Two

1379 Words
Maisie Joy POV “HOY! Okay ka lang ba, tomboy?” Inirapan ko si Aldrich. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko nang banggitin nito ang pangalan ni Kuya Lorcan. Naiinis ako sa taong iyon. Naiinis ako sa pangit na lalaking ‘yon! Akalain mo ba naman, sampong taon, sampong taon na walang paramdam ang bwesit na iyon, tapos ngayon mababalitaan kong uuwi siya?! Pero sabagay, wala naman akong pakialam dun. Ayoko din naman sa kanya—este na nakikita s'ya. Ang pangit kaya ng ugali nun. Masungit, arogante, at napaka-bully niya! Hindi ko nga alam kung paano ko siya naging pinsan. Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Kuya Andrew lang ang matino. Grade 5 ang lalaking iyon nang umalis dito sa Pilipinas. Pumunta siyang States dahil kinuha siya ng lola niya para doon pag-aralin. Buti na lang 'di ko naabutan ang K-12, dahil panigurado na mas malala ang gagastusin. Hindi pa naman si Tatay ang nagpapaaral sa akin; sila Tita Marivic ang nagpapaaral sa akin, ang kapatid ni Tatay na may kaya sa buhay. Architecture ang kinuha ko. Bata pa lang ako ay talagang ‘yon na ang gusto ko. Gusto ko kasi na mabigyan ng magandang buhay at bahay sina Tatay at Nanay kapag nakapagtapos ako. Pero nakakalungkot lang dahil maagang binawian ng buhay ang Nanay ko. Namatay siya sa sakit na asthma. At nasa Grade 3 pa lang ako nang mangyari iyon. “Gwapo na ba ang arogante na lalaking ‘yun?” tanong ko kay Aldrich habang pababa kami. Payat kasi talaga ang lalaking ‘yun. Para siyang skeleton na hanginan lang konti, matutumba na. “Malamang! Pero syempre, hindi niya malalamangan ang kagwapuhan ko.” “Ikaw? Di malalamangan? Saan banda ang kagwapuhan mo? Sa talampakan mo? Sa dulo ng buhok?” Irap na pang-aasar ko. “Ang sama mo talagang tomboy ka!” “Totoo naman ah, puro hangin lang ang meron sa katawan mo. At ‘yung kaguwapuhan na sinasabi mo, natangay na, matagal na!” "Ikaw talagang tomboy ka! Sarap mong ipakain sa mga pating! Wala ka man lang karespe-respeto sa master mo!" Iningosan ko siya. "Master mo mukha mo! Eh kung ikaw kaya ang ipakain ko sa mga pating at ng mabawasan naman dito sa mundo ang katulad mong mahahangin!" Sinamaan ako nito ng tingin. Umupo ako sa kawayan naming upuan. Ganun din si Aldrich. Tumingin siya sa akin ng may pilyong ngiti. "Ano na naman?" "Naisip ko lang, dapat mag-ayos ka kapag pumunta kayo ni Tito sa bahay para naman magmukha kang tao." Sinamaan ko siya ng tingin. "E kung ingudngod kaya kita sa putikan? Gusto mo?” Tinawanan lang ako ng gago. "Pag hindi ka pumunta, sasabihin ko kay Mama na wag kang bigyan ng allowance next week." Inirapan ko siya. "Kahit kontsabahin mo pa si Tita, di pa rin ako pupunta. Si Tatay lang papupuntahin ko." "Sumama ka na. Uuwi naman sila Ate Maya. Magpa-make over ka sa kanya para naman di ka nasasabihan ng tomboy. Magsuot ka na din ng dress para maiba naman at magmukha kang totoong babae.” "Ayoko pa din. Ang kati kaya sa mukha ng mga make-up na yan! At dress? Pagsusuutin mo ako ng dress? Nanggagago ka ba? Ayoko nga!" "Gawin mo na lang. Isa pa, maganda ka naman, mukha ka lang talagang aswang na lilipad." Tumayo siya at lumipat sa tabi ko. "Tingnan mo 'to," tukoy niya sa buhok ko. "Ganda sana ng buhok mo kung sinusuklayan mo lang." Tinampal ko ang kamay niya. "Alam mo, ikaw, pakialamero ka talaga! Lumayas ka na nga dito!" Tumayo ako at kinaladkad siya palabas ng bahay. “Umalis ka na! Nakaka-embyerna ‘yang pagmumukha mo!” Tinawanan niya ako. “Pupunta ka ha! Dahil kung hindi, sasabihin ko kay Mama na huwag kang bigyan ng allowance at huwag bayaran ang finals mo!” Sinamaan ko siya ng tingin. “Che! Layas na!” At iniwan ko siya. Rinig na rinig ko pa ang tawa ng gago! ○●○●○ HINIPAN ko ang buhok ko na naglandas sa pisngi ko. Ate Maya naman e, ayoko nito, ” ungot ko kay ate Maya na tuwang-tuwa na nakatitig lang sa akin. Nandito na ako ngayon sa bahay nila Aldrich. Wala na akong nagawa nang sila ate Maya at kuya Andrew na mismo ang sumundo sa akin. Mas Nauna kasi silang dumating kesa kina Kuya Lorcan. Sa bagay hindi naman sila pareho ng pinanggalingan kaya siguro hindi rin talaga sila magkasabay na dumating. Malapit lang din naman sila. Na explain din sa akin na kaya sila umuwi ay para sa welcome party para kay Kuya Lorcan at para na rin sa kasal nila ni Kuya Andrew. “Ayoko nito ate sobrang sikip at 'di ako makahinga! At itong mukha ko? Ate naman e, parang pwet ng manok itong labi ko, sa sobrang kapulahan,” reklamo ko. Pumalakpak lang sya at tinawag si Aldrich. "Lakas ng boses mo 'teh! Kung makasigaw ka, akala mo naman may mamatay sa— f**k," natigil ang gago nang mapatingin sa akin. Pati panga niya nahulog sa sahig at pinulot ng duwende sabay takbo. I adjusted the f*****g dress ate Maya forced me to wear. Oo! Bestida! Tragis lang. ‘Yung feeling na nakapanlalaki na-short at maluwag na black shirt ang suot ko nang pumunta rito sa bahay nila tapos pagdating ko dito pagbibihisin lang din pala ako! Kakainis! Lintek! Kailanman ay 'di ko naisip na mag-susuot muli ako ng lintek na bestida! Tapos may make-up pa. Kung 'di ko lang mahal itong si Ate Maya, baka kanina ko pa siya ginilitan ng pilik mata! Inisip ko na lang na maraming pagkaing maihahanda. 'Yun lang ang pinunta ko rito. Pero pucha, ginawa akong personal manika ni Ate Maya! "Gago umayos ka," ismid ko kay Aldrich. Mas lalo akong nainis nung humagalpak siya ng tawa. Napahawak pa siya sa sariling tiyan dahil sa lakas ng tawa niya. He was pointing a finger at me. "She's so beautiful! Right, Aldrich ! Oh my gosh! I'm so proud of my masterpiece! I never knew na sobrang sexy mo pala! You were hiding those curves with your baggy shirts and short!" Hindi makapaniwalang sabi ni Ate. Tinaasan ko ng kilay si Aldrich nang tumigil siya sa pagtawa. " Dalaga ka na, Tomboy! Ang ganda-ganda mo na," sabi niya at ngumisi. "Kung ganyan lagi ang magiging suot mo, sigurado na maraming magkakandarapa sayo,” dugtong niya. Itinaas ko ang gitnang daliri ko para kay Aldrich. "Neknek mo!" Ngisi ko. Iritado ko muling inayos ang suot kong hapit na hapit sa katawan ko. Pati dibdib ko, halatado na rin ang umbok, pati puwet ko! Fakshet! Pambihira! Pakiramdam ko nawalan ako ng dangal dito sa suot ko! Nasa garden kaming lahat, inaantay ang pagdating ng bweset na lalaking ‘yon na sobrang importante. Mas importante pa kaysa sa kagutuman ko! Tragis! Ang tagal! "Tomboy, umayos ka!" Singhal sa akin ni Aldrich nang pasimple akong magnakaw ng pagkain sa sa table. "Ipagdadamot pa! Mansanas lang naman!" Irap ko sa kanya at napangiwi nang akbayan niya ang babae niya ngayong gabi. He just raised his middle finger at me. Ngunit nawala sa kanya ang atensyon ko nang biglang umingay. Agad akong napatingin sa entrada ng hardin at napakurap nang makita ang isang napakaguwapong nilalang na nakakunot noo. He's wearing a dark blue polo with matching black jeans. The body of that man walking closer is nothing compared to his thin body before. It's a man's body that girls would swoon and die for. But what caught my attention is the dark look on his face. Parang galit sa mundo na ewan." malaking sausage," mahinang mura ko nang mapansin ang paglinga ng tingin niya hanggang sa tumigil sa direksyon ko. 'Ba't pinsan ko 'to?! Tangina, sayang naman! Pwede pa sana akong maging babae kung siya manliligaw! Ngunit pinsan ko? Shet, isang malaking pagkakamali!' Binigyan ko siya ng isang malaking ngiti. Mas malaki pa kaysa sa utak ni Aldrich! Ngunit humalakhak ako sa isip ko nang mag-iwas siya ng tingin. He even gulped sexily! Umiling ako. 'Tomboy ka, Maisie Joy Bautista! Binully ka niyan nung bata ka pa. At tandaan mo, pinsan mo 'yan tangina ka!’ I reminded myself before turning my back, walking away. ########## Lorcan💗Joy Xoxo ☺️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD