MATTHEO'S POV
12:45am
Hindi ako dalawin ng antok...Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko...Andaming tanong..andaming "bakit" ang nasa utak ko..
Palagi akong nasa tabi ni Nat. Hanggang sa pagtulog niya nasa tabi niya lang ako..Sobrang sinisisi ko ang sarili ko sa nang yari. Isang linggo na nangyaring panggahasa sa kanya. At pinapangako ko sa sarili ko ako mismo ang maghahanap ng katarungan para kay Nat.. Sa kamay ko sya mismo magbabayad... Yun ang palagi kong sinasabi sa sarili ko tuwing nakikita ko si Nat. Hindi ko mapigilan minsang umiyak.. Si mama hindi na rin minsan nakakapasok sa trabaho niya dahil sa pag aasikaso ky Nat..Hindi na rin muna ako lumuwas ng Maynila..Tinawagan ko ang may ari ng firm na pinag aplayan ko at naiintindihan naman nila ako...Binigyan nila ako ng isang buwan para magreport na sa opisina o maghahanap sila ng bago...Si Cain naman sinisi ako dahil pinabayaan ko si Nat. Sobra itong nasaktan. Hindi niya kayang makita si Nat na nahihirapan kaya tinanggap niya ang alok na trabaho sa ibang bansa. THat was 2 days ago ang alis niya.. Ngunit masama pa rin ang loob sa akin.
"Wag..waaaaag!" Sigaw ni Nat pero nakapikit pa din ang mga mata nito. Nasa tabi niya ako..Ako ang tumatabi sa kanya sa pagtulog tuwing gabi.. Palagi kasi itong nagigising mula sa pagkakatulog..maraming beses sa buong araw..Yun ang hindi kayang tingnan ni mama..Naiiyak ito pagnagigising si Nat na sumisigaw...Minsan sobrang tahimik naman nito habang dumadaloy ang mga butil ng luha mula sa kanyang mga mata na hinahayaan niya lang umagos ito..Yon ang mga tagpong hindi kayang tingnan namin ni mama.. Ang makitang nahihirapan si Nat sa nangyari sa kanya.
"Sssssh....! Pag aalo ko ky Nat..Pinunasan ko ang mga luha niya at niyakap ng mhigpit.
Nakahilig ang ulo niya sa dibdib ko at hinahaplos haplos ang isa niyang kamay na hawak hawak ko...Parang wala itong buhay.. Hindi rin makausap.. Marami itong gamot na ipinapainom sa kanya ng psychiatrist na tumingin sa kanya...Ayaw din nitong madilim ang paligid niya.. Hindi tulad noon hindi makatulog si Nat kapag maliwanag ang kwarto..gusto nito madilim mas madali itong makatulog....
1:30 am
Nakatulog naman ulit si Nat.. Kinuha ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Nat saka ko sya inayos sa higaan niya ng tumunog ang cellphone ko..
Si Cain ang tumatawag..Mula ng umalis ito palagi itong tumatawag..tatlong beses sa isang araw..Palaging kinukumusta si Nat.Pero tuwing tumatawag ito ramdam kong mabigat pa din ang loob sa akin.. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa.. Mahina lang ang tunog nito para hindi magising si Nat.
"Hello Cain?"
"Kamusta na si Nat?" Tanong kaagad ni Cain. Ganyan lagi tuwing tumatawag. Tinatanong agad ang kalagayan ni Nat.
"Hindi na nagiging madalas ang pagwawala niya. Minsan nagigising sumisigaw pero nakakatulog naman ulit."
"Bukas baka madalang nalang ako makatawag magsisimula na kasi ang trabaho ko..wag na wag mong pabayaan si Nat" malamig na sabi nito. At naiintindihan ko naman sya..Sobrang mahal namin si Nat higit pa sa buhay namin kaya sobrang sakit sa amin...sa kanya.
