HANA'S POV
Another day have passed and now, it's Tuesday
Masaya akong gumising dahil sa masayang pangyayari na naganap kahapon, akalain mo iyon? Isang Jake Miller makakasama ko at higit sa lahat kaming dalawa lang
Hay, sana ganoon nalang palagi
Natapos akong mag pantasya at saka gumayak na, sana naman maging maganda uli ang araw ko ngayon
Mabilis akong natapos at agad na pumunta sa school, habang sa aking paglalakad ay may usapin akong na pakinggan
"Uy, balita ko sa ibang bansa na nag aaral si Mr Heartthrob?"
"Saan mo naman nasagap yan?"
"Gosh, I heard Chancel"
"So... hindi na natin siya makikita?"
"Maybe?"
Is it real? Kaya ba hindi ko siya makita rito sa campus? Kaya ba hindi ko siya mahanap sa alinmang sulok ng campus?
But before thinking anything else, I called my brother
Pumunta ako sa likod ng school at doon tumawag, para na rin sa safety
*On the phone*
"Kuya"
"Yes?"
"I have something to tell you sana ipaabot mo kay sir"
"Tell me what is it?"
"Uhmm, may nasagap akong balita about our target"
"Ok? Spill"
"Ayon sa mga narinig ko, he was -
TUT TUT TUT....
Huminga ako ng malalim, the call was cutted sinubukan ko muling tumawag ngunit hindi ko na ito muling matawagan
Maybe I should tell him next time
Dismaya akong pumunta sa classroom ko, hanggang sa masilayan ko nanaman si Jake para bang nawala lahat ng iniisip kong mga negatibo
At napalitan ng mga kilig at positibong pag iisip, ngunit mga ilang sandali ay dumating ang aming guro
"Istorbo" sambit ko sa aking isipan, paano ba naman kasi hindi magiging istorbo iyon
Tipong nagpapantasya ako tas bigla ba namang sabihin "Go back to your seats" arghh
"Before we start, I would like all of you to meet our transferee" at iyon nga kanya-kanya nanaman ang mga bulungan dito sa aming klase, syempre hindi na mawawala yung line na 'sana gwapo' lalong lalo na si Chancel
"Please do come in, Mr. Madrid" pumasok ang isang matangkad na lalake at laking gulat ng buong klase, dahil tulad ko ay may suot rin itong makapal na glasses at maraming tigyawat, I think?
Actually he looks more ugly than me, wow nakapanglait pa ako ah parang di rin naman ako panget sa hitsura ko ngayon
Napatawa ako ng bahagya sa aking iniisip, at sakto namang nahuli ako nitong tumatawa
OMG sana hindi niya isiping tinatawanan ko siya, habang ang mga kamag-aral ko ay patuloy sa pagbubulungan
Alam naman na natin na sa pagbubulungan nila ay may kasama ng panghuhusga
"Uh I'm T-Theo Ma-madrid" pagpapakilala nito at agad tumabi sakin
Tumingin ako rito nang may pagtataka "What?" umiling ako at ang mga kaklase naman namin ay nagsimula kaming lokohin
Geez, I thought this would be another great day for me
Tumingin ako kay Jake, and I thought ako yung tinitignan niya but I was wrong and it was Theo
...
As I said before, I called my brother nang makarating agad ako sa aming tahanan and finally he answered
"Tell me now"
"Heto na nga, I heard someone saying that our target is studying abroad"
"Are you sure?"
"Yes, at narito pa talaga sa balita"
Pagkasabi ko noon ay muli akong pinatayan ng aking kapatid, as usual hindi na bago sa akin iyon
Gustuhin ko mang magtampo pero wala akong magagawa at palaging nakatuon ang pansin niya sa kaniyang trabaho