso, nilagyan ko ito ng tubig mula sa dispenser at uminom. Matapos ay binalingan ko si Aldrich.
“Hindi ka pa kumakain?”
Umiling siya.
“Anong gusto mong kainin?” tanong ko.
Nagningning ang mga mata nito at tumingala na parang nag-iisip. “Gusto ko ng bacon, fried rice, sunny-side up egg, pancake.” Sabi nito. “And oh, sa drinks naman gusto ko ng apple juice,” dagdag pa nito.
Tinaasan ko siya ng kilay.
“Okay,” sabi ko. Hinugasan ko ang basong ginamit ko, matapos ay binalingan ko ulit si Aldrich. “May gusto ka pa bang iba?”
“Coffee, din pala. Dapat masarap ah, ayoko ng mapait.”
Tumango ako. Naglakad ako palabas ng kusina; naramdaman ko pang sumunod siya sa akin.
“Teka, saan ka pupunta?”
Binalingan ko siya ng nakakunot ang noo. “Sa kwarto ko?”
“I thought you’re gonna—”
“Ah, ‘yon ba? Bakit naman kita ipagluluto? Bakit, prinsipe ka ba? Tsaka ikaw ang may gustong kumain kaya ikaw ang magluto!” Irap ko. Iniwan ko siyang nakaawang ang bibig.
Sanay akong ipagluto siya, pero hindi ngayon dahil pagod ako. Madalas nga ay nasa bahay nila ako para ipagluto siya, pero ngayon talaga ay tinatamad ako.
Di naman iyon magagalit. Pareho na kaming sanay sa isa’t isa - sa mga kalokohan naming dalawa, kaya panigurado na ‘di nito didibdibin ang mga sinabi ko. Isa pa, siya ang may gustong kumain kaya bahala siyang magluto ng gusto niya ngayon. Nagyon lang din naman ako tumanggi, kaya manigas itits niya!
Dala ang towel, panty, shirt na malaki, at short, pumasok ako sa banyo. Mabilis lang akong naligo. Paglabas ko, nakita ko si Aldrich.
“Hoy, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?”
Lumingon siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak niya ang sketch na ginawa ko kagabi.
“Ibaba mo iyan, Aldrich, kundi tatanggalin ko ang dalawang itlog mo!”
Tinaasan lang ako ng kilay nito. “Ikaw nag-sketch nito?”
“Sino pa ba? May iba ka pa bang kilala na marunong mag-sketch aside from me?” mataray kong sagot.
Nginitian niya ako. “I like it. Maganda ang pagkaka-sketch mo. Who's your inspiration with this?”
Lumapit ako habang tinutuyo ng towel ang buhok ko. “Si Tatay,” sagot ko at kinuha ang sketch sa kamay niya. “Kapag nakapagtapos ako, gusto kong bigyan ng regalo si Tatay at ganitong bahay ang naisip ko,” nakangiti kong sabi habang nakatitig sa sketch ko.
Matagal nang pangarap ni Tatay ang bahay na ganito, iyong malapit sa dagat. At kapag nakapagtapos ako at nakapasa sa board exams, ganitong bahay na nasa sketch ko ang ireregalo ko sa tatay ko.
“Ayos ‘yan. I’m sure Tito will be proud of you.”
Napangiti ako. Ganito lang itong si Aldrich, minsan baliw, madalas walang modo, pero proud ‘yan sa akin kahit madalas kaming nagbabangayan.
“Bakit nandito ka pa?”
“Hindi pa ba sinabi ni Tito sa ‘yo?”
“Ang alin?”
“Mom invited you and Tito tonight sa bahay. Doon daw kayo magdi-dinner.”
“Ganun? Sige, sasabihin ko na lang kay Tatay pag nakita ko.”
“Sumama ka ha.”
“Si Tatay na lang siguro. Gusto kong matulog at manatili dito; may gagawin kasi ako.”
“Hindi pwede, dapat sumama ka. Alam mo kung bakit?”
“Bakit?”
“Dahil pupunta sa bahay sila Kuya Andrew at si Ate Maya. Tapos uuwi si Kuya Lorcan at ang girlfriend niya.”
Bigla akong natigilan; para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi agad ako nakapagsalita.
Napahawak ako sa dibdib ko. 'Sh/t! Bakit nagkakaganito ang puso ko? Bakit ganito kabilis ang t***k nito?'
F@ksh/t!
##########
Lorcan💗Joy
A/N: New story 😁 Sana magustuhan niyo po itong story ni LORCAN and JOY 😊 Thank you and God bless everyone 🙏💖
Xoxo ☺️❤️