Umuwi muna kami ulit sa mansion ni Selene.Nagpahinga lang ako ng kaunti at umalis.Nagpaalam lang ako na may bibilhin. Pinuntahan ko si Savannah sa ibinigay niyang address. "Savannah,"ani ko.Kay Selene din na kotse ang dala-dala ko. "Halika,"ani niya na pumasok kami sa isang basement. Nakita ko na nakatali si Grace sa upuan.May mga tauhan din si Savannah. "Sino siya?"tanong ko kay Savannah. "Siya si Mariel Fernando, ex girlfriend ni kuya Damon," Nanlalaki ang mga mata ko. "What!"gulat na saad ko."Paanong nangyari?" "Magkaibigan sila, of course! Nakaplano na ang lahat.Alam ni Grace na magkaibigan sila Gaia at kuya Damon, para makalapit si Grace, si kuya Damon ang ginamit niya," Napahawak naman ako sa aking ulo. "Ako na ang bahala dito, Jenny," Tumingin ako kay Savannah. "Huwag m

