"Pinaglalaban ko naman ang sa amin ni Chinny. Kaso lang kasi.." Bumuntong hininga siya habang patuloy na lumalakad papunta sa bahay ng mga Usoro. "Kaso lang?" taka kong ulit. "Kaso lang ano, Jeff?" "'Wag na, hindi mo rin maiintindihan dahil mayaman ka rin." "Hindi mo rin alam ang kwento namin ni Kade kaya 'wag kang mag-judge diyan. Dali na! Masyadong pabitin!" "Kami ni Chinny," muling sabi niya kasabay ng paghinto. Hinarap niya ko na para bang pinipilit niyang ilabas ang gusto niyang sabihin. Nakamostra siya habang tinitignan ako. "Kami ni Chinny, sabay kaming lumaki. Natatakot lang daw sila na kapag naghiwalay kami ng apo nila, umalis ako at hindi na nila ko makita. Nakuha mo ba?" Umiling ako. "Parang apo na raw ang turing nila sa amin ni Kuya kaya hangga't maaari layuan ko raw si

