"Congrats,"nakangiting bati ko sa aking kapatid. "Ikaw na ang sunod,"natatawang saad ni Gain sa akin. "Next year, baka masukob tayo,"natatawang sagot ko. "Aalis na ako, may importanteng asikasuhin lang ako,"ani ko kay Gaia. "Nagpaalam kana kay Daddy?"tanong niya. "Yeah,"ani ko at tumalikod na. Lumapit muna ako sa lamesa nila Roice, kung saan nandoon lahat ang mga kaibigan nito. Natatawa ako sa reaction ng mukha nila nang palapit na ako. "Ang malas mo Roice na naging bayaw mo ako,"nakangising saad ko sa kan'ya. Masama naman ako tiningnan ni Roice.Bigla na lang naging abala ang mga ito sa pagkain. Napataas naman ang kilay ko. "Bumili na kase kayo ng gayuma ko, nang hindi naman kayo mga mukhang Andress,"nakangising saad ko sa kanila. "Bakit hindi mo subukan kay Garret,"mahinang s