"Pangako" paninigurado ko sa kanya..At bigla na nitong pinatay ang phone niya. Napabuntong hininga na lang ako sa ginawi ni Cain.
Itinabi ko ulit ang phone ko sa ibabaw ng mesa. HUMIGA ako sa tabi ni Nat. PAYAPA ito sa pagkakatulog niya.. Kaya dahan dahan ako sa paggalaw para hindi ko sya magising.
7:30 am
Nagising ako dahil sa tawag ng kalikasan. Nilingon ko si Nat..Wala ito sa higaan kaya dali dali akong tumayo. Tinungo ko ang banyo baka umihi lang ito..Kumatok muna ako. Pero nakailang katok at tawag ako sa pangalan niya pero walang nagsasalita. Kaya binuksan ko na lang ang pinto..Pero laking dismaya ko ng hindi ko sya makita. Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya sa labas.Nakita ko kaagad siya nakaupo sa mesa...kumakain ito. Lakas ng kabog ng dibdib ko na baka hindi ko nanaman sya nabantayan ng mabuti..
"Naaat?" Di makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. Kaya dali dali akong lumapit sa kanya.." Ba't bumangon ka na?"
"Nagutom kasi ako Kuya" sabi nito pero matamlay ang tinig nito.
"Sana ginising mo na lang ako, nanghihina ka pa"
"OKey lang ako Kuya"
Napangiti ako sa nakikita ko.. Atleast alam kong unti unti nang nakakarecover si Nat. Mababawasan na rin ang pag aalala ni Mama.
Maagang umaalis si mama.. Pero sinisegurado nito na ready na lahat ang pagkain..may nakahain na bago ito umalis...para pagkagising ko ay kukunin ko nalang ang nakahanda nang pagkain para kay Nat. Dinadala ko sa loob ng kwarto..dun ko na sya pinapakain,sinusubuan.Saka paiinumin ng gamot niya...Pagkatapos ko siyang pakainin ay saka ako kakain. Ganun ang routine ko sa loob ng isang linggo.. Araw araw namang dumadalaw si Lorraine...dumadating ito ng alas diyes ng umaga ng walang palya hanggang alas singko ng hapon.. Siya ang ang naging katulong ko sa pag aasikaso kay Nat. Pagkadating nito ay diretso na agad ito sa kwarto para samahan si Nat sa loob..At wala rin kasing palya si Raine na magdala ng mga pagkain at prutas tuwing bumibisita ito...Siya na rin ang nag presenta para paliguan si Nat. Nahirapan kasi ako noong unang tatlong araw dahil ayaw ni Nat na may lumalapit na lalaki sa kanya.. Doon sobrang nasaktan si Cain kaya ganun na lang ang naging desisyon niya. Si mama kasi gabi na rin umuuwi kailangan kasi namin ng perang pambili sa mga gamot ni Nat. Mabuti na lang kilala ni Loraine ang Psychiatrist kaya hindi na ito nagpapabayad sa tuwing binibisita nito si Nat sa bahay. Sobrang laki ng tulong ni Lorraine kay Nat. Hindi rin nakalimot ang ibang mga kaklase nito na nagbigay din ng tulong pinasyal nang minsang bumisita sila sa bahay..May iniabot din silang sobre na may lamang pera galing daw ito sa may ari ng university at may kasama pang mga bulaklak at mga prutas..
Natigil ako sa iniisip nang biglang tumayo si Nat. Hawak hawak niya ang pinggan na pinagkainan niya..Bigla akong tumayo at kinuha ko ang mga pinggan na hawak niya.
"Ako na...maupo ka na lang muna diyan". Binigay naman niya ang pinggan at umupo naman ulit agad ito sa inuupuan niya.
Dumiretso na ako sa lababo para hugasan ang pinagkainan niya. Tinitingnan ko sya habang naghuhugas baka kasi mawala nanaman ito sa paningin ko. Matapos kong maghugas ay bumalik na ako sa kanya at iniabot ko ang mga gamot niya...
"Inumin mo na muna ito at bumalik sa loob para makapagpahinga ka ulit." Kinuha naman niya ang mga gamot at paisa isang ininum kasabay ng paglagok ng tubig.. Para akong nabawasan ng tinik sa dibdib habang tinitingnan si Nat. Matapos inumin ang mga gamot nito ay nagsalita ito ulit.
"Kuya, gusto kong lumabas' sabi nito na malumanay ang tinig. Tiningnan ko siya sa mga mata ng ilang segundo.. Kaya ngumiti lang ako sa kanya at at tumango para ipaalam sa kanya ma okey lang...
Akma na itong tatayo ng biglang may kumatok..Tumayo naman ako kaagad para tingnan ang kumakatok... Agad kong binuksan ang pinto at nakita kong nakatayo si Lorrane at nakangiti.
" Good morning Kuya!" Pagbati agad nito sa akin.
" Ang aga mo naman?" Pagtataka kong tanong sa kanya.
"Maaga lang nagising Kuya" sabay ngiti at kindat pa nito sa akin...kaya napangiti naman ako sa ginawi niya.
Yayain ko na sanang pumasok si Raine sa loob ng biglang lapit naman ni Nat sa amin.
"Raine?..!" Bigla itong lumapit sa kaibigan at niyakap ng mahigpit. Biglang tumulo ang mga luha ni Raine na nakatingin sa akin habang nakayakap ang kaibigan niya sa kanya. May gulat sa mga ekspresyon ng mga mata niya habang nag uunahan namang bumagsak ang mga luha niya... Hindi makapaniwalang tinawag ang pangalan niya.
Kumawala na sila pareho sa pagkakayakap ng tumingin si Nat sa akin. Ngumiti naman ako ulit sa kanya.. Naintindihan naman ang gusto niyang sabihin...Nakahawak ito sa mga kamay no Raine. Naglakad sila at tinungo ang upuang nililiman ng malaking puno ng mangga..Iilang hakbang lang naman ang layo nito sa bahay. Nang makaupo na silang dalawa sa upuan ay saka na ako pumasok sa loob pra hayaan silang mag usap na dalawa... Kailangan kasi ni Nat ang Makakausap.. Dumiretso na muna ako sa palikuran dahil sa nakalimutan ko na atang magbawas sa sobrang pag alala ko kay Nat.
Pagkalabas ko ng banyo ay kinuha ko muna ang cellphone ko sa mesa sa loob ng kwarto ni Nat saka ako lumabas ulit...Naupo ako sa upuan sa tabi ng mesa na nakaharap sa labas.. Sa kinaroroonan kasi nina Nat at Raine ay tanaw ko sila mula naman sa kinauupuan ko. Tiningnan ko ang oras sa phone ko.. 8:15 pa lang ng umaga.. Pumunta ako sa messages nga phone ko at hinanap ang mga mensahe ni Cain saka nagreply.
-Cain good news!)"..Yun ang laman ng text ko kay Cain.. Ilang sandali lang tumunog ang phone ko. Mensahe mula kay Cain
Cain: Ano yun
" Si Nat lumabas na ng kwarto..andun sa labas kausap ni Lorraine"
Cain: Talaga Kuya? Okey na na sya? Ano sinabi niya? Hinanap ba niya ako
Sunod sunod na mga tanong ni Cain..
"Relax Cain, she's ok..she's recovering fast
Cain: I'll call later..Take care of Nat.
"I will,ingat ka diyan"
Natapos ang usapan namin ni Cain at sunod ko namang tinext si Mama Para ipaalam sa kanya.. At nagmamadali itong uuwi agad mula sa trabaho.. Alam kong gaano kasaya si Mama malamang unti unti nang nagiging ok si Nat. Ipinaalam ko din sa doktor nito ang improvement kay Nat kaya sinabi nitong dadaan sya mamayang hapon para tingnan si Nat.
Masaya ako sa unti unting bumabalik si Nat sa dati... Sana ay tuluyan na niyang ma overcome ang nangyari sa kanya para makapagpatuloy ito sa buhay niya na hindi na natatakot. Sana ay tuluyan na niyang makalimutan ang malagim na yugto ng buhay niya..Hindi ko na kayang makita pa siyang muli na nahihirapan at nasasaktan.. At hinding hindi ko kailanman kakalimutang pagbayarin ang may gawa nito sa kanya..
4 days ago.....
Bumalik ako sa police station para magtanong tungkol sa kaso ni Nat...
"Good morning boss".bungad na bati ko...nasa harap ako ng isang desk officer..Matangkad ito at naka uniporme ng pulis. Malaki ang katawan at malaki din ang tyan.
"Anong kailangan mo?" Tanong nito agad sa akin.
"Hihingi lang po ako sana ng update tungkol sa kaso ng kapatid ko"
"Anong kaso"
"YUNg r**e case po doon po sa may St Marys University"
"Pasok ka doon sa loob at dumiretso ka sa may womens desk officer...Si Police Inspector De Guzman..Siya ata may hawak ng kaso"
"Ah sige boss pasok na ako"
Tumango lang ito sa akin. At dumiretso na ako sa loob... Pagkalapit ko sa mesa ay agad akong nagtanong...
"Police Inspector De Guzman?"
Tumayo agad ang babaing nakaupo sa misa na may binabasang newspaper. ..matangkad ito seguro nasa 5'7" ang tangkad nito.. Nasa mid 30's na ang edad nito. Morena at maganda.
"Ako nga..what can i do?"
"Ako po si Mattheo....Mattheo Rodriguez po!"pagpapakilala ko sa sarili ko. Sabay lahaf ng mga kamay ko sa kamay niya...At walang kimeng kunamayan naman niya ako.
"Maupo ka muna" .. umupo din ito at inikot ang swivel chair niya at may kinuha sa loob ng drawer..Umikot itong muli at hinarap ako may hawak itong puting folder.
"So..you are the brother of ..."natigil muna sandali ito at binuksan ang folder.
".....Natalia Rodriguez?
"Opo..ako nga po!"
"Based on our investigation at dahil wala tayong ebidensya...walang nakuhang cctv footage sa area ng pinangyarihan..until now wala pa kaming lead sa mga suspect or maaring maging suspect..Only if sana kung makakausap na namin ang kapatid mo at willing na syang magbigay ng testimony niya maybe makakakuha tayo kahit na ano para makakaidentify man lang sa possible suspect.. Sa ngayon wala pa talagang lead.. Madami namang nagbigay ng testimony but none of them dont know what happen...Walang witness!.." she expalins. Kaya nanlumo ako...Ayojo namang ma pressure pa c Nat dahil sa nangyari sa kanya ay hindi rin makausap.
"Babalik na lang po ko uli..Please inform me please kung my lead na po kayo" Tumayo na ako pata magpaalam.
"We'll call you mr Rodriguez as soon as my lead na kamj or may witness na magpakit"..
Umalis na ako kaagad.. Alam kong si Nat lang ang pwedeng magsalita tungkol da nangyari sa kanya..Pero Paano nasa state of shock pa din si Nat at alam kong mahihirapan itong harapin ang nangyari..Maybe until shes okey and ready...
PRESENT.....
Habang tanaw ko sina Nat at Lorraine na nag uusap ay di mawaglit sa isip ko ang nangyari...kung paano akong naging irresponsableng Kuya..Hindi ko nabantayang mabuti ang kaisa isang kapatid ko na babae..ang pinakaiingatan kong kapatid...Sobramg na guilty ako sa sarili ko.. That s i made a promise to myself..whatever it takes pagbabayarin ko ang sino mang sumalbahe sa kapatid ko..Hindi ako titigil hanggat hindi siya o sila nagbabayad sa ginawa nila..Buhay nila ang kabayaran sa buhay na sinira nila..