Pinagmamasdan ko si Chinny sa malayo. Naka two piece lang siya ngayon at nakahiga sa manipis na tela, doon malapit sa dagat. Hindi ako mapakali, si Kade kasi, sabi niya 'wag muna raw kaming gumawa ng eksena. Ayaw niyang kausapin 'yan o ang mga Usoro. Saka na lang daw dahil dalawang araw na lang naman kami dito. Ano ba kasing makukuha ng Chinny na 'yan kung isusumbong niya ko? Bibigyan ba siya ng malaking halaga ni Lola? Mayaman naman na siya, ah? Hindi pa ba sapat ang meron siya ngayon? "Bakit ganyan kang makatingin kay Chinny?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Jeff. "Para kang kabute, alam mo ba 'yon? Kung saan-saan ka sumusulpot," reklamo ko. "Anong nakakagulat? Ayan kasi, kakatitig mo 'yan kay Chinny." "At kasalanan ko pa?" "Ba't mo kasi siya tinititigan? Para ka diyang lalaki na nanin

