Maisie Joy POV PAGKATAPOS naming kumain, malaya naming ginawa ang mga gusto naming gawin. Nanood kami ng palabas. Tapos tinalo ko pa si Aldrich sa ML. "BOBO ka kasi! Pabuhat kang taragis ka!" Giit ko at parang batang inis na ginulo ang buhok dahil hindi niya maabot ang rank ko. "Babe, ihahatid mo ba ako?" Si Henna. "You came here with your driver, can't he take you home?" Sinusumpong na naman ng kasungitan ang abnoy! "Pinauwi ko na, medyo kasi masama ang pakiramdam niya. Alangan paghintayin ko siya sa labas at pagmanehuin? So, can you take me home, Babe? Please?" Matamis ang boses na sabi ni Henna kay Lorcan. Napabaling ako sa Kras ko nang magsalita siya. Inis ko pang tiningnan ang braso ni abnoy na naka-akbay sa kanya at hinahagod ang balikat ng magandang kras ko. Siniko ko si A

