Episode 7 : Pag asa

2677 Words
 Mattheo's POv       "Okey ka lang ba dito Nat?" Tawag ko sa kanya habang nakaupo ito sa bench. Nakatingin ito sa mga tanim na nakapalibot sa may hardin. Kararating lang namin pero kailangan ko munang pumunta ng opisina.Tumingin ito sa akin at tumayo..Tinungo niya ang kinaroroonan ko.   "No probs kuya..i'll be fine.." " Hindi naman ako magtatagal may mga papeles lang akong dapat na pirmahan at babalik ako kaagad"   "Sige na kuya..baka mahuli ka pa..ako na ang bahala dito" Pumasok na ako sa kwarto para makapagbihis..Nagpaiwan pa muna si Nat sa may hardin. Umalis na ako kaagad pagkatapos kong magbihis. Nadaanan ko pang naandun pa din si Natalia sa may hardin..Halos iniisa isa niyang tingnan ang mga tanim na naandun.    "Alis na ako..Huwag kang magpapasok kahit kanino,okey?" Ngumiti lang ito at kumaway.          Hindi naman ako nahirapan sa pagsakay ng jeep kaya nakaabot agad ako sa opisina. Five story building ito. Pero nasa unang palapag ang magiging opisina ko... Nasa ikalawang palapag naman ang opisina ng boss ko..Sa ikatlong palapag naman ay isang restobar.. Halos lahat na pumupunta doon ay mga empleyado ng buong building na iisa lang ang may ari.. Isang Business Tycoon si Mr Guzman. Marami itong negosyo sa buong mundo...At may mga lihim na mga illegal business din ito..Maraming hawak na matataas na opisyal sa loob at labas ng Pilipinas...Lalo akong napahanga sa kanya dahil sa mga achievements niya at dahil sa hawak niyang kapangyarihan.. Kailangan kong kumapit sa kanya at magpa impress..Kailangan ko ang tulad niya sa mga plano ko.       Dumiretso ako sa ikalawang palapag kung saan nandoon si Mr Guzman...Pagkabukas ng elevator ay may nakita akong mga nakasuot ng itim na mga lalaki.Paniguradong mga bodyguards ito ni boss..Tinungo ko ang pintuan ng kanyang opisina at pinagbuksan naman ako ng nagbabantay.. May lakad seguro ito dahil may kasamang mga bodyguards..    Pumasok ako sa loob ng malaking pintuan. May mga tao sa loob..Hindi lang si Mr. Guzman ang nandoon.       "  Come in Mr Rodriguez.."  Bungad ni Mr Guzman       " This is Mattheo Rodriguez,"..pakilala ni boss sa akin sa mga kasama niya..Hindi ko pa sila nakikita dirto sa opisina noon..Ngayon pa lang..     Yumukod lang ako sa kanila at ngumiti bilang paggalang.   "  Fred Sandoval and Marco Baumann my business associates..kararating lang nila from europe." Lumapit ako sa kanila at nilahad ang kamay ko isa isa. Kaya pala hindi ko sila nakikita dito..Mga business partners daw ni Mr Guzman sa iba nilang branch nila sa Europe..     Tumayo si boss at nilapitan ang isa pang lalaki na kasama nila..na kanina pa nakatingin lang sa akin..Ilang taon lang ang tanda sa akin..Matangkad at may magandang pangangatawan. Nakasuot ito ng blacksuit and white inner shirt...   " By the way this is Lucas Monteclaro..My nephew!"  Tinapik tapik pa nito ang balikat ng sinabi niyang pamangkin." Kinamayan ko siya at ngumiti.    " Mr Rodriguez have a sit.." Si boss      Umupo ako sa silya katapat ng upuan ni Lucas..Magkaharap naman si Mr Sandoval at Mr Baumann.        May iniabot si boss na mga folders sa akin. Nagtaka man ako ay inabot ko iyon at hinawakan.           " Im.going to Germany for a business trip and for personal matter Mr Rodriguez..And it takes maybe a month or two.." Saad ni boss.            " We decided that in my behalf you will take charge of the company for awhile....Mr Sandoval is out of town for a few months to personally watch the new construction of our new branch there and Mr Baumann is going back in Russia to have a quality time with his family.." Tumayo naman si boss at may kinuha sa loob ng drawer ng mesa niya at iniabot sa akin..       "Its a key of the office Mr Rodriguez....and everything you need to know is in that black folders!.."       " But Sir..."    " I dont accept no for an answer mr Rodriguez.. Its an opportunity..grab it!..and by the way you deserve it..and i trusted you.." Pagsisigurado ni Boss sa akin..         Tumayo naman sina Mr Baumann, mr Sandoval at Lucas. Kinamayan nila ako at ngumiti sila sa akin..Si Lucas ay tinapik pa ako sa  balikat..    "  You deserve it bro"    " Salamat Sir sa tiwala!"   "No..dont call me sir..ilang taon lang naman ang tanda ko sayo..Lucas..call me.Lucas.."   Lumapit si boss sa amin ni Lucas  at nakapagpaalam na sina mr Sandoval  at Mr. Baumann...Nakalabas na sila ng opisina.     "Lucas will stay here for awhile.. Meron siyang mga business na aasikasuhin dito..At habang wala ako you can ask Him for help or call me...and by the way.." Tatalikod na sana ng may maalala.   "  I need you to attend a bidding for a new client..Malaking client ito at kailangan natin itong makuha...Magpapagawa sila ng isang school..a branch here in Manila. At gusto ko ikaw ang gumawa at magpresent..Im.counting on you...its worth billion mr Rodriguez."    Kinabahan ako sa sinabi ni boss.Tiningnan ko din ang reaksyon ni Lucas at pawang kampante naman ito hindi mo makikitaan ng llagtutol o pagtataka..   "Dont worry bro kaya mo yan.. Sobrang believe nga ako sa mga designs mo..Makukuha.mo.yan panigurado."            " Lucas is right Mattheo..and by the way the bidding will be in three weeks from now..Ask my secretary! She has everything you need to know and goodluck"..   Natapos ang usApan namin at lumabas na ako kaagad... Nagpaiwan si Lucas.sa.loob!.. Pumasok.na ako.sa.aking opisina..na nasa first floor.. Rinig na rinig ko.kanina nang papasok ako ng elevator ang pagbulong bulongan ng mga kaopisina ko..Kesyo.nagpapapapel lng daw ako..ke bago- bago ako pa ang napiling oic sac kumpanya....I dont Mind them..Mas kilala ko ang sarili ko at tama si boss at Lucas i deserve it kasi pinaghirapan ko naman lahat ang ginagawa ko..Palagi akong nag oovertime para lang ma meet ko ang mga dealines na hindi nila matapos tapos. And im proud sa narating kO.          After lunch ay umalis ako ng opisina para tingnan ang mga construction site.. Personal akong nag iinspeksyon para makita ko kung tama at sinusunod nila ang plano..Ayoko namang masira sa mga client ko at designs ko ang pinili nila..At sobrang strikto ako pagdating sa mga material..importante na matibay at safe ang paggawa.  Tatlong conatruction site ang napuntahan ko...gamit ang kotse ng kumpanya kaya hindi naman ako nahirapan at natagalan..Binigay kanina ni Boss ang susi kotse kasabay ng susi ng opisina at may duplicate naman daw siya. Didiretso muna ako sa opisina para mag logout saka dadaanan mun ako ng grocery at palengke bago umuwi..Baja naiinil na si Natalia sa inuukupa naminh bahay..  