Maisie Joy POV MABILIS kong itinulak palayo si Lorcan matapos niyang kagatin ang pang-ibabang labi ko na parang bampira. “GAGO KA BA, HA?!” Malalaki ang mga mata ko na tiningnan sya. Napahawak pa ako sa dibdib ko na dumikit kanina sa kanya. "Walang hiya kang gago ka! Pati labi ko pinagdiskitahan mo!" Galit ko siyang sinuntok sa mismong mukha niya. Hindi pa ako nakuntento at sinabunutan ang buhok niya. "Joy, f**k stop!" Sigaw niya at minasahe ang ulo niya nang pakawalan ko siya. "Anong stop ka dyan? Matapos mong kagatin ang labi ko, may pa-stop-stop ka pang nalalaman?!” Gigil ko siyang hinampas. Ibang klaseng pakiramdam ang dumadaloy sa dugo ko ngayon na hindi ko maintindihan habang ramdam pa rin sa labi ko ang tatak ng paghalik ng abnoy kong pinsan! "Bro, ‘di tayo talo! Fak! P

