HANA'S POV
Tumunog ang aking alarm clock na nagsanhi upang ako ay mahulog sa aking kama at tuluyang magising "OMG! Pasukan nanaman!" nasasabik nanaman akong pumasok sapagkat muli ko nanamang masisilayan ang nag iisa kong ultimate crush na si Jake hehe
Ngunit sa kabila ng kasiyahan, bigla naman akong napatingin sa salamin at roon ay napuno muli ako ng kadismayaan sapagkat hindi ko maipapakita ang taglay kong kagandahan
Bakit ba kasi kailangan ko pa itago ang aking mukha, tumingin ako sa bedside table ko at naroon ang aking makapal na salamin kung saan gagamitin ko sa araw-araw
Huminga ako ng malalim at tuluyan nang pumunta sa banyo lalo na at malabo akong mapansin ni Jake
Natapos akong gumayak at matamlay na bumaba papunta sa kusina
"Anak? You look pale?"
"Gutom lang ako mom" I smiled at humila ng isang upuan
After five minutes, natapos akong kumain at nagpasyang umalis
Pagkababa ko sa aming kotse ay nagsimula nanaman akong pagbulungan at pagtitinginan ng masasamang tingin gawa ng mga estudyante, ngunit alam ko naman na sa kaloob-looban nila ay grabe na nila akong husgaan
Siguro, kung pera lang lahat ng panghuhusga nila baka may milyon nako
Nagsimula akong maglakad ngunit isang kotse pa ang dumarating kaya't agad ko itong tinignan
Sa design pa lamang ng kotse ay malalaman mo na kung kaninino ito, and it's Jake Miller. The one and only bestfriend of my target, Matthew Dela Torre and... my crush!!
I froze once he got out of his car, geez he's so handsome and hot as hell
Bago pa ito mawala sa aking paningin ay sinundan ko na siya habang nasa likod ng maraming babae, you know I still need to stay lowkey
Hanggang sa makarating ito sa kaniyang klase ay nakasunod ako at laking tuwa ko naman nang malaman kong parehas kami nang papasukan na klase
Imbes na sa harap at maging katabi nito pinili ko na lamang ang pinaka dulong pwesto, syempre nerd ako eh baka sugurin ako ng mga mean girls kuno
Huminga ako ng malalim "Hanggang tingin nalang talaga ako" bulong ko sa aking isipan, habang nakatitig kay Jake
Tutal alam ko naman na yung lesson namin, kaya kahit hindi na ako makinig kasi bago pa man magpasukan inaaral ko na mga lesson namin at ganyan ako katalino
It's already after class, at ang ginawa ko lang buong maghapon ay titigan si Jake ngunin nakapagtataka lang kung bakit wala si Matthew? Nag transfer ba siya or he's just busy? Bruh, but who cares Hana?
I've been waiting for our driver, and it's been for a half hours but still not here
Ako nalang yata ang hindi pa nakakuwi, I guess I have to walk
Maglalakad na sana ako nang "Do you want to ride with me?"
"Huh? R-ride with y-you? utal kong tugon rito
"Yea, kanina pa kasi kita napapansin at saka pauwi na rin ako" pagkatapos nitong magsalita ay walang alinlangan akong pumunta sa passenger seat
"Oh, mukhang gustong-gusto mo nang umuwi ah" napatawa ito ng bahagya taht made my heart melt, gosh, how to get his attention?
"Ah, oo" I laughed awkwardly at sana lang ay di niya napansin
I look stupid somehow, paano nalang kaya kung may kasama pa kaming iba
I shook my head, instead na mag isip ng kung ano-ano, sinulit ko na lamang ang oras habang kasama ko siya
I wish the time would stop, if only I could stare at him that long
Ngumiti ako ng mapait at mas pinili na lamang na ituon ang aking tingin sa harap "That would never happen, Hana" sambit ko sa aking sarili
Nanatili akong tahimik mula kanina hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay, well, Jake knows our house kasi her mom and my mom are besties
"So?" I spoke
"I guess hanggang dito nalang, see you tomorrow" sambit nito bago ako tuluyang lumabas sa kaniyang kotse at ngumiti ng matamis
Bago pa ito umalis ay kumatok ako sa bintana ng kotse "Ingat ka, bye!" I told him and waved my hand habang papalayo ito