Past 5pm na ako nakarating sa bahay.. Nagtaka ako habang papalapit sa gate kasi nakaawang ito at hindi naka lock.. Tinungo ko kaagad ang pinto. Iniwan ko na muna ang pinamili ko sa.sasakyan dahil kinabahan ako..Kumatok.ako sa pinto.. Nakal lock naman ito. Kaya nilakasan ko ang katok at tinawag ang oangalan ni Natalia..       " Natalia...!' Sigaw ko sabay katok ng malaks at pabilis dahil walang sumasagot sa loon.. Naalala ko na my sarili pala akong susi ng bahay..Nabuksan ko ang pinto at tinawag uli si Natalia..Papalapit na ako ng kwarto niya nkaawang ito bahagya kaya narinig ko ang tunog ng agos ng tubig sa loob ng banyo.. Seguro ay naliligo si Natalia kaya hindi narinig ang tawag ko.. Pero tinawag ko pa.din sya.     "  Natalia ,, bunso andyan ka ba sa loob"..pasigaw kong tanong... Narinig kong tumigil ang lagaslas ng tubjg sa banyo.. Biglang may nagsalita..   " Ikaw na ba yan Kuya?.. Sandali naliligo pa kasi ako".. Sigaw nito sa loob ng banyo.   "Oo ako nga..sige maligo ka muna dyan aayusin ko muna ang mga pinamili ko.. Lumabad ako uli para e park ang kotse sa loob ng gate..may bakante sa kaliwang bahagi ng hardin na walang tanim at kasya naman doon ang sasakyan..At saka ko kunuha ang mga pinamjli ko sa loob at likurang bahagi ng sasakyan..     Pagkapasok ko sa pinto ay iniluwa naman ng pinto sa kanyang kwarto si Natalia..Parang namumutla ito..   " Nat okey ka lang? Bat parang ang putla mo?   " okey lang ako Kuya..Kulang lang sa tulog seguro.."   " heto may mga pinamili ako.. May mga prutas ako dyan na nabili kainin mo at uminom ka din ng vitamins namumutla ka na..'   "  okey kuya..baka gnun lang yun kuya hindi na kasi nakakalabas ng bahay nong nakaraan..'   Malaki ang ibinagsak ng katawan ni  Nat.. Seguro dahil sa trauma na naranasan niya.... But now na okey na sya at magsisimula ng bagong buhay ay segurado naman ako na babalik na ang dating sigla sa mukha at katawan nito...  Habang inaayos namin ni Nat ang pinamili ko ay biglang tumunog ang phone ko.. Si Cain ang tumayawag..    "  Hello Kuys kamusta na kayo dyan? Si Nat? Kasama mo ba?" Sunod sunod na mga tanong ni Cain.. Haloa araw araw din itong tumatawag para kamustahin kami at lalo na si Natalia. Mahal na mahal namin ang bunso namin.. At hindi ako makakapayag na hindi ko makuha ang nararapat na hustisya para sa kanya..    " Maayos naman kami Cain..Saka isa isa lang ang tanong..para ka namang reprter niyan.." Napahalakhak ng tawa si Cain sa kabilang linya.      "  Tinawagan mo na ba si Mama? Tanong ko kay Cain.   "  Hindi pa Kuya..After ko tumawag sa inyo tatawagan ko si mama..panigiradong nalulungkot na iyun  Saka namimiss ko na nga kayo lahat diyan...   "  Ikaw maboboring?.dami kaya chicks jan"    "  Hay naku Kuya stick to one to no"   "  Aba bakit may girlfriend ka na ba?"     "  Yun ang wala pa!" Napatawa kaming dalawa habang si Nat ay nakikinig lang at pangiti.ngiti..     " I miss you Kuya Cain.." Sigaw ni Natalia para marinig ni Cain..   " Sobrang miss na din kita bunso...sabu ni Kuya nangangayayat ka na.Kumain ka nang mabuti..ok?  Para hindi naman ako mag alala dito at si mama..Okey bunso..?"   "Sure Kuya..ingat ka palagi diyan".. Tumalikod na ito at bumulong muna sakin bago umalis..  "   sa garden mun ako kuya" pbulong na sabi nito sa akin at tumango lang ako sa kanya.. Lumakad na puntang hardin si Nat dala dala ang manggang hilaw at may toyo at kalamsi? .. Nagulat ako sa nakita ko at pinasa walang bahala.. Iba din kasi ang trip ng bunso naming yun.. Ang mahalaga ay bumabalik na ang masyahing Natalia..     Pagkatapos naming mag usap nj  Cain ay kinuha ko ang ingredients para sa lulutuin kong ulam.. Natapos ang hapunan at Si Natalia ang naghugas ng pinagkainan namin habang ako ay lumabas muna at magpapahangin. Masyadong mabilis ang pangyayari kanina sa opisina.. At kailangan kong patunayan ang sarili ko sa kanila para hindi sila magsisi sa tiwalang ibinigay nila.sa.akin.. Kailangan ko ang opotunidad na ito para sa mga plano ko.. Magagawa ko lng ang lahat ng ito kung kumapit ako sa kanila.. Napag alaman ko kanina at nagtanong tanong ako sa mga tauhan na matag na nagtratrabaho.sa.kumpanya ang tungkol kay Lucas... At sobrang interesado ako sa nalaman ko.. Sinabi nito na Si Lucas ay hindi lang basta bastang negosyante lang..malalaki daw ang hawak nito na mga negosyo dito sa Pilipinas mangin sa ibang bansa.. At bulong- bulungan na isa itong leader ng mga mafia dito sa Pilipinas.. Pero hindi naman daw illegal ang mga operasyon nila..  At si Mr  Guzman ay hindi naman daw totoong kadugo nito..  Lucas is an adopted son of a mafia.leader..the big boss nila tawagin or Lord  Baron...Malapit lang na kaibigan nila si Mr Guzman.. Kaya daw lumaki ang kumpanya nito dhail sa impluwensya ng mga mafia..At dahil sa nalaman konay sobrang interesadk ako na makasali sa organisayon nila..Para kay Natalia!..       " Kuya hindi ka pa ba papasok?"    " Maya maya na lang...magpapahangin muna ako dito" Lumapit si Natalia sa akin at umupo bench na malapit lang sa kinatatyuan ko.    "Ano ba ang iniisip mo Kuya?.. May problema ba?"   " Naku wala..wala namang problema" Umupo ako sa tabj niya.   " Sobra say ko nga ngayon kasi alam mo ba tinalaga ako ng Boss ko na maging OIC ng kompanya namin pansamantala!..   "  Talaga Kuya?..Wow galing naman"...   " Kinakabahan nga ako eh kasi kabago bago ko tapos ang laki ng tiwala nila sa akin na ipa manage ang kompanya.."   "  Alam mo Kuya ang galing mo kaya..seguro bilib lang talaga sila sayo kaya ka nila pinagkakatiwalaan.!"   "Kaya nga gagawin ko ang lahat para hindi masira ang tiwalang binigay nila sa akin....kaya pumasok kana at magbihis gagala tayo...sagot ko!"   " ows talaga Kuya?" Natuwang sabi ni Nat at Nagmadali nang tumayo..   " Magbibihis lang ako ng mabilis Kuya!".kitang kita sa mukha ni Nat ang saya..Hindi mo akalaing my pinagdadaanang problema...   Makalipas ang ilang minuto ang lumabas na ito at nakapagpalit na rin ako.. Habang nasa linto ay nagtaka ito sa nakita..Isang kulay itim na kotse na naka park.   " Kaninong kotse yan Kuya?" Takang tanong ni Nat.   " Company car pinagamit sakin ni boss para daw hindi ako mahirapan sa pagpasok sa opisina."   "Aba..asensyadong asensyado na talaga ang kuta ko.." Napatawang sabi nito...Kaya napangiti lang ako..   Para sayo ang lahat ng ito Nat..Para sa bagong simula ng paniningil ng hustisya para sayo..sambit ko sa sarili ko..  " Tara pasok na..punta tayo ng mall.." Agad namang pumasok si Nat sa kotse..Naaliw ito sa mga nakikita sa mga nadadaanan namin..Unang beses pa lang niya na lumuwas ng Maynila kaya aliw aliw ito sa mga nakikita nita.   Pagdating sa mall ay dumiretso kami sa parking area..Maraming mga sasakyan ang nakaparada doon..Malamang maraming tao ang mall ngayon..     Pumasok kami ng elevator..Dahil nakapag dinner na ay didiretso na lng kmi ni Nat sa department store..Ipapamili ko muna sya ng mga bagong damit niya..Mag aaply sya ng trabaho kaya kailangan niya ng mga bagong damit..Kakasahod ko lang nung nakaraan kaya e lilibre ko sya....       "Ano gagawin natin dito Kuya? "    " Pumili ng mga damit..diba mag aaply ka ng trabaho? Kailangan yung formal na mga damit ang suotin mo..dagdag points yun?" Sabay kindat ko sa kapatid ko..   "  Libre m?...bakit may pera ka ba?"   " Oo naman ano kala mo sakin..OIC kaya to!"   " OiC lang kuya hindi COO o CEO.." Sabay tawa nito ng malakas. Kaya inakbayan ko sya papalapit sa akin at ginulo ang buhok niya.. " Kaw talaga"   "Halika ka na para makalili ka"   Nag ikot ikot kami para makapili sya nga mga damjt.. Pinamili ko din sya ng bagong pares ng sapatos at saka ng bag..Bago umuwi ay naisipan muna naming tumambay sa mga bench sa loob ng mall... 9:30 pa lang naman ng gabi..Sa bandang kanan namin ay may nakita akong nagtitinda ng ice cream..Mahilig si Natia sa ice cream kaya alam kong guguatuhin niyang kumain nito..   "  Nat gusto mo ng ice cream?" Nginuso ko ang nagtitinda ng ice cream   " Sure Kuya.."  " Rocky road?" Paborito niya kasi ang rocky road o yung cholate ice cream..   "Mango cheese kuya!" Nagtaka ako kasi hindi naman siya mahilig sa mango flavor na ice cream.  " Segurado ka Nat? Akala ko ba ayaw mo ng mango flavor?"   " Masarap kaya kuya..sige na please mango flavor yung may cheese" Nagtataka man ay tumayo na ako.."Dito ka lang..wag na wag kang aalis dito.."   " Okey Kuya dito lang ako"   Umalis na ako para bumili ng ice cream. Habang naghihintay sa binibili ay hindi ko inaalisan ng tingin si Nat. First time niya kaya baka may mangyari sa kanya..Nanatili lang naman ito sa kinauupuan..May mga taong tumitingin sa kanya at may kalalakihang sumusubok na lapitan siya pero hindj niya pinapansin kaya umaalis din kaagad...Bumalik na ako kung saan si Nat. Iniabot ko din ang mango flavored ice cream.with cheese na gusto niyang kainin.. Iniabot ko sa kanya..At takam na takam ito sa ice cream niya.Seguro ay matagal na kasi hindi siya nakakain ng ice cream..    Pagkatapos naming kumain ay bumili muna ako ng tubig at uuwi na rin..Pasado alas diyes na ng gabj at maaga pa akong papasok..Nakakahiya namang ma late..May kotse na nga na pinagamit sa akin ay malilate pa ako sa pagpasok.. Habang naglalakat papuntang parking area ay may nakita akong familiar na itsura ng babae.. . May kasama itong lalaki.. Matangkad at matikas ang pangangatawan.. Tantiya ko ay magkasing age sila ni Natalia.. At ang babae....kilala ko ang babaeng yun?  Anong ginagawa niya dito..Akala ko ay pumunta na ito sa ibang bansa para doon ay manirahan....Ano ang ginagaqa mo dito Cathalina!       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